Pagkarating nila sa Pilipinas mula Japan, halos hindi na sila nagkibuan. Naka-book sila sa magkaibang flight. At simula noong gabing ‘yon—ang gabing parehong nagbura at nag-ukit ng bagong sugat—parang sinarado ni Stine ang sarili niya.
Cold. Civil. Professional.
Pero hindi na siya ‘yung dating Stine.
Sa mga business meetings, kung magsalita siya, parang walang personal history. Parang hindi siya ‘yung babaeng halos mapunit ang bedsheet sa kama nila noong gabing bumaha ang ulan sa Tokyo. Parang hindi siya ‘yung babaeng nanginginig habang hinahalikan niya, habang sinisigaw ang pangalan niya.
At si Alaric?
Hindi niya alam kung paano i-process lahat ng nararamdaman niya.
Hindi siya sanay na binabalewala.
Lalo na ni Stine.
“Nakakasakal ‘yung katahimikan niya,” bulong niya habang pinagmamasdan si Stine sa kabilang dulo ng meeting table. Nakaupo ito, suot ang sleek black suit na masyadong fitted para sa isang business meeting. Hair in a loose bun, lips tinted soft pink, eyes focused on the presentation.
Parang walang nangyari.
Parang hindi siya nasaktan.
Parang hindi siya nasarapan.
Parang hindi siya nag-break down sa bisig niya.
“Alaric?” sabay tapik ni Doña Vivian sa balikat niya. “You okay?”
Napatingin siya. “Ma, sorry. I’m good.”
Pero hindi siya okay. Ni hindi siya maka-concentrate.
Kinagabihan, nasa bar siya kasama sina Eli at Zion. Pare-pareho silang nasa suot pang-gabi pero si Alaric, wala sa mood.
“Pare, tatlong babae ang nag-pass sa table natin ah. Anong problema?” tanong ni Zion habang humihigop ng cocktail.
“Hindi ako interesado,” sagot ni Alaric. Diretso. Walang emosyon.
“Putang ina. Kung si Alaric Ybañez nagsabing hindi interesado sa babae…” sabay tawa ni Eli. “May nanalo na, men.”
Pero hindi siya natawa. Tumungga siya ng isang baso ng whiskey, pero kahit alat at tapang nito, wala ring epekto.
Hindi siya makalimot.
Hindi siya mapakali.
Sumunod na linggo, nahuli niya si Stine sa labas ng building ng kumpanya. Nakaupo ito sa isang outdoor café, kasama sina Theo, Jace, at Ram. Tumatawa, nakahawak sa braso ni Ram habang may kinukuwento.
Kumulo ang dugo niya.
Napakuyom siya ng kamao.
Bakit parang okay lang siya?
Bakit parang hindi siya apektado?
Bakit parang mas masaya pa siya ngayon?
“Stine…” bulong niya sa sarili, halos mapunit ang labi sa pagpigil ng galit. “Why the hell do you keep acting like we didn’t happen?”
Nung gabi ring ‘yon, isang babae ang nag-attempt makipaglapit sa kanya sa isang charity event. Dati, saglit lang at nauuwi na sa kama. Pero ngayong nandito si Stine—kasama ang tatlong lalaking best friend niya, nakangiti habang hawak ang wine glass—parang hindi na niya kayang gumalaw.
“Alaric, want to dance?” alok ng babae sa tabi niya, halos dumikit ang dibdib nito sa braso niya.
“No,” malamig niyang sagot.
Napaatras ito, halatang nabigla. “Oh. Okay…”
At habang papalayo ang babae, lumingon si Alaric kay Stine. Nagkatinginan sila. Isang segundo. Dalawa. Tatlo.
Hanggang sa binaling ni Stine ang tingin.
Cold. Deadpan. Emotionless.
T*ngina. Mas masakit pa kaysa sa sampal.
Pagbalik niya sa kotse, binagsak niya ang pinto. Napahawak sa manibela. Malalim ang hinga. “Hindi na ‘to tama. She’s messing with my head.”
Pero kahit ilang ulit niyang sabihin sa sarili niya na tapos na, na hindi niya kailangan si Stine… kahit anong pilit niyang iwasan ang mga alaala ng mga gabi nila…
Lagi’t laging bumabalik ang boses nito.
Ang ungol.
Ang init.
Ang lambot.
At ang katotohanang, sa lahat ng babaeng dumaan sa kama niya—isa lang ang tumatak.
Yung babaeng halos pumatay sa kanya sa katahimikan niya ngayon.
Si Stine Navarro.
Nasa private lounge ulit sila ng dalawa niyang kabarkada—Eli at Zion. Tahimik si Alaric habang naka-upo sa leather couch, isang kamay nasa baso ng whiskey, habang ‘yung isa nakapatong sa tuhod niya. Halos hindi siya nagsasalita buong gabi.
“Men,” sabay lapit ni Zion at umupo sa tabi niya. “Alam mo ba kung ilang babae ang nagtanong kung okay ka? Kasi daw parang… brokenhearted ka.”
Eli smirked, swirling his drink. “Tama. Iba ‘to, bro. Usually by this time, tatlo na ang ka-video call mo sa suite mo. Ngayon? Tahimik. Parang gusto mo ng yakap.”
Alaric rolled his eyes. “Shut up.”
Zion leaned closer. “Oh come on. Aminin mo na. You’re falling for your arranged bride.”
Napahigop si Alaric ng malalim sa baso niya. “Hindi ko siya bride.”
“Not yet,” Eli said with a smug smile. “Pero kita sa mukha mo, tol. You’re whipped.”
“Whipped?” Alaric scoffed. “With a woman who can’t even look me in the eye?”
“Exactly,” sagot ni Zion habang natatawa. “Kasi ikaw ang tumingin, bro. As in talaga. Tingin na parang—s**t—I need her or I’ll die.”
“T*ngina,” Alaric muttered, rubbing his temple. “Hindi ko nga maintindihan eh.”
“Gusto mo siya,” Eli said casually. “You want her. And not just for sex.”
Tahimik si Alaric.
He wanted to deny it. Gusto niyang sabihin na wala lang ‘yon. Na na-challenge lang siya. Na na-guilty siya dahil sa nangyari sa Japan. Pero sa totoo lang…
Sobrang messed up siya.
Sa gabi, siya ang hinahanap ng katawan niya.
Sa umaga, siya ang iniisip niya.
At sa bawat oras na kasama niya si Stine sa isang room, gusto niya itong lapitan, yakapin, sigawan… halikan.
Pero ano ang ginawa ni Stine?
Nag-walk out. Umiwas. Nanahimik.
At mas lalong gumulo ang utak niya.
Eli raised a brow. “Bro, ikaw na ‘yung lalaki na may experience. Dami mo nang dinaanan. Pero bakit si Stine, biglang... game changer?”
Alaric clenched his jaw.
"Because she’s not just any girl," he finally said. "She’s the girl."
Pareho siyang tinignan ng dalawang kaibigan niya.
Zion leaned back with a smug grin. “Aba. Ayos. 'The girl' na pala, ha.”
Eli lifted his drink. “To Alaric Ybañez. The man who just admitted he’s in love.”
“Putangina niyo,” Alaric snapped—but the smile tugging at the corner of his lips betrayed the truth.
Nasa isang tahimik na coffee shop sila sa BGC. Paboritong tambayan tuwing gusto ni Stine ng space—pero ayaw niya rin mapag-isa. Kaya and’yan sina Theo, Jace, at Ram. Palaging and’yan.
Pero ngayong araw na ‘to, iba ang vibe ni Stine.
Tahimik. Wala sa mood. Wala sa sarili.
“Kape lang ‘yan, Stine. Hindi yan magmamagic kahit titigan mo buong araw,” biro ni Theo, inaabot ang latte sa harap niya.
“Hmm?” sabay angat ni Stine ng tingin. “Ah. Sorry. Iniisip ko lang ‘yung schedule for next week.”
“Schedule mo o ‘yung lalaking iniwasan mo buong linggo?” singit ni Jace, may halong concern sa tono.
Nagtaas ng kilay si Stine. “Pwede bang pareho?”
“Tin,” Ram leaned forward, placing his elbow on the table. “We’ve known you since high school. Alam naming may mali. And we also know… it started after Japan.”
Stine froze. For half a second, she didn’t blink. She hated how sharp these guys were. Wala ka talagang lusot.
“Wala. Okay lang ako,” she said, forcing a small smile.
Jace scoffed. “You? Miss ‘I don’t need a man’ suddenly moody, tahimik, at may moments na parang gusto mo umiyak mid-coffee? Tin, spill it.”
Natahimik siya.
Dumungaw sa bintana. The truth is, she was breaking inside.
Hindi dahil sa nangyari sa kama.
Hindi lang dahil sa guil. Or the loss of her innocence to a man she once swore she hated.
It was how her heart reacted. Yung naramdaman niyang hindi niya kayang ipaliwanag. Yung halik na parang may laman. Yung paghawak niya sa balikat ni Alaric na parang gusto niyang kumapit—hindi lang sa katawan niya, kundi sa buong pagkatao.
And that terrified her.
“Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Alaric,” she finally whispered. “Ayokong makita siya. Kasi pag nakita ko siya… natatandaan ko lahat.”
“Did he hurt you?” tanong agad ni Theo, seryoso ang mukha. “Kasi kung may ginawa siyang—”
“No,” she cut in quickly. “Hindi ganun. It was… consensual. And I started it too. But… hindi ko kasi maintindihan. Ang gulo.”
“Then talk to him,” Ram said gently. “You can’t keep avoiding it forever. Sa business meetings, sa gatherings… you’ll keep running into him.”
“Ayokong makita siyang parang walang epekto lahat,” she said, eyes stinging. “Tapos ako, eto—lutang. Was it just s*x for him? Wala lang ba ako?”
“Tin,” Jace said, placing his hand over hers. “If may isang lalaki sa buong Manila na mukhang warfreak kapag may kasama kang ibang lalaki, it’s Alaric Ybañez.”
Napakunot noo si Stine. “Anong ibig mong sabihin?”
“Selos na selos ‘yon, kahit hindi siya umaamin,” Theo added, laughing slightly. “Nagbibilang ng kung ilang beses kang tumawa sa jokes namin.”
“And kung paano siya tumahimik nung nakita kang naka-hand-on-shoulder kay Ram sa charity ball,” dagdag ni Jace. “Kung titig makakapatay, patay na si Ram.”
Napangiti si Stine. Kaunti lang. Pero sapat para maramdaman niyang hindi siya nag-iisa.
“Just be careful with your heart, okay?” sabi ni Ram. “Kung ikaw nga ‘yung laging baby girl namin, si Alaric, baka first time niyang matutong magmahal. At ikaw ‘yung napiling magulo ang mundo niya.”
Tahimik.
Then Stine exhaled, finally taking a sip of her cold latte.
“Lintek na lalaki ‘yon,” she muttered.
“Pero gusto mo?” tanong ni Jace.
Tahimik ulit si Stine.
Ngumiti siya, pero bakas sa mata ang lungkot.
“Hindi ko alam. Baka.”