CHAPTER 82 “Patawarin mo ako. Hindi ko po alam kung papaano ako babawi sa iyo bhie. Sorry…. Sorry…Sorry.” bulong ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano an gaming pag-uusapan. Marami akong gustong sabihin tungkol sa kanyang karamdaman pero kung bawal itong pag-usap, ano ang una kong sasabihin? Sana hindi ako iiyak sa harap niya. Sana makaya kong sundin ang hiling niya sa amin. “Shhhh! Tahan na bhie. Huwag mo ng itago ang pag-iyak mo dahil alam kong umiiyak ka. Pasimple ka pa e. Ramdam ko kaya huwag nang magpanggap. Iyakin ka kaya.” pilit niyang pinasaya ang kanyang pagsasalita ngunit kahit kailan hindi ko nakitaan ng pagkatuwa ang nangyayaring ito sa amin. “Sorry na po talaga!” tuluyan ng yumugyog ang balikat ko. “Mali ako sa ginawa kong pag-iwas. Mali akong naglagay ako ng pader sa pagitan

