Kabanata 4: Panget nga pero pinatulan mo

1459 Words
Zhion POV Hindi ko masikmura ang ginawa ko kagabi. Pinatulan ko ang isang katulad niya na minalas sa mukha. Pangit man kung sabihin pero 'yun ang totoo. Ang pangit ng hitsura niya. Ang kapal ng kilay. Ang kaniyang ngipin ay malalaki. Ang ilong niyang sobrang laki ng butas. Ang kaniyang labi ay makapal na nakanguso. Salungat sa kaniyang katawan dahil magandang ang hubog nito. Napapailing na lang ako sa hitsura ng katulong na pinatulan ko. Bumaba na ako para umalis. Kailangan kong puntahan ang ex-girlfriend ko. Sobra ko siyang namiss at alam kong hanggang ngayon ay wala pa itong naging kasintahan magmula ng hiwalayan niya ako. Mag-alas singko pa lang pero narito na ako sa harapan ng gate ni Kimberly. Si Kimberly ay isang guro kaya alam kong maaga ang gising nito kaya sakto lamang ang dating ko. Hindi nagbabago ang pagmamahal ko sa kaniya kahit pa ang tingin niya sa akin ay isang masamang tao. Nakatanaw lamang ako sa bintana kung saan bahagya itong nakaawang at nakita ko mula doon si Kimberly. Mukhang naghahanda na ito para pumasok kaya naisipan kong bumaba ng aking sasakyan. Hindi ako gumawa ng kahit anong ingay ng makaakyat ako sa itaas ng gate. Nakalock ang gate kaya walang choice kundi umakyat ako. Nang makababa ako ay dumiretso na ako sa likurang bahagi ng bahay niya.Kabisado ko pa rin ang bawat sulok ng bahay niya dahil walang pinagbago. Nang makapasok ako ay bigla ko siyang niyakap mula sa kaniyang likuran. Napangiti ako ng hindi ito umimik at hinayaan niya akong yumakap sa kaniya. “Babe, namiss mo ba ako?” malambing kong tanong at dinampian ko siya ng halik sa kaniyang pisngi hanggang sa bumaba ang mga halik ko sa kaniyang leeg.Hindi ito tumutol bagkus ay hinayaan niya lang ako kahit wala akong nakuhang sagot sa kaniya. Pero bigla niya akong itinulak at matatalim na tingin ang ipinukol niya sa akin. Wala pa ring nagbago sa kaniya dahil maganda pa rin ito at simple lang. “Puwede ba Zhion, tigilan mo na ako. Matagal na tayong tapos. Hindi na kita mahal. Kinamumuhian kita dahil sa ginawa mo. Adik ka!” Natawa ako ng mapakla dahil sa sinabi niya dahil hanggang ngayon ay isang rapist pa rin ang tingin niya sa akin. “Talagang naniniwala ka sa mga sinabi nila tungkol sa akin? Kakauwi ko lang ng araw na iyon galing Manila. Nag-update ako sa iyo na bukas na kita pupuntahan dahil kailangan kong samahan si kuya Gabrielle na noon ay kritikal ang kalagayan niya dahil sa aksidenteng nangyari sa laro nila. Saktong napadaan ako sa isang madilim na highway at nakita ko ang karumal-dumal na ginawa ng rapist na iyon. Tinulungan ko lang 'yong babae dahil ginahasa na nga siya, sinaksak pa matapos kumaripas ng takbo ang hayop na lalaking naglagay sa pangit na imahe ko hanggang ngayon.Tumulong lang ako pero ako pa ang pinagbintangan. Kung buhay lang ang babaeng 'yon ay sana nasabi niya ang lahat na hindi ako ang gumawa ng kahalayan sa kaniya,” mahaba kong wika pero umiling lang ito. “Tama na Zhion. Hindi mo mababago ang tingin ko sa iyo. Paulit-ulit mo na lang sinasabi sa akin ang mga kuwentong iyan. Nakakasawa na. Akala mo hindi ko alam na gumagamit ka ng pinagbabawal na gamot? Nakita mismo sa bulsa at sa sasakyan mo ang isang kilong d***s. Pero sadyang unfair nga naman ng mundo dahil nagawa mong lusutan ang kasalanan mo. Kaya kahit anong sabihin mo ay hindi kita paniniwalaan!” sigaw niya at pilit niya akong itinataboy. Sobra ko siyang mahal at naging loyal at honest sa kaniya pero ganu'n ganu’n niya lang ako kamuhian. Umiyak ako sa harap niya. Gusto kong malaman niya na nagsasabi ako ng totoo. “Huwag mo akong iyakan. Kahit ano pa ang sabihin mo ay hindi mo ako maloloko. Sinayang mo ang pagmamahal na ibinigay ko sa iyo at sinira mo ang tiwala ko. Hindi pa ba ako sapat kaya naghanap ka pa ng iba at hinalay mo pa talaga at pinatay? Wala kang kasing sama!” muli niyang sigaw habang naiiyak na rin. Wala na talaga akong pag-asa na magbalikan pa kaming dalawa at paniwalaan niya ako. Mapait akong ngumiti sa harap niya. “Tandaan mo ito, Kim. Hindi kita susukuan. Masakit isipin na hanggang ngayon ay masamang tao pa rin ang tingin mo sa akin pero hindi nagbabago ang pagmamahal ko sa iyo. Mahal na mahal pa rin kita,” wika ko at umalis na sa bahay niya. Akala ko ay sa pagbabalik ko ay maging maayos na kami. Akala ko mas malalim ang pagmamahal niya sa akin at tiwala pero nagkamali ako. Hindi mahirap makahanap ng ibang babae pero iba si Kimberly sa lahat. Siya lang ang tanging minahal ko ng sobra kaya hindi ko siya susukuan. Mabilis akong sumakay ng aking sasakyan at mabilis na pinaharurot.Nang makauwi ako sa mansiyon ay nakita ko na agad ang dalawa kong kapatid na masamang nakatitig sa kaniya.Nginisihan ko lang silang dalawa at nilampasan. Wala akong panahon para ipakita sa kanila na inosente ako. Kung 'yun ang tingin nila sa akin ay wala na akong pakialam pa. Balang-araw ay pagsisisihan nilang lahat ang ginawa nila sa akin. Kailangan ko ng makabalik sa Italy. Mapanghusga ang mga tao rito kaya mas pipiliin kong mamuhay sa Italy ng tahimik. Mabilis akong naglakad paakyat ng hagdan pero nabangga ako ng katulong naming panget. “f**k! Huwag ka ngang patanga-tanga! Panget ka na nga, tanga ka pa!” bulyaw ko. Hindi niya ako pinansin at yumuko ito. Iniisa-isang pinulot ang mga puting tuwalya na lalabhan niya yata pagkatapos ay tsaka pa lang niya ako tinignan. “Pasensiya na po kayo. Sa susunod po kapag nakasalubong kita, ikaw naman ang sasabihan ko niyan. Oo, tama ka. panget nga ako pero mas panget ang ugali mo. Kaaga-aga napagod na agad ako sa pagmumukha n'yo," walang preno nitong sabi kaya saglit akong natigilan. Natawa ako ng pagak dahil sa kakapalan ng mukha niya. Hindi man lang siya natakot na mawalan ng trabaho. “Hindi ka ba natatakot na mawalan ng trabaho?” Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at sinuri ang kabuuan niya. “Paano ka natanggap dito? Bawal ang panget na katulad mo dito sa mansiyon.” dagdag ko pa sabay ngisi. Muntik akong masuka sa hitsura niya na parang nagmamantika ngunit napadako ang tingin ko sa dibdib niya. “Panget nga pero pinatulan mo,” bulong nito kaya napatikwas ang isang kilay ko dahil sa inis. Hinaklit ko ang braso niya at madiin ko itong hinawakan. “Ano’ng pinagmamalaki mo? Wala kang galang. Huwag mo akong subukan dahil ipapatanggal kita dito,” madiin kong wika pero nginisihan niya lang ako sabay hawak sa kamay ko at pinalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya habang ang mga mata niya ay galit na nakatingin sa akin. “Sige, gawin mo. Samahan pa kita!” sigaw niya at padabog na umalis sa harapan ko. Napahampas ako sa hawakan ng hagdan. Buwesit na panget na 'yon. “Bumalik ka rito!” Nilingon niya ako at tinarayan. “Huwag na, sir. Masasayang lang ang oras ko sa iyo dahil marami pa akong gagawin," tugon niya at muli akong tinarayan.Kapal ng mukha niya! Nanggigil ako sa inis. Umakyat na lang ako patungo sa aking silid. Kailangan kong magbook ng flight at ng makaalis na sa pesteng lugar na ito. Kung ayaw nila sa akin ay hindi ko sila pipilitin. Wala naman akong dadalhin dahil nasa kotse ko lang naman ang bagahe ko. Hindi ko na inisip na ipasok pa dito sa loob ng mansiyon dahil sa mga kapatid ko. Hindi nagtagal ay bumaba na ako at agad na kinausap ang aking ina para makapagpaalam. “Alis na ako, Mom. Pakisabi na lang kay Dad. Hindi ko na po kailangang magtagal pa rito dahil ayokong manatili sa isang lugar kung halos lahat ay galit sa akin. Bye, Mom.” Humalik ako sa pisngi niya at akmang aalis na pero agad niyang nahawakan ang palapulsuhan ko. “Walang aalis,” seryosong wika ng aking ina kaya agad na napatitig ako sa mga mata niya. “Para saan pa? Gusto ko ng tahimik na buhay kaya aalis na lamang ako. Para mas maging masaya sila,” pabalang wika ko at pilit na pinapakalma ang aking sarili. "May mahalagang sasabihin ang inyong Dad mamaya kaya please lang, huwag kang umalis,” pakiusap ni Mom at malungkot itong nakatitig sa akin kaya huminga ako ng malalim at sunod-sunod na tango na lamang ang ginawa ko. Hindi ko alam pero iba ang naramdaman ko ngayon. Tingin pa lang ni Mom ay pakiramdam ko ay parang napakahalaga ang sasabihin ni Dad. Sana hindi tama itong kutob ko dahil mawawalan na ako ng kakampi at hindi ko 'yun kakayanin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD