CHAPTER 68 A- anong sinabi m-mo uli?” ngatal niyang tanong. “Gusto mo bang ipaalala ko sa’yo?” “Okey, gusto kong margining ang kuwento mo. I have this feeling na ikaw ang… Oh God, huwag naman sana. But please, anong kuwento mo? Makikinig ako.” “Twenty five years ago. May naging katulong kayo na Belen ang pangalan.” Pagkasabi ko pa lan doon ay namula ang kanyang mga mata. Alam kong alam na niya. “Nakipagrelasyon ka sa kaniya at binuntis mo. Dahil hindi siya marunong bumasa at sumulat, pinalayas ninyo siya, pinagtalikuran mo ang iyong responsibilidad. Kinawawa ng pamilya mo ang Nanang ko. Sinkatna mo siya at pinahirapan ng buo mong pamilya. Kinalimutan mong may anak kang ipinagbubuntis niya. Bakit, dahil ba sa mahirap lang siya at mangmang?” Huminga siya na malalim. Nakita ko agad ang

