"Seryoso ka ba? Yung bride?" Sunod-sunod siyang tumango. "Yes." "Pero bakit.. bakit ngayon ka lang nagpunta? Hindi ba dapat nandoon ka sa mismong kasal? E, mukhang reception na ito, ah?" Muli siyang bumuntong-hininga. "I can't." Malungkot na tugon niya. Lalo tuloy akong na-curious kung bakit. "Kuya!" Malakas na bulalas ng bride ng makita kami, dagli siyang lumapit sa gawi namin at niyakap si Zeus nang mahigpit. "Nakakapagtampo ka. Hindi ka talaga dumating sa kasal ko." Malungkot na saad ng babae ng tuluyan silang magbitiw. "What's important is I am here now. Oh, and by the way, this is Hera, my girlfriend." Hinapit niya pa ako palapit sa kanya. "Hi, ang ganda ganda mo." Kaagad kong iniabot ang kamay ko at binati siya. Ngayon lang ako nagandahan ng ganito sa kaparehong gender. Haban

