Chapter 76

1354 Words

MAAYOS na ang lagay ni Caloy at normal na rin ang platelet count nito. Dalawang araw pa at pinayagan na ito ng doktor na makalabas upang sa bahay ipagpatuloy ang pamamahinga. Tinanong ni Thea kung maaari itong ibiyahe dahil naisipan nitong mas makabubuti kung iuuwi muna ng San Simon ang anak. Ayon sa doktor ay palipasin muna ang dalawang araw pa kaya naman nauna nang umuwi si Vince sa probinsiya. Tinanong nito kung saang bahay sila uuwi upang maipaayos na raw ang silid na tutuluyan nila pero siyempre ay sinabi niyang sa bahay nila sila uuwi para makita ni Lolo Vito ang bata. Matapos ang dalawang araw ay sumunod na rin silang mag-ina sa San Simon. Pero taliwas sa sinabi niya kay Vince ay hindi sila sa bahay ng ina uuwi kung hindi sa mismong bahay nito sa bukid. Ibig niya itong sorpresahin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD