CHAPTER 87 Habang nasa sasakyan kami ay taimtim akong nagdadasal. Ilang beses ko ba dapat ihingi ng awa ang mahal ko? Ilang beses ko ba dapat iluluhod ang pananatili ni Heine sa buhay namin. Hindi ko kinu-question ang Panginoon, humihingi ako ng isang himala. Himala na kahit ilang buwan lang muna. Huwag muna ngayon, huwag naman sana muna sa araw na ito kung kailan dapat ay nagdidiwang kami sa isang pagtatagumpay. Hinahawakan ko ang palad niya nang nasa hospital kami. Binubulungan kong lumaban siya. Hinihiling kong tatagan niya ang loob niya dahil nasa tabi lang niya ako. Hanggang sa biglang nagmulat siya ng kanyang mga mata. Inilibot niya ang kanyang paningin. “Nasaan ako?” “Salamat sa Diyos nagkamalay ka na babe ko. Nasa hospital tayo” garalgal ang boses ko. Mabilis kong napunasan ang

