47 "Layla, this is so wrong. We don't need to go back." Malakas na bumuntong hininga si Layla habang nag-iimpake ng damit sa maleta. Kanina pa siya nanahimik at ayaw na lamang pansinin si Declan ngunit tila wala itong kapaguran at paulit-ulit na lamang ang sinasabi. "Please think again, baby. We can't risk your life---" "Hindi ka ba napapagod sa kakasalita?" she cut his words off as she looked towards his direction. Hindi naman napigilan ni Declan na mapalunok nang makitang seryosong-seryoso ang reaksiyon ni Layla. Tila nabahag ang buntot niya nang lumingon ito sa kaniya. "At saka huwag mo akong sabihan na mag-isip pa ulit kasi pinag-isipan ko na nga ang bagay na 'yon," Layla added. "Baka lang naman kasi hindi ka pa sigurado at basta-basta ka lamang nagdesisyon," mahinang saad ni De

