49 "Huminga naman kayo." Sabay na tumingin sina Layla at Declan sa nagsalitang si Dwayne. Ngumiti naman ito sa kanila at kinindatan sila na para bang nang-aasar. A loud sigh escaped Layla's lips. "I'm nervous," hindi niya napigilang umamin bago sila lumabas sa sinasakyang kotse. "Sina Mom lang naman ang kikitain niyo, para namang big deal---" "Alam mo, Kuya, minsan dapat itinitikom mo na lamang ang bibig mo," pagputol ni Darius sa sasabihin ng kapatid bago ito sinamaan ng tingin. Itinaas naman ni Dwayne ang dalawang kamay na animo'y sumusuko kay Darius. "Chill! Niloloko ko lang itong bestfriend mo, e. Masiyado ka namang protective." Napailing si Darius dahil sa sinabi ng nakatatandang kapatid bago bumaling sa gawi ni Declan. "You should calm her do---" "I'm pretty nervous too," Dec

