Chapter 14

1265 Words
"If you really fulfill the royal law according to the Scripture, "You shall love your neighbor as yourself," you do well; But if you show partiality, you commit sin, and are convicted by the law as transgressors. For whoever shall keep the whole law, and yet stumble in one point, he is guilty of all." James 2:8-10 ~ Nanatili ako sa outpost ng CFU ng dalawang araw. Matapos ang pag-uusap namin ni Gideon, bigla na lang siyang nawala na parang bula. Tinanong ko si Ander kung nasaan si Gideon pero ayaw niyang sumagot, nang tanungin ko si Ruben, sinabi niyang may bagong misyong inatas kay Gideon. Kumatok ako ng tatlong beses sa palikuran. Nang bumukas ang pinto, nakita ko si Elaine at si Ander sa loob. Tumabi ako nang lumabas silang dalawa. Napailing na lang ako at pumasok sa loob. Nakahanda na ang backpack ko at pinabaunan na rin ako ng de-lata ni Elaine. Desidido na akong bumaba at pumunta sa sentro ng Alegria. Ayaw ni Ruben pero nagmatigas ako. May misyon akong dapat tapusin. Kailangan kong malaman ang nangyayari sa Mantalongon at matulungan sila, saka hahanapin ko pa si Mama at aalamin kung anong nangyari kina Kuya at ate Fey. Hindi ko makukuha ang sagot dahil sadyang masikreto ang Civilian. "Kung anong mangyayari sa 'yo sa ibaba, kargo na ng konsensya mo," sabi ni Elaine at inabot ang backpack ko. Ngumiti ako. "Desisyon kong bumaba kaya sa akin ang konsensya." Tumango siya at tinapik ako sa balikat. Tumalikod siya at bumalik sa malaking tent. Huminga ako nang malalim at nakangiting hinarap ang daan papunta sa kakahuyan. Binigyan ako ng mapa at compas ni Ander, at nasa akin ang gabay ng Diyos kaya hindi ako natatakot. "Angela!" Lumingon ako nang marinig ko ang tinig ni Gideon. Tumakbo siya papunta sa akin at agad akong niyakap. "Mag-ingat ka." Gumanti ako ng yakap at pumikit. "Ingat din, Gideon. Gabayan ka ng Diyos." Tinapik ko ang balikat niya. Kumalas siya at ginulo ang buhok ko. "Hinding-hindi kita malilimutan," aniya. Ngumiti lang ako at tumalikod. Humakbang ako papunta sa kakahuyan, pabilis nang pabilis, hanggang sa naging takbo. Kinagat ko ang labi nang lumabo ang paningin ko. Malamig ang hanging humahampas sa mukha ko pero hindi niyon naibsan ang bigat sa dibdib ko. Ayaw kong iwan si Gideon dahil nagsisimula pa lang ang hakbang niya kasama ang Panginoon. Masakit ang puso ko para sa kaniyang isang batang tupa. Kailangan niya ng gabay. At nagdadasal akong hinding-hindi niya kakalimutan ang Panginoon, at ang kaligtasang tinanggap niya. "Please guide Your humble servant, Lord." Tumigil lang ako sa pagtakbo nang makapasok na ako sa kakahuyan. Huminga ako nang malalim at pinahid ang basang pisngi bago nagpatuloy sa paghakbang. Malago ang dahon ng mga puno kaya halos hindi nakakalusot ang sinag ng araw, pero kahit na gano'n, maliwanag pa rin ang paligid. Malalaki ang ugat ng mga puno at matatayog ang tayo ng mga ito. Ilang metro din ang distansya ng mga ito sa isa't isa kaya maraming ligaw na d**o ang tumubo sa pagitan ng mga ito. Naalerto ako nang makarinig ako ng yabag sa likod. Lumingon ako at nakita ko si Ruben. Seryoso ang mukha niya. "Bakit hindi ka nagpaalam?" agarang tanong niya. Napakurap ako. "Akala ko ayaw mo akong bumaba." Naningkit ang mga mata niya. "Ayaw kitang bumaba pero wala akong sinabing hindi kita sasamahang bumaba." Natameme ako saglit, pagkuwan napaturo sa sarili. "Sasamahan... mo ako? Seryoso ka? May trabaho ka sa CFU." "Nagpaalam na ako." "Tapos, pumayag lang si Ander?" Tumango siya. "36 rounds ang ginawa ko para samahan ka at 'yan ang sasabihin mo." Nangunot ang noo ko tapos umiling. "Mas kailangan ka rito sa itaas. Bumalik ka na sa CFU." "Ginawa ko na ang parusa. Gagawin ko ngayon ang premyo." Humakbang siya palampas sa akin at naunang naglakad. Napailing na lang ako at napahugot ng malalim na hininga. Matigas din pala ang ulo ni Ruben. Tumakbo ako pahabol sa kaniya. "Paano ang palayan mo?" "Inaasikaso 'yon ng kaibigan ko. Pagbalik ko rito sa itaas, nakaimbak na 'yon sa imbakan." "A, ina-assume mo na matatagalan ka sa baba?" "Baka abutin pa nga ng isang taon." "Bakit naman?" Huminto siya at tumingin sa akin. "May command post pang kailangan mong daanan bago makarating sa ibaba. Kaya sinamahan kita para makadaan ka." "Ako lang?" "Oo. Dahil ang outpost ng CFU ay isang quarantined area. Hindi pwedeng bumaba ang mga Civilian." Ngumiti siya nang marahan at tinapik-tapik ang balikat. "Tapos babalik ka sa outpost?" Dahan-dahan siyang tumango. "Kung hahayaan ako ng chief na bumalik. May ibang civilian na nagtangkang bumaba pero hinarang ng command post, at hanggang ngayon hindi pa nakakabalik sa outpost." Tumingin siya sa malayo at bumuntonghinga. ISANG isolated area ang command post na sinabi ni Ruben. Hinaharangan iyon ng alambre, at mukhang electric barbwires ang nakaikot sa mga metal na poste. Napatingin ako kay Ruben nang kinuha niya ang walki-takie. Nilapit niya ang bibig doon. "Need entrance, roger." May static akong narinig. "Code." "CFU-20RB36, roger." "Access granted." Binaba ni Ruben ang walkie-talkie at ilang minuto lang ay may nakita akong lalaking naglalakad papalapit sa amin mula sa kabilang bakod ng alambre. May hawak siyang de-kalibreng baril at nakasuot ng protective gear. Walang kahirap-hirap niyang iniangat ang isang metal na pinapaikotan ng electric barbwires para mabuksan ang isang munting pinto sa kaliwa. "Faster!" sigaw ng lalaki. Sabay kaming tumakbo ni Ruben papasok sa nakabukas na maliit na pinto. Ibinaba naman ng lalaki ang metal at nakita ko ang muling pagkislap ng mga alambre sa paligid. May electric waves nga sa mga metal. "What outpost are you from?" tanong ng lalaking may dalang baril. "30 degrees northeast, South Lanaya," sagot ni Ruben. Tumango ito. "Chief Tañedo is not in command. What brought you two here?" "Permission to pass, Sir." Nangunot ang noo ng lalaki at sinenyasan kaming sumunod. Kapansin-pansin ang pagiging tahimik ng lugar na maski paghinga at yabag ay naririnig ko. Para bang walang tao. Umikhim ako. "Sir? Where are the others?" Pero ni hindi man lang siya lumingon, huminto, o sumagot. Napailing na lang ako at piniling manahimik. Nadaan namin ang isang abandonadong bahay, ang nasirang hardin, at ang mga nakatumbang puno. "Anong nangyari dito?" tanong ko kay Ruben. "Siguro dahil sa bagyo." "Bagyo?" Tumango siya. "Noong nakaraang mga buwan, may bagyo. Bago pa lang noon pinatupad ang lockdown." Naalala ko 'yong balitang bagyo sa radyo, noong may lagnat si Kuya Arnel. Nakakagulat na natamaan nang husto ang lugar na ito, pero maayos-ayos naman ang Mantalongon. "Ilang buwan na 'yon, hindi pa rin nila nalilinis?" Hindi na sumagot si Ruben. Naisip ko na lang na wala sa priority ng command post ang paglilinis. Nahinto ako sa paghakbang nang matanaw ko sa malayo ang isang malaking tent. Mas malaki pa sa tent ni Ander. Kulay bughaw iyon, taliwas sa kulay puting tent sa outpost. "Angela," tawag ni Ruben. Patakbo akong sumunod sa kanila ng lalaki. Tahimik kaming pumasok sa loob ng tent at natood ako sa kinatatayuan nang makita ko kung sino ang nakaupo sa isang metal chair at nagta-track sa radar. "Chief, these two are requesting for a pass." "Who are they?" Bumaling ang lalaki sa amin ni Ruben. "A Civilian and a girl, chief." "Names?" tanong ng lalaki nang hindi nag-aangat ng tingin. Kung hindi ko pa narinig si Ruben na magsalita, hindi ko mapagtatantong kanina ko pa pinipigilang huminga. "Ruben and Angela." "Angela," sabi ng lalaki at nagtaas ng tingin. Tumitig siya sa akin saka marahang ngumiti. "Kumusta ka?" Makailang ulit akong napakurap pero hindi ko napigilan ang pagbuhos ng luha. "A-Anong ginagawa mo rito, K-Kuya Arnel?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD