Limang isla din ang na-ikot nila buong maghapon, naging masaya ang buong araw nila partikular na si Zeus lalo na sa nakikitang pagkakasundo ni Jhenna na tinuring niya ng nakababatang kapatid at si Hera. Halos hindi mapaghiwalay ang dalawa at sa tuwina ay hagikgikan nang hagikgikan. Sa pang limang isla sila tuluyang nagtagal dahil sa natural na ganda noon. May nakatago ding falls sa kaloob-looban kung saan sila nagpalipas ng oras. Doon ay walang sawang nagtampisaw ang dalawang babae habang nagsa-shot naman ng paunti-unti sina Mike at Zeus. Samantalang ang kapitan ng yate ay piniling manatili na lamang sa kanyang sasakyan at doon na maghintay sa kanila. Dahil alas dos pa lang naman ng hapon kung kaya't nagawa pa nilang umidlip sa nasabing isla matapos mapagod. May nahanap silang maayos na

