"Ayoooo" paulit-ulit na sigaw ng lalaki sa labas ng rest house namin. Ayooo ay ang bisaya version ng " tao po "
"Nay Rosa, may tao po" sigaw ko para labasin ni Nay Rosa. Hindi ko naramdaman o narinig man lang ang pagbukas ng pintuan kaya nakabusangot akong tumayo para lumabas ng silid at pag buksan ang tao sa labas.
Nakita ko si Nay Rosa na nasa kusina lang at busy sa pag s-slice ng mga gulay. I sighed. Hays, nagkakaroon na ng problema si Nay Rosa sa pandinig niya dahil sa katandaan. We have bought her a hearing aid pero pinagalitan pa kami kasi hindi naman siya bingi at nakakarinig pa.
Tumungo ako sa sala at binuksan ang pintuan. Isang morenong lalaki ang tumambad sa akin ng naka-topless.
"Yow Good morning mahal na-" hindi nito natapos ang pagtawag sa akin ng mahal na prinsesa like what he used to call me way back before nang tinaas nito ang tingin sa mukha ko. He stop in the middle and look at me na nandidiri.
Pinangunutan ko siya ng noo.
"What?" I asked. Sa pagkakataong ito ay agad niya namang tinabunan ang ilong. What’s wrong with him? Sinira niya ang masarap na tulog ko.
I just rolled my eyes at him at naglakad patungo sa sofa. Iniwan kong nakabukas ‘yung pintuan para makapasok siya.Pinikit ko ang mga mata. Gusto ko pang matulog! Feeling ko yung pagod na dapat kahapon ko palang naramdaman ay ngayon lang nagparamdam.
"Yuck! Nakagraduate kana't lahat-lahat tulo laway ka parin kung matulog?" Asar nito sa akin pero hindi ko ito pinakinggan at nahiga sa sofa. Kahit kailan ay hindi ako naglalaway matulog.
Naramdaman ko ang katawan nitong tumabi sa akin.
Niyugyog nito ang balikat ko "Tanghali na. Tu,ayo ka na jan!"
"Lokohin mo lelat mo. 7 am pa lang."Inaantok na sagot ko. Ang aga naman nitong bwisita ko. Gusto ko pang matulog! Ang sarap pa naman ng higaan dahil sobrang lambot.
"Kaya nga tanghali na." Pabagsak na tinampal niya ang center table sa harapan niya dahila upang maimulat ko ang mga mata. Inis ko siyang nilingunan sa tabi ko na siya namang nakangisi.
"Pano naging tanghali ang 7am? Explain mo sa 'kin" I asked him coldly.
Hindi ako sinagot nito but instead ay tumayo ito. "Maligo ka. Ipapasyal ka namin. Hintayin kita sa labas." ani nito bago naglakad palabas ng bahay.
Ihihiga ko na sana ang sarili sa sofa nang sumilip ito sa pintuan at pinagsabihan akong maligo na. Kaya mabibigat ang yapak kong tumungo sa kwarto ko sa pangalawang palapag. Tae, gusto ko pang matulog.
Tsk, nakalimutan kong tanungin kung s’an kami pupunta. I shrugged maybe sa pagatpat lang.
Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang tuwalya kong nakasabit sa likud ng pintuan. Iwas walking pass by my mirror nang mahagip ng mga mata ko ang repleksyon ko rito.
Nanlaki agad ang mga mata ko sa estado ng sarili ko ngayon.
I gasped for how my f*cking self looked. Sobrang messy ng hair ko tapos... tapos may bahid nga ng laway sa gilid ng bibig ko! s**t! Kailan pa ako naglaway matulog?!
Whaaaaa! Nakakahiya! Wala sa sariling napatakip ako sa mukha ko at dali-daling pumasok sa banyo para maligo.
Sinusuklay ko ang mahabang buhok habang nakaupo at nakaharap sa salamin. Nakakahiya talaga. Ang messy-messy ng itsura ko kanina while siya bagong ligo at parang modello sa get up niyang summer short at puting sando. Kaya tuloy ay nakita ko ang biceps niya. Parang kailan lang para pa siyang kalansay sa payat ngayon maskuladong-maskulado na siya.
Pero my god talaga! Nakakahiya ka talaga kanina, Austrid! I mouthed while pointing my reflection on the mirror.
I put a light make up on my face yung everyday look ko para magmukha naman akong tao instead of parang patay dahil sa sobrang putla.
Pagkatapos kong mag ayos ay kumain muna ako sa gulay na niluto ni Nay Rosa, pakbet! My favorite!
"Oh, Austrid!" tawag ni nay Rosa nang makita ako
“ Sabi ni Buknoy pumunta ka na lang daw sa bahay nila. Ang tagal mo kasi, nag rosaryo kaba sa banyo mo’t ang tagal mong natapos?” ani ni Nay Rosa nang makalapit sa akin.
"Ang sarap po kasi ng tubig Nay, parang itong luto niyo." Tinaas baba ko ang kilay sa kanya.
“Ay. Akala ko ako.”
Nauwi sa tawanan ang pagkain ko. Kaya it took me half and an hour bago napagpasyahang pumunta na kina Buknoy.
Nilakad ko lang yung bahay nila as it is super lapit lang naman. Nakita ko pa yung mga iilan kong kakilala at binigyan ito ng mga ngiti sa labi. I forgot their names pero they looked familiar to me kaya nang ngumiti sila sa akin ay ngumiti na rin ako sa kanila pabalik.
Pagdating ko sa kanila ay nakita ko agad si Buknoy na naglilinis ng motor niya. Habang nasa maliit na tindahan naman niya si Lola Peryang, nagbabantay. Bumati ako rito at nag-mano. Nagpaalam din ako na papasyal kami ni Buknoy.
“Mag-ingat kayo Strid.”Ani niya sa akin bago nilingon sa Buknoy at pinagsabihan.
“Ingatan mo ‘tong si Austrid at mapapatay ka talaga ng Daddy nito kapag nagkaroon ‘to ng kahit kaunting gasgas.”
Napakamot si Buknoy sa noo niya. “Opo la. Noted.” He said ang salute to her grandama.
"Saan punta natin?" I asked ng makalapit kami sa motor niya.
Nginisihan ako nito na tila exciting ang pupuntahan namin. "Somewhere down the sun." Napataas ako ng kilay sa sagot niyang iyon. Isa lang naman ang parte rito na magandang tambayan, sa pagatpatan. It’s part of the place where numerous of mangroves are planted.
Umangkas ako sa motor. Ilang metro pa lamang ang layo namin nang huminto ito sa tapat ng malaking bahay, kung saan una ko siyang nakita kasama yung kaibigan niyang supladong labanos. Yes, may nickname na ako sa kanya. Ang puti kasi nito palibhasa half american kaya makinis at maputi siya kaso sobrang suplado, kaya ganun.
"Hihiram tayo ng jetski kay Altter"
"What? Aanhin natin ang jetski?" Nalilitong tanong ko.
"Malamang sasakyan natin. Alangan namang gawin nating laruan." pabalang na sagot nito. I rolled my eyes. Walang pagbabago, wala paring kwentang kausap. Hindi naman kasi kailangan ng jetski papuntang Pagatpatan, ah? Pwede nga lang ‘yong lakarin.
"Tss. I mean, why do we have to borrow a jetski? Hindi ba tayo sa Pagatpatan pupunta?"
"Lah! Ka umay na dun."
“So saan pala tayo?”
“Basta sa lugar na alam kong mag eenjoy ka.” Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.
My heart almost skipped a bit nang masilayan ang magandang ngiti nito.
Ang gwapo niya, hindi tulad noon na singki-singki pa ang mga ngipin. Ngayon ay sobrang ganda na at parang galing pa sa pagkaka-brace.
Focc, ano yun? Tanong ko sa sarili at pasimpleng napahawak sa dibdib.
Pagkababa ko sa motor nito ay hinawakan niya ang kamay ko papasok sa magarang lugar ni Labanos.
Nakatingin lamang ako sa kamay nitong nakahawak sa akin habang naglalakad. s**t, kinikilig ba ako?
Bigla itong tumigil sa paglalakad, hindi ko napansin kaya nabunggo ako sa malapad nitong likuran.
"Altter! Bro" tawag nito at binitawan ang kamay ko. Napabusangot tuloy ako.
Napatingin ako sa kamay kong hinawakan niya kanina, s**t. Bakit parang kakaiba ang pakiramdam ko kanina habang hawak-hawak niya yung kamay ko? Baka naninibago lang ako.
Bumuga ako ng hangin bago sumunod kay Buknoy patungo sa kaibigan niyang si Labanos na walang saplot pag itaas kaya libre kong nasilayan ang nakaumbok niyang mga abs sa tiyan at mabalahibong dibdib.
Nag fist bomb ang dalawa at nag-usap about sa jetski.
"Salamat bro!"
Napangiti rin ako sa excitement. Hindi ko pa kasi alam kung saan ako ipapasyal ni Buknoy.
Umaapaw na sana yung kaligayahang nararamdaman ko when Buknoy invited Labanos na sumama sa amin. Nawala agad yung ngiti sa mga labi ko. Hindi ko alam pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya. Atsaka, naiinis ako sa kanya kasi sobrang suplado niya!
Tae, ano ba tong pinag-iiisip ko? Why do I feel like, I want Buknoy and me na solo lang? Ilang araw pa nga lang akong nandito lumalandi na ako? Tapos sa kababata ko pa?! Oh my god! Maghunos dili ka nga Austrid! Kadiri ka!
Tumingin ako sa direksyon ni Buknoy at nakita ang simpleng pag-galaw ng mga labi nito. Ang laki na talaga ng pinagbago niya, magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi siya gumwapo.
"Actually, pupunta din naman ako dun para bisitahin ang site." sagot ni Labanos and shifted his look at me and smirked.
Naiirita akong tumingin sa ibang direksyon. Hindi ko alam pero mainit talaga ang dugo ko sa kanya. I don't like the way he looked at me na parating may halong ngisi ang mga mata. I just shift my eyes infront kung saan makikita ang mapayapang dagat. Very refreshing.
Nilabas na nila ang dalawang jetski. Buti nalang talaga at naka summer short ako para di naman gaanong pangit kung tignan. Nakiangkas ako sa jetski na gagamitin ni Buknoy.
"Kumapit ka sa 'kin Strid" ani nito na hindi agad-agad naproseso ng utak ko.
"H-haa?" Wala sa sariling tanong ko kaya siya na mismo ang kumuha sa dalawang kamay ko at pinulupot sa bewang niya, para tuloy akong nakayakap sa kanya.
Kinagat ko ang ibabang labi para pigilang tumakas ang ngiti sa mga labi. Mahina lamang ang pagpapatakbong ginawa ni Buknoy. It feels like we are in a romantic scenario nasira lang nang nagulat ako sa mabilis na pagpapatakbong ginawa ni Altter sa jetski niya.
"Ahhhh" tili ko nang mabasa kami ng tubig dahil sa biglang pagbilis ng pagmaneho ni Labanos. Yung kalmang tubig kanina ay nabalot ng mga bula at yung mapayapang pagmamaneho ni Buknoy sa jetsking sinasakyan namin ay napalikot dahil sa mga maliliit na along gawa ng mabilis na pagmaneho ni Altter sa kanya.
"Hahahaha, panuway jud oh!" sabi ni Buknoy, na di ko naman naintindihan.
"Kumapit ka ng mabuti Strid!" sabi niya at minaneho rin ang jetski na sinasakyan namin ng may kaunting bilis kaya napakapit ako ng maayos rito. Kinakabahan ako baka iba yung makapitan ko, jusko wag naman. Pero mas kinakabahan ako na baka mahulog ako napaka itim na asul na panaman ng tubig, nagpapahiwatig na sobrang lalim na niyon.
Inikot namin ang isang isla. Mahina lang ang pagpapatakbo ni Buknoy samantalang kitang kita ko naman kung gaano kabilis na pinapaharurot ni Labanos ang kanya.
Sinundan lang namin si Labanos patungo sa karatig isla. Si Kung noon ay puno pa ito ng mga puno ng mga niyog ngayon naman ay may mga resorts nang nakatayo roon.
Kita ko na humina ang pagpapatakbo ni Altter sa kanyang jetski patungo sa isang kubo na ginawan ng kahoy na tulay patungo sa dalampasigan. Nakita ko ang paglapit ni Allter dito at ginapos ang jetski niya gamit ang isang lubid. Lumapit din kami roon.
Allter offer his hand para tulungan ako. ilang segundo akong napatingin sa kamay niya pagkatapis sa mukha niya. When he saw me looking at him ay agad niya akong pinagtaasan ng kilay.
Tss. Walang choice na inabot ko ang kamay niya upang safe na makaakyat patungo sa kubo.
Ginapos na rin ni Buknoy ang jetski na sinakyan namin samantalang napatingin naman ako sa mataas na tulay na patungo sa isang exclusive resort.
Wala akong masabi kung hindi Wow talaga. Wala pang railings ang tulay kaya nakakatakot pumunta sa side part nito pero marunong naman akong lumangoy kaya lumapit ako roon at tiningnan ang tubig sa baba.
Kitang-kita ang maliliit na mga isda roon dahil sa sobrang linaw ng tubig. At para hindi gaanong delikado ay umupo na ako at binitay ang mga paa pababa. Hindi ito naabot ang tubig dahil pa low-tide na.
Napangiti ako habang binigyang tingin ang paligid. Ang ganda. Siguro, if I will be given a chance na mag stay dito? Siguro never akong mau-umay rito.
"Ang ganda rito right?" Tanong ni Buknoy na tinabihan ako.
"Sobra." Sabi ko na hindi pa rin nawawala ang pagkakamangha sa magandang tanawin.
"Parang kailan lang isang simpleng isla lang ito." ani ko habang nakangiting nakatingin sa isla. Wala pa kasing resort dito kahit isa noon, dati rin ay wala pa gaanong turista ang nakakaabot sa lugar na ito, ngayong ay marami na.
"Ang resort nga palang ito ay pagmamay-ari ni Altter."
Nanlaki agad ang mga mata ko.
"Kay Labanos? I mean, kay Altter?" Amazing.
He chuckled pagkatapos ay tumango.
"Kay Altter or sa parents niya?" I asked Nakaka-amaze lang. Para kasing magkasing edad na kami pero siya may naipundar na. Oo nga naman, bakit ko nga ba kino-compare eh batang dolyar yan si Labanos.
"Sa kanya mismo."
Npatango-tango ako.
"He's a businessman." sabi niya sa salitang english which is nakakapanibago and at the same time nakaka turn on. Tae, but parang ang hot niya nang sabihin niya 'yon?
Kinikilig ako! Help!
Magka-edad lamang kami ni Buknoy. Sabay din kami noong nag kindergarten sa day care ng baranggay pero nakahinto daw kasi siya ng isang taon sa pag-aaral noong high school ayon kay Lola Peryang, kaya ngayon ay nag-aaral pa rin siya, graduating. At ang kursong kinukuha niya ay Civil Engineering.
Nilakad lang namin papunta sa land resort nila Altter gamit ang tulay na kahoy. Under construction pa ito pero I can see that the outcome will surely be awesome. Naabutan pa namin roon ang mga construction workers na nagtatawanan habang nagtatrabaho.
Ang saya nilang tingnan. Ganitong-ganito din yung mga tao ni Dad pag bumibisita ako sa site. Dinadala ang pagod at hirap sa tawanan. Dahil doon ay napangiti ako.
Some of them greeted us at halatang-halata na madalas na dito si Buknoy dahil marami sa mga ito ang bumabati sa kanya.
Napagpasyahan naming libutin muna ang lugar. Some parts of the place are almost done kaya hindi ko napigilang mapa "Wow" sa mga magagandang works ng nga tauhan ni Altter. As an architect I can see that the one who's assigned here is good. Pasok na pasok ang mga designs niya sa taste ng madla.
Habang naglilibot-libot ay nakita namin si Altter na kausap ang ilan sa mga trabahante. Nakatopless lamang ito habang yung mga trabahanteng kinakausap niya ay seryosong nakikinig sa kanya. Habang ang iba naman ay kitang-kita ang pag-ngiwi sa kanilang mga mukha. I don't know wala namang mali sa mga sinasabi ni Allter maliban nga lang sa ingles na ginamit nitong language.
He talks with his heart, nakakatuwa siyang tingnan. Pero hindi pa rin mawawala na isa siyang dakilang suplado sa akin! Hmp!
Hindi pa namin natatapos libutin ang buong lugar, when someone called Buknoy through the phone. May emergency daw. Kaya agad din akong nag alala nang malamang si Lola peryang iyon.
"Noy sama nalang ako sayo." I said forcing him na isabay nalang ako pauwi. Ayaw kong maiwan dito no! Ang boring kaya, wala akong kabonding!
"Babalik naman ako agad Strid. Punta ka muna kay Altter, mabilis lang talaga ako." nagmamadaling ani nito habang nakasakay na sa jetski.
I pouted. "Balik ka agad, ah." ani ko.
Minaniubra niya ang jetski pabalik. Nakatayo lamang ako sa cottage habang tinitingnan ang matitipuno nitong likud papalayo. Tiningnan ko lang ito hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Nakatulala lamang ako sa magandang tanawin sa harapan ko, when someone startled behind me.
"Where is he going?" tanong nito.
"There's an emergency daw." sabi ko ng hindi siya nililingon.
"Babalik naman daw siya agad."
Nakapamewang at pailing-iling na tiningnan niya si Buknoy. "Here we go again." I heard him mumbled.
"Huh?''
"Hindi na yun babalik, maybe tomorrow."
"Huh? Ano kaba, sabi niya babalik daw siya agad." explain ko rito. Nag tagalog nalang ako at ayokong mag struggle kaka-english ko. Jusko! graduate student lang ako pero I'm not born and raise in america, charowt. Dear, I believe in the saying that english doesn't define intelligence. tsarr!
"Ikaw bahala." walang sabi-sabing iniwan ako nito at naglakad pabalik sa resort.
"Suplado talaga!" I said, pissed.
Umupo ako sa hagdanan at nilusob ang mga paa ko sa tubig dagat habang hinihintay ang pagbalik ni Buknoy.
Lumipas ang ilang minuto ay napagpasyahan kong maligo nalang muna. Wala namang tao kaya hinubad ko nalang muna ang t-shirt ko at short buti nalang girls scout ako at yung binili kong two piece yung sinout kong pangloob. Alam ko na kasing maliligo kami ng dagat wala naman kasing ibang magagalaan dito kunde tabing dagat kaya ni-ready ko talaga, hahaha.
I dived under the water. Sobrang linaw ng tubig at kitang-kita ang mabilis na paglangoy papalayo ng mga maliliit na isda.
Pinalitaw ko ang sarili sa tubig and looked at the clear blue sky. Ugh, I love the peaceful scenario I am at. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong naroon. Napansin ko nalang na madilim na pala.
"Hey." basag sa katahimikan ng isang bosses, kaya dali-dali kong nilublub ang sarili sa tubig maliban sa aking ulo.
Kita ko si Altter sa cottage na nakatingin sa akin habang wala paring damit pang-itaas. Seriously? Hindi ba siya nilalamig?
"Nagpahanda ako ng makakain, let's eat." he said in a cold voice and as usual walang sabi-sabing tinalikuran na naman ako at iwan.
Pero, tae, let's eat daw. Parang mas bet ko yun kaysa sa let's talk ni Dani girl HAHAHA. Hindi ko talaga alam sa pinsan kong yun kung bakit gustong gusto niya yung mga salitang yun.
Adaah! Bahala na nga't nagugutom na rin ako kakalangoy.