2

2504 Words
Please correct my grammatical errors if I'm wrong. Mas ayos po yun sa'kin! _________ "Sunflower, sure kabang ngayon na tayo aalis?" tanong ni Tulipian sa'kin. "Hmm." tumango-tango pa ako saka inayos ang maletang dadalhin ko. " Bukas nalang, si Hyacinth nalang ang pilot natin saka yung helicopter nalang Freesia ang gamitin natin. Mukhang kailangan mong mag-pahinga ngayon halata naman sa itsura no na pagod ka." Aniya naman ni Carnation pero nginitian ko lang sila. "Guys, ayos lang ako. Kailangan tayo sa Sicily lalo na ako kaya hindi pwedeng pahuli-huli." aniya ko saka sinukbit ang bag ko at kinuha ang maletang dadalhin ko kaya naman napabuntong sila saka kinuha ang kani-kanilang gamit. "Sino driver?" tanong ko. "Syempre ako." sabay paikot pa ni Carnation ng susi sa kanyang daliri na kinatawa naman namin saka pumasok sa sasakyan. "Sunflower, nakita ka kahapon ng isang employee ko na kausap si Uno, anong sinabi n'ya sayo at ganyan ang mukha mo kanina pa?" kita ko naman ang pag-tingin sakin ng apat kaya tinaasan ko sila ng kilay. "Anong ginawa sayo? Want moba na sniperin ko?" conyo talaga si Tulilian mag-salita, medyo maarte pero mabait s'ya. "Gaga ka talaga, Tulipian. Wala 'yon, gusto nya lang na layuan kona s'ya. I understand him naman kasi saksi rin ako sa pagma-mahal n'ya kay Ate kaya hindi n'ya talaga ako kayang bigyan ng chance na makapasok sa buhay nya. Masakit pero hinihintay kolang ma-pagod ako, if ever naman na mawala yung feeling ko sa kanya, atleast wala akong pasi-sisihan dahil I know na ginawa ko ang best ko para maipa-kita at maipa-ramdam ang pagma-mahal ko sa kanya." ngumiti ako sa kanila ng masabi ko iyon. Niyakap ako ni Tulipian ni Freesia at binigyan ng maliit na ngiti, yumakap din ako pabalik sa kanya. I feel safe with them. "Bobo n'ya kamo! How sure ba na mahal talaga s'ya ni Rose noong buhay pa 'yon? Saka' yang mga magulang at ate mo halatang pera lang naman ang habol kay Uno, buti talaga at wala kana sa poder nila. Pahirap lang ang binibigay nila sayo, although katulad din naman dito sa organization natin ang kaibahan lang, meron kang kami at mahal na mahal ka namin. 'yang Uno na' yan, masyadong bulag sa pag-ibig na 'di mo malaman kung totoo, marami pa syang hindi alam noh! " sabay irap ni Lily. " What do you mean by that, Lily?" takang tanong ko dahil hindi ko makuha ang pinupunto nya. "Soon malalaman at maiintindihan morin." "Shemay naman Lily, dami mo na namang nalalaman kaka-spy mo'yan ihh." sabay sunod ni Tulipian dito. "Che! Sniper kasi ang inaatupag mo palagi, Tulipian, uso rin maging spy flower mga bezz." sabay hawi pa ng buhok n'ya. "Hirap na nga ko makipag sapakan saka barilan gusto mopa akong maging spy!" sigaw ko kay Lily. Tumawa lang ito. "Try morin kasi, marami kang matutuklasan, Sunflower." "Ewan ko sayo, Water Lily!" sabay sandal ko sa inuupuan ko habang sige lang abg kwentuhan nila. Natahimik kami ng mag-ring ang cellphone ko kaya kinuha ko ito ka'gad sa aking bulsa. Quattro Garapata calling.... "Mirasol, si Uno nasa hospital." "Bakit? Anong nangyari?" "pumunta kana lang dito sa hospital ni Sais saka ko i-explain." "Sige, bye." Nakita ko ang seryosong tingin sa'kin ng lima. Mukhang narinig nila ang usapan namin ni Forth dahil inihinto pa talaga ni Carnation ang sasakyan. Tumahimik m sila ng tumawag si Fourth bilang respeto sa kausap. "Now, what? Hindi ka tutuloy sa Sicily dahil kay Uno?" seryosong tanong ni Freesia. Tumango ako "Uno needs me. Mauna na kayo sa Sicily saka susunod ako once na sure akong ayos si Uno. I promise na susunod ako ASAP." mahinang wika ko. Alam kong delikado 'to lalo na't isa itong mahalagang mission na ibigay talaga saakin ni King. Hindi ako pwedeng pumalpak dahil for sure higit pa sa 5 lashes ang matatanggap ko. "Sunflower, wake up! Mas mapa-pahamak ka once na malaman ni King na wala ka sa Sicily. Tangina naman parang hindi mo kilala si Venus at mga tauhan n'ya, gagawa at gagawa ang mga 'yon ng paraan para mapahamak ka! Sun, pwede mong ika-pahamak 'yang desisyon mong gagawin." wika ni Carnation "Sa tingin mo ba makaka-habol ka pa sa susunod na araw bago ang mission mo sa Sicily? Akala koba kailangan tayo sa Sicily, bakit ngayon mas iinahin mopa 'yang walang kwentang lalaki na'yan." dagdag ni Lily na kina-yuko ko. Kailangan kong masiguro na maayos si Uno bago ako umalis. Sa mission na binigay nila palaging walang kasiguraduhan ang kaligtasan, gisto kong maka-sigurong maayos si Uno bago ako maka-labas ng bansa. "Sana tinanggihan mo nalang pala si King kung uunahin mo naman pala si Uno." dismayadong sabat ni Hyacinth. "I'm sorry. Susunod ako pangako." mahinang wika ko saka lumabas ng sasakyan at naglakad palayo sa kanila saka ako pumara sa isang bus. Nalungkot ako ng makita ko talaga ang dismaya sa mukha ng mga kaibigan ko kanina. Matagal konang gisyo si Uno at matagal narin silang ayaw si Uno para saakin. Nag vibrate ang phone ko at messager ko yun may mga messages notif mula sa mga kaibigan ko kaya kahit papa'no ay napa-ngiti ako. "Blooming Flowers💐" ang pangalan ng GC kaya alam kong ang pamilya ko ang mga nag chat. Pamilya kona ang mga bulaklak kong kaibigan, sa kanila ko nakuha ang pagma-mahal at oag-aaruga na hindi binigay saakin nila Mama. Lily: Take care, Sunflower! 🌻 Carnation: Have a safe flight once na Ayos na si Uno. Kami na ang bahala, Sunflower!💕 Tulipian: Ingats ikaw.. Love you, Pretty Sunflower. Sorry about earlier. Tawag kalang pag nasa airport kana sa Sicily. 💋 Freesia: Call me if something bad happen! Take care Sunflower! ❤️ Hyacinth: Sumunod ka agad. You can use my helicopter if you want tawagan mo lang si Kuya Dashville if you need pilot. Sunflower: Thank you, Girls! I'm so sorry about my decision. Saka ko tinago ang cellphone ko at sumadal nalang sa upuan ng bus. Ilang oras lamang ang aking byahe ay narating kona ang hospital ni Sais kung nasa'n si Uno agad ako punasok at tinanong ang room nito saka ako nag-madaling umakyat gamit ang hagdan dahil antagal bago mag open ng elevator. Naabutan ko silang mag-kakapatid sa loob ng kwarto ni Uno. "Hi." bati ko sa mahinang boses ng makita kong pikit ang mata ni Uno saka lunipat ang tingin ko kay Fourth na papalapit sa'kin. "How is he?" tanong ko. "He's fine." "What happened?" "today is August 3 right?" tumango ako sa tanong nito sa'kin. "Today is one of the most important date for Kuya Uno." napa-kunot ang aking noo hanggang sa mag sink in sa utak ko kung anong meron ngayong araw. "Today is my sister death anniversary." aniya ko saka napa-buntong hininga. "Exactly. Nag-inom yan sa cemetery malamang then nag drive pabalik sa bahay nila dapat ni Rose but sadly he got to accident kaya ayan naka-higa ngayon sa kama." aniya nito sa'kin saka ako niyakap dahil mukhang napansin nya ang lungkot sa'king pagka-tahimik. " Flight ko ngayon pero hindi natuloy dahil kay Uno. " " Then leave!" sigaw mula sa'king likuran at nakita ko si Uno na seryoso ang mga matang naka-tingin sa'kin kaya bumitaw ako kay Fourth. "Uno!" "Kuya!" "Ahmm.. Aalis naman talaga. Chineck lang kita." sabi ko saka umupo sa sofa pinilit na ngumiti sa mga kambal. "Sa'n ka punta, Sunflower?" "To the moon." sabay ngisi ko. Hindi nila pwedeng malaman kung sa'ng bansa ang tungo ko dahil paniguradong uusisain ni kumag na Quattro kung anong ginagawa ko ro'n. "Tino kausap." sabat ni Fifth na kinatawa ko nalang. "She's non-sense as always. Hindi gumaya sa Ate n'ya." asik ni Uno na kinasakit ng puso ko at kina-tahimik ng mga kapatid nito. "Iba ako sa Ate ko, saka nag-papaka totoo lang ako." sagot ko sa kanya. "Alis na nga'ko. Sayang yung ticket ko." sabay kuha sa maleta ko. "Hatid kana namin." "Let her leave alone. May paa 'yan kaya nga naka-punta dito eh. Huwag n' yong baby-hin dahil hindi naman bagay." matigas na wika ni Uno. "Yeah, tama s'ya. May paa ako kaya kong umalis dito ng mag-isa. Bakit ba kasi nag-alala ako sa taong di naman pala dapat bigyang alala." mainit na ulong wika ko saka lumabas sa kwarto nito. Nag-vibrate ang phone kaya kinuha ko'yon at pangalan nila Quattro at ng 4 nitong kapatid ang messages na humihingi ng sorry pero hindi ko'yon pinansin saka binuksan isang mesaage mula kay Venus. From: Venus Huwag mong antayin na Si King mismo ang maka-alam Kung anong ginawa mo. Hindi ako kasama, pero alam ko ang mga kilos n'yo. Napa-buntong hininga nalang ako at pinatay ang cellphone ko at nag-lakad palabas ng hospital saka ako tumawag ng taxi papuntang Airport. Ayokong abalahin ang ibang tao para sa flight na'to and I'm sure naman na may ticket pang available papuntang Sicily today. "Ma'am, we're really sorry po pero wala na talagang available flight for today puro next day napo ang ang available namin na flight." "It's okie. Give me one ticket nalang." aniya ko na agad naman nitong sinunod. Bitbit kolang ang bag ko ng umuwi ako sa bahay kung saan kami tumutuloy na mag-kakaibigan at pag-kababa ko ng taxi ay naabutan si Fourth na nasa tapat ng gate. "uyyy, anong ginagawa mo rito?" tanong ko. "halika pasok tayo sa loob, baka sisihin mopa ako pag-hinamog ka dito." dagdag kopa saka tumawa. "Nagagawa mopa talagang tumawa after ng ginawa ni Kuya sayo huh." "Sanayan lang. Lagi naman s'yang gano'n kaya wala ng bago. Let's say na immune nalang ako." saka ako nag-kibit balikat at pumasok sa loob ng bahay rinig korin naman ang pag-sunod nito sa'kin. "Sinong kamasa mo dito?" "My friends, actually family narin kung tutuusin." totoo yun family na ang tingin ko sa kanila kasi sa kanila ko lang naman naramdaman yung tunay na pamilya hindi kasi uso yun kila Mama at Papa lalo na ng mawala si Ate. "Nasan sila?" "out of town." "Dapat kasama ka nila kung hindi sana kita tinawagan para lang kay Uno. Sorry talaga, Mirasol, nag-panic lang ako saka sabi mo kasi bantayan ko si Uno kaya napa-tawag ako sayo." tingin ki na kokonsensya ang isang 'to. "Letse ka talagang, Kumag ka! Ayos lang noh!" saka iba kasi ang imapct talaga sa'kin ni Uno lalo na ng mawala si Ate parang gusto kong i-take advantage ang nagyare kahit alam kong mali para makuha sya, actually ginagawa kona nga lahat eh pero sad'yang matigas si Uno kahit matagal ng wala si Ate hindi nya parin magawang mag move on. " Are you alright? Bakit ba kasi si Kuya ang nagustuhan mo eh kung sa mukha lang naman andyan pa si Dos at Third." "Nayss naman hindi na sinama ang sarili huh." biro ko sa kanya na may patampal pa sa makisig nitong braso. "Sa gwapo kasi ako kasama, pero pag mukhang mas better ako, ako nalang." pag-sakay nito sa biro ko. "I really like Uno bago pa s'ya mapunta kay Ate. Nauna kong makilala si Uno bago si Ate pero never akong pinayagan nila Mama na lumabas ng bahay tuwing pumupunta kayo sa'min kaya si Ate lang ang nakikita n'yo." sabay tawa ko. "Kahit sa school na pinag-aaralan ni Ate, which is yung paaralan nyo hindi ako pinayagan nila Mama na doon din pumasok. Lagi nilang sinasabi na hindi nila afford ang tution kung pati ako mag-aaral do'n, saka lagi nilang binabato sa'kin na salitang wala naman akong mararating kaya ayos lang kahit sa mababang school nalang ako mag-aral, kaya hindi kona rin tinapos ang stidy ko kasi wala namang susuporta sa gusto ko. Siguro nga kaya ako ganito, medyo suwail dahil pilit kong nilalayo sa kanila ang sarili ko, pero matino naman akong babae kumpara kay Ate at do'n sigurado ako. " kwento ko sa kanya. " I know. Maraming hindi alam si Kuya tungkol kay Rose or maybe bulag lang talaga s'ya. Ayokong pang-hinasukan ang meron sila ni Kuya dahil alam kong hindi naman ako pakikinggan si Kuya at mas pipiliin nya pa ang sasabihin ni Rose kesa sa'kin." pag-amin nito. "Hay! Huwag na nga nating intindihin ang relasyon ni Ate at Uno basta yung sinabi ko sayo huh! Bantayan mo si Uno habang wala ako syempre ingat din kayonh mag-kakapatid I know naman na habang wala ako'y makaka-encounter na naman kayo ng laban wala ako do'n para gamutin kayo kaya mag-tino kayo. " paalala ko sa kanya dahil paniguradong aabutin ng isang buwan ang mission ko at idagdag pa parusang panigurado akong ibibigay sa'kin ni King lalo na't alam ni Venus na hindi natuloy ang Flight ko kanina papuntang sicily. " Panget mo naman mag-paalala daig mopa ang iiwanan kami." "Hoy! Quattro tukmol para kang tanga aalis lang ako kasi need ko ng bakasyon para naman maka-langhap ako ng fresh environment sa ibang bansa." "Saan kabang bansa pupunta?" "Secret baka bulabugin mo ang vacation ko ihh." "tsss." "Sige na umuwi kana sa bahay n'yo at ako'y matutulog na. Punta kana lang dito bukas, next day pa naman ang flight ko at sayo ako mag-papahatid." sabay kindat ko. "Sure! Bye, Mirasol!" "Epal ka talaga! Sunflower kasi!" sigaw ko pero narinig kooang ang tawa nito hanggang sa makalabas sya ng bahay. Humiga ako sa sofa habang nasa gilid nito ang aking maleta. "Hayys, Uno Rivera ang hirap mong mahaling hinayupak ka." Nawala ako sa isipin ko ng tumunog ng cellphone ko at nakita ko ang message ni King. From: King After your mission dumeretsyo ka sa HQ. May pag-uusapan tayo! Make sure na magagawa mo ng matino ang inuutos ko sayo, Agent H. Yes, H dahil it means Helianthus and that's my hidden name, ginagamit kolang iyon sa labanan at sa HQ namin para matago ang identity ko. Panigurado akong nasabi ni Venus kay King ang nangyare pero wala naman akong pake. My phone vibrate again at galing naman iyon kay Venus kung saan may larawan ko habang dala ang maleta ko at papasok ako sa hospital ni Sais at ang iba naman ay kausap ko na si Quattro. To:Venus Don't you dare touch them kung ayaw mong makita ang demonyong tinatago ko. Huwag lang nyang magalaw ang isa sa mga mag-kakapatid kung ayaw nya talagang makatikim sa'kin. Mabait akong tao pero amindo akong may demonyo akong tinatago sa loob ko. From: Venus Let see, Agent H. Sa inis ko ay binitawan kona lang ang cellphone at pinatong itong sa mini table saka ko pinilit ang sariling makatulog pero hindi ko magawa hanggang sa naisip ko ang mga sinabi kanina ni Uno. Ang bilis lang para sa kanyang paalisin ako sa kwarto kanina ng hospital without knowing kung ga'no ako nag-alala para sa kalagayan nya. Sabagay never naman nyang na-appriciate ang effort ko. "Marami kapang hindi alam Uno tungkol sa'ting dalawa. Ako yung unang nakilala mo pero si Ate ang inakala mo. Ako yung pinangakuan mong hahanapin kahit ilang beses na mawala sa paningin mo, pero si Ate ang nahanap mo. Ako yung First love mo pero si Ate ang mahal mo." Ang unfair mo Uno Rivera. _strwbrgirl
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD