Sunod-sunod akong napalunok ng sarili kong laway habang sinusubukan kong umatras palayo sa kanya. Yun nga lang, parang nadikit na ang mga kamay ko sa malambot na higaan at hindi ko iyon maikilos. Hindi ko rin alam kung yung init ba ng magkabila kong pisngi ay sanhi pa rin ng alcohol o nahaluan na ng kakaibang kaba at excitement. "What exactly do you mean?" Halos hindi ko marinig ang sarili kong tanong. Ewan ko lang kung narinig niya yun. Muli siyang umurong palapit sa akin ng hindi inaalis ang mga mata niya sa mata ko. He's wearing a sando and short and smell so masculine. Ako lang ba ang nakakaisip ng milagro sa aming dalawa? Bakit parang may bagsik ang mga mata niya? "I mean what you want, Hera. Sabihin mo lang sa akin na pumapayag ka, siguradong hindi ka mabibigo!" Lalong lumakas an

