CHAPTER 89 “Alam mo nang una kitang makita, you remind me of someone t can’t rememeber when and where. So nasaan na sila? Magtagalog ako para sa’yo sana e pero I can’t negotiate to someone who don’t understand any of these. I am asking you the specifics in our contract, your good offer, mode of payment and all ta’s sasagutin mo ako ng hindi mo pa alam kasi wala pa ang anak mo at ang abogado ninyo? You are wasting my time! Kailangan ko ng matalinong kausap at hindi ganito. Bakit kasi sila dito nagpapadala ng basura? Mukha bang talipapa ang aking binebenta?” Huminga ako ng malalim. Pinihit ako ang seradura. Magpapakita na ako. Magtutuos kami ng matapobreng ito. Iba na yung Nanang ko mismo ang minamaliit niya! Humanda siya ngayon sa akin! Pagpasok ko ay n

