02

1453 Words
02 Kunot-noong nakatingin si Layla sa blankong papel sa harap niya. Halos pumuti na ang mata niya kakaisip kung anong iguguhit pero wala pa rin siyang nagagawa kahit isang linya. She's let out a harsh breath as she massaged her temples. Layla knew that this wasn't normal. Hindi nabablanko ang utak niya pagdating sa pagdedesensyo ng gown. She's an expert-- courtesy of her previous client's reviews. Walang gana niyang tiningnan ang suot na wrist watch at muling bumuntong hininga matapos makita ang oras. Tatlong oras na lamang ay darating na ang kliyente niya at kailangang may maipakita siyang sketch batay sa nirequest nito noong isang araw. "Why am I so unlucky?" Mahinang bulong niya sa sarili bago muling dinampot ang bagong tasang lapis sa lamesa para makapagsimula na sa pagguhit. Hindi pa man nagtatagal ang pagkakahawak niya sa lapis ay agad ng pumasok ang sekretarya niya sa kaniyang opisina. Layla cleared her throat. "Yes?" "Miss Layla, hindi po ba kayo kakain? Lunch na po," tanong nito sa kaniya. She felt her stomach grumbled but she slowly shook her head. "May kailangan pa akong tapusin na sketch para kay Miss Guller. Kakain na lamang ako pagkatapos niyang pumunta rito." "Pero Ma'am, baka mamayang alas kuwatro pa kayo matapos. . ." A reassuring smile crept out on Layla's lips. "Don't worry, kaya ko pa naman. We need to seal the deal to her, remember?" Sa huli ay walang nagawa ang kaniyang sekretarya kung hindi sumunod. Layla can't help but to sigh out of frustration. Bakit kasi kung kailan kailangan niya ng creative juices sa utak, saka pa ito nawala? Wala sa sarili siyang napailing bago nagsimulang gumuhit. Tatlong oras na lamang ay darating na ang kliyente niya kaya't hindi siya puwedeng makampante. HINDI na namalayan ni Layla ang oras dahil sa sobrang kabusy-han sa pagguhit. Nakabalik lamang siya sa reyalidad nang kumatok ang kaniyang sekretarya sa pinto. She hurriedly fix herself to look more presentable before ordering them to come inside. She groaned upon rosing up from her seat. Ilang oras din kasi siyang nakaupo at hindi gumagalaw. Mabilis naman siyang nag-angat ng tingin nang bumukas ang pinto. "Nandito na po si Miss Faith, Ma'am," pahayag ng sekretarya niya. Sakto namang pumasok ang babaeng kliyente niya. Layla can't help but to bit her lower lip because of awe. Faith Guller is a walking goddess. No wonder her face is all over the country. "Miss Acosta?" tanong nito sa kaniya. She slowly nod her head and smiled to her client. "Have a seat, Miss Guller," nakangiting saad niya sa dalaga. "Ah, I'm here with my fiancé, Miss Acosta. Ayos lang naman sa 'yo, hindi ba?" "No worries, Ma'am," pormal na sagot niya at iginaya na ang kliyente na umupo. Akmang uupo na rin siya sa kaniyang swivel chair nang bumukas ang pintuan at iniluwa ang pamilyar na mukha. Napakapamilyar. The man froze on his spot when their gaze met. Layla bit her lower lip before looking away and clearing her throat. "Is he your fiancé, Miss Faith?" pormal na tanong niya sa dalaga. Faith smiled. "Yes. Pasensya na kung medyo late ang dating niya, may sinagot pa kasing tawag." Nang mapansing hindi gumagalaw ang kasintahan sa kaniyang puwesto, Faith stood up and went to her fiancé. "Is there any problem, hon?" she worriedly asked. Nanatiling nakatingin kay Layla ang lalaki kaya't hindi niya maiwasang maconscious sa hitsura. Bakit kasi kung kailan haggard na haggard na siya ay saka pa nagtagpo ang landas nila ng lalaki? "N-No, nothing. I'm just tired," sagot ng lalaki sa kaniyang kasintahan. "Really? Come on, you should meet Miss Acosta. Siya ang magd-design ng gown ko para sa kasal natin," excited na saad ng dalaga at iginaya ang kasintahan papunta sa gawi ni Layla. She bit her lower lip once again, trying to calm herself. Layla faked a smile before towards the couple. "Miss Acosta, this is my fiancé," nakangiting saad ng dalaga. "It's nice meeting you. . . Sir?" Inosenteng tanong niya. She saw how his face darkened because of what she did. The man stood tall, still staring at her intently. Kapagkuwan ay malapad na ngumiti ito sa kaniya. Nawala naman ang ngiti ni Layla dahil sa ginawa ng binata. She knew that kind of smile. It's a fake one. "Declan Fontanilla. It's nice to meet you," malamig na turan ng binata. Layla swallowed the lump on her throat before she sat on her seat once again. "Shall we start?" pormal na tanong niya. Faith looked at her with excitement on her eyes. "Natanggap mo naman ang mga request ko para sa design ng damit, hindi ba?" tanong nito. She gracefully nod her head. "You want something that is simple but will emphasize your assets: your shoulder, waist and your chest. You also want the gown to be shiny so it could stood out among the other. And lastly, you want diamonds on it— lots of diamonds," she recalled what Faith requested. "As expected from you, Miss Acosta. Tama nga ang sinabi sa akin ni Mommy na sa iyo ako magpagawa. May I see your work?" Muling kinagat ni Layla ang labi bago binuklat ang sketchbook na hawak niya. She hesitantly gave Faith the sketchbook for her to see the design that she drew a while ago. Her lips quiver in fear. She knew that she wasn't condident about her work. . . Shit. "This is beautifu—" "I don't think so." Hindi na naituloy ni Faith ang sasabihin nang magsalita ang kasintahan. Iniangat ni Layla ang kaniyang tingin at takang tumingin sa gawi ni Declan nang magsalita ito. "I beg your pardon, Sir?" she asked. Declan smirked. "Parang minadali." Agad siyang natigilan dahil sa sinabi nito. Sa halip na magpaapekto ay muli siyang ngumiti sa binata. "I can re-do it," pagsuko niya. Totoo naman kasi ang sinabi nito na minadali niya nga. "When did you draw this?" tanong muli ni Declan kaya't hindi siya maiwasang bumuntong hininga. "Three hours ago." "So incompetent. Hindi ba't dapat ay kahapon mo pa ito ginawa? My fiancé already gave you the details the other day, right?" "Something important came up, Sir. I sincerely apologize," tanging saad niya at nag-iwas ng tingin. "More important than my fiancé's wedding dress?" Layla bit her lower lip once again. Gusto niyang sabihin na mas importante ang ginawa niya pero hindi niya maaaring sabihin iyon. She can't lose this thousand dollars deal. She desperately needs money. "Nothing is more important than Miss Guller's wedding dress, Sir. My apologies," pormal na sagot niya. "I'm sorry for asking but. . . What did you do yesterday, Miss Acosta? Pasensya na, pet peeve kasi 'yan ni Declan kaya kailangan naming malaman. Gusto ko naman ang gown na idinesign mo pero kailangan ko rin kasi ng permission galing sa fiancé ko," pagsingit ni Faith sa usapan. Layla tried her best not to winced upon hearing what she said. It wasn't Declan's pet peeve— he's just trying to get through her nerves. "I was uh. . ." She bit her lower lip. Hindi niya puwedeng sabihin ang totoong rason dahil paniguradong magkakagulo. But if she won't say the reason. . . Nag-angat siya ng tingin sa dalaga at tipid na ngumiti. "I was sick. I'm sorry," mahinang tugon niya. "Really? Ayos ka na ba?" tanong nito sa kaniya. "I already went to the hospital yesterday, Ma'am. I'm already fine. If you want, I'll re-draw everything—" "We'll be back tomorrow. Make sure that the sketch is already done by one p. m.," pagputol ni Declan sa dapat na sasabihin niya. "Hon, I'm not free tomorrow," reklamo ng kasintahan nito. 'Then I'll go here alone tomorrow. Ichecheck ko lang naman kung ayos ang design, hindi ba?" he asked and flashed a mischievous smirk. "Fine. Babalik na lamang si Declan bukas, Miss Acosta. Ayos lang naman sa 'yo, hindi ba? Is that an enough time or. . ." Layla dismissively waved her hands. "No, I'm fine with it. Hindi naman ako busy ngayon," she lied. Alam niya sa sariling marami siyang gagawin ngayong araw kaya't baka hindi niya maisingit ang pagguhit. But it's work and she knew that she can't say no to it— most importantly because it involves money. Tons of money that she badly needs. "All right, then. I can't wait to work with you, Miss Acosta," nakangiting saad ni Faith at tumayo na. Bumaling naman ito ng tingin sa kasintahan. "Come on, your mother wants us to join for dinner, right?" Napailing naman ang binata at tumayo na. Faith smiled at her before walking outside. Hindi na naman siya tinapunan ng tingin ng binata at sumunod na sa kasintahan. Layla let out a harsh breath when the two left. She smiled bittely while staring at the door. Fiancé, huh? ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD