HINDI NA alam ni Diosa kung anong baling sa kama ang kanyang gagawin at kung anong piga pa sa kanyang pisngi ang gagagawin maibsan lang ang nararamdamang pagkirot ng kanyang ngipin. Mula nang ihatid siya roon ni Yozack ay hindi na siya tumigil sa tahimik na pag-iyak sa kanyang silid. Matapang siya at malditahin. Pero pagdating talaga sa sakit ng ngipin, suko pati kaluluwa niyang bato. Kahit ang mga kuya niya na nakamasid lang sa kanya katabi ni Yozack ay walang magawa.
“Ngayon ko na lang uli nakitang umiyak si Carding,” wika ni Trigger. “The last time she cried was when she was in highschool.”
“Nakipag-unahan siya sa mga kasama niya sa pagsakay sa school service nila,” dugtong ni Jigger. “Nadapa siya. Lampa kasi.”
Nilingon niya ang mgaito. She wanted to shout at them to get out of her room. Pero hindi niya magawa dahil nga sa tindi ng kirot na nararamdaman niya sa kanyang ngipin.
“Dalhin na natin siya sa dentist,” suhestiyon ni Yozack. “We can’t let her go on like this.”
“Hindi iyan sasama. Kapag ganyang may dinaramdam iyan, mas malala ang saltik niyan sa utak.”
“But she’d been crying for almost an hour now.”
“Hayaan na lang natin siya. Mayamaya lang din naman ay eepekto na ang ininom niyang gamot.”
Nakasubsob na uli siya sa kanyang unan kaya nang sa wakas ay manahimik na ang silid ay inakala niyang iniwan na siya ng mga ito. Nagulat na lang siya nang lumundo ang kanyang kama at marinig ang boses ni Yozack.
“Diosa, dadalhin na kita sa dentista. Para matingnan na ng maayos iyang ngipin mo.”
Pag-angat niya ng tingin ay ang nag-aalalang guwapong mukha ng binata ang sumalubong sa kanya. She almost forgot about her toothache with his face only a few inches away from hers. Napalitan ng malakas na t***k ng kanyang pasaway na puso ang alalahanin niya. Bakit parang naging habit na ng puso niya ang magkaroon ng ganitong reaksyon sa lalaking ito? Ano ba ang meron ito at ganon na lang ang dating nito sa kanya? It seemed like…she liked him. More than like him.
May tila pumitik na naman sa sintido niya nang kumirot uli ang kanyang ngipin. Nadampot niya ang unggoy na stuff toy sa kanyang tabi at inihambalos iyon sa mukha ni Yozack. Nagsama-sama na siguro ang lahat ng emosyon niya mula sa iritasyon niya sa sakit pati na rin ang kaguluhang hatid sa damdamin niya ng binata kaya hindi niya ito tinigilan sa pagpalo. How could he made her feel this way? Why him? Why now? When did all this start?
“Diosa, tigilan mo na iyan,” saway ni Trigger. He had called her on her real name. Hindi na nito palalagpasin pa ang inaasal niya ngayon. “Nagmamalasakit na sa iyo ‘yung tao, kaunting paggalang naman.”
“Si Yozack na lang ang nagtitiyaga sa iyo, sis. Huwag mong hintayin na pati iyan e sumuko na rin sa ugali mong iyan kapag nagkakasakit ka.”
Subalit patuloy lang siya sa paghampas dito. She wanted him to give up on her. Para umalis na ito sa harap niya at hayaan na siyang mag-isa. Para matigil na rin ang anomang kalokohang ito na nararamdaman niya para rito. Subalit nanatili lang ito sa harap at tinanggap ang lahat ng hampas niya.
“Dadalhin kita sa dentista, Diosa.” Hinampas niya ito sa mukha. Napapikit lang ito ngunit hindi pa rin umalis. “The dentist will not touch your teeth, I promise. Just let him see it so we’ll now what to do to minimize, if not stop, the pain.”
Isang malakas na hampas lang sa mukha ang isinagot niya rito.
“Yozack, just leave her alone.”
“Wala ka ng magagawa diyan. Ganyan na ang ugali niyan.”
Oo! Umalis ka na sa harap ko! Stop making feel all this! Subalit napagod na siya at lahat ay nanatili lang sa harap niya si Yozack. Sumuko na rin ang mga kuya niya sa kanilang dalawa.
“Bahala na nga kayo. Jigs, may makakain ba sa kusina mo?”
“Wala. Doon na lang tayo sa Rider’s Veranda. Nagsasawa na rin ako sa mga tao rito.”
Umalis na ang mga kuya niya. Naiwan silang dalawa ni Yozack na nagtititigan pa rin. Nagpapatigasan sa kung sino ang susunod na susuko. Bahagyang namumula na ang mukha nito sa paghampas niya sa stuff toy. Ngunit wala siyang anomang narinig na reklamo mula rito. Then he moved to pick a tissue from her tissue box and gently dabbed it to her cheeks to dry her tears.
“Basang-basa ka ng pawis,” wika nito nang kumuha uli ng tissue at pinunasan naman ang pawis sa kanyang noo. “Maybe you should change your shirt. Baka matuyuan ka ng pawis, madagdagan pa ang sakit mo.”
“B-bakit mo ginagawa ito, Yozack?”
“Because I want you to get better.” He sighed and looked at her. “Let’s see a dentist, Diosa. Ayoko ng makikita o maririnig kang umiiyak.”
Kumurap-kurap siya. Saglit na naman niyang nakalimutan ang dinaramdam. There was no denying anymore. Ang kaguluhang nangyayari sa isip at puso niya, iisa lang ang dahilan. Si Yozack. She was falling inlove with him.
Sumigok-sigok siya. Parang gusto na naman niyang umiyak. Pero sa pagkakataong ito, hindi lang dahil sa kirot na dulot ng lintik niyang ngipin. Because he was looking superbly handsome, while she mostly likely looked like a drenched witch of the North.
“Tama na iyan, Diosa.” Now it was his warm hand that was gently wiping away the tears from her eyes. “I promise you’ll feel better soon.”
“Bakit ayaw mo pa ring umalis?” Napalakas ng kaunti ang hikbi niya. “Ang pangit ko na. Hindi na ako diyosa. Feeling ko, isa na akong bulateng may pakpak.”
“What?”
Tuluy-tuloy ang pagpatak ng kanyang mga luha. “Mukha na akong ipis!”
Tila naguluhan ito sa sinabi niya. But after a while, napangiti na lang ito habang masuyong hinaplos ang kanyang pisngi. “Hindi ka mukhang ipis. Para sa akin, paruparu ka pa rin. Kulay brown nga lang.”
Pinalo niya ito sa balikat. Malakas lang itong tumawa nang hawakan siya nito sa braso. She didn’t know exactly why but his lively laughter was doing wonders to her system already. She wasn’t a bit offended at all. Not when he saw beauty behind her ugliness.
Now who could blame her if she had fallen for this guy?
“Diosa, let me take you to the dentist. Susubukan lang natin ang puwedeng maibigay na solusyon niya sa iyo.” Napatango na lang siya. “That’s my girl.”
Nauna na siya nitong tumayo at pagkatapos ay siya naman ang maingat na inalalayang makatayo. They were standing face to face now as he gently brushed away her hair from her face.
“You’re not a butterfly,” masuyo nitong wika. “Diyosa ka pa rin. At sa tingin ko, hindi na magbabago iyon.”
Ayaw na ayaw niya sa mga bolero at playboy. Ngunit hindi matanggihan ng puso niya ang partikular na bolero at playboy na ito.