Akimara Pov.
(Patient 3)
Mahangin sa labas ng maglakad ako, Papasok ako ng unibersidad dala ang isang ngiting hindi mabura sa labi ko. Hindi mawaglit sa isip ko ang nangyaring lakad namin ni thor kahapon lang, kung maaari lang na ihinto muna ang oras kahapon ay ginawa ko na. Napaka-bilis ng oras talaga, Nanghihinayang pa ako ng maka-uwi sa bahay. Sakto alas nuebe ang balik ko sa bahay, hindi maaaring mahuli o sumobra ako sa oras. Hindi na ako papayagan ni mama sa susunod.
Kahit naman na ganun ang nangyari ay sulit ang umaga 'kong iyon, Nakakapag-taka talaga. Lahat ng pangit na pagkakakilala ko kay thor ay tila binura lahat iyon ng isang halik. Matamis na halik, at kung iisipin ko iyon kada oras ay mababaliw na ako sa kilig na dinaramdam ko.
Para akong dalagingding na naglalakad sa maalwalas na espasyo malapit sa gusali ng mga engr. Ngunit kahit gwapo ang nasa paligid ay naka-okyupa ang isip ko sa iisang tao lamang, naiiling ako habang may hawak na isang pares ng bulaklak. Hindi ko alam kung naka-ilang tapon na ako sa mga petals ng santan, Bawat nahuhuli ay tumutungo sa 'He loves me'
May hawak pa akong isang bulaklak, Nakangiti habang pinipitas isa-isa ang petals nito.
He loves me not.
He loves me.
He loves me not.
At syempre natuwa ako dahil may naiisang natira, Nagtatapos na naman iyon sa he loves me! Hindi ko maiwasang sampalin ang sarili sa kabaliwang ginagawa ko, Idaan ba naman sa bulaklak ang pag-ibig ng tadhana?
"Hoy, Aki!" Napa-ayos ako ng tindig dahil sa sigaw ni beka, muntik pa akong mapasigaw sa biglaang pagkakagulat nito. "Kung maka-ngiti ka ay parang may magandang nangyari ngayon.."
Ngumiti ako, nagmamalaki. "Maganda pa sa' kin ang kinangingiti ko, At kung pwedi lang sana ay huwag mo iyong sirain.." napangiwi siya, halatang mang-aasar na naman.
"Ano ba iyang dahilan ng pag-ngiti mo, Ay mali! Sino pala ang dahilan?" pinagpantay ko ang labi, diretso ang tingin sa harapan maging ang paglalakad ko. Hindi niya rin pala alam ang pagtingin ko kay thor, ang alam nito ay si tristan ang hinahangaan ko sa ngayon.
"Marami akong dahilan para ngumiti.." sagot ko, mukhang hindi ito sang-ayon sa isinagot ko.
"Aysus, Sabihin muna kasi iyon, hindi ko naman ipagkakalat.." siniko ako nito, sigurado't mangungulit na naman ito maghapon. "Sino ba, Si cristobal ba iyan? Future lawyer?" Nagtungo ito sa harapan ko, paatras na uma-abante.
"Tigilan mo ako, beka.."
"Hindi, hangga't hindi mo sinasabi.." pinaniningkitan na ako nito ng mata, "Huwag 'mong sabihin na hindi si cristobal?"
"Sinabi't ng tumigil ka.."
"Waaaah! Hindi dineny ng maharot, Sino iyan ha?"
"Its none of your bussiness, Get out of my way.." hinawi ko ito, nagpa-una akong naglakad kahit dinig na dinig ko ang pagtawa niya.
"Kung maka-ingles si hernandez akala mo'y kinaganda, Siguro iyong prosecutor ano?" huminto ako, nilingon ko ito ng may masamang tingin.
"Sinabi't ng tigilan mo ako, ang ingay mo pa.." natawa siya lalo, napahilamos ako bago ito snobin.
"Grabe ka, Natitipuhan mo si salazar?" nagpatuloy ako sa paglalakad walang balak itong imikin. "Kung sabagay, napaka-gwapo nga naman ng senior na 'yon.." kinilig ito sa bandang huli niyang sinabi, naiiling ako bago lumiko patungo sa gusali na papasukan namin.
"Ano Aki, Si storm salazar ba talaga?" naiirita ko itong nilingon, nakangisi siya sa' kin. Ngunit ni hindi ko na siya nagawang siringan ng makita ang taong nasa likuran nito.
"T-thor.." napapalunok ko itong sinabi, ngumiti ito. Iyong laging nakakamatay na ngiti. "K-kanina ka pa" Tumabi ang kaibigan ko, hindi man lang kakikitaan ng pagkahiya o ano ang loka! Humanda talaga ito sa' kin mamaya.
"No, Im just passing by and turn to left.." ani nito, bagay na bagay ang suot niyang polo uniform ngayong araw. "I heard my name, Are you talking to me?"
"H-ha?" Nilingon ko si beka, nginitian niya ako na animo'y nag-aasar pa. "H-hahahah, Tinatanong niya kasi kung sino ang nag-imbita sa' kin noong isang araw sa fiesta.." mabuti na lang at naka-hagilap ako ng idadahilan, hindi pa ako handang sabihin sa kanya na gusto ko siya.
"Hmm, ganun ba?" tumango tango ito, "Narinig ko na may senior na doctor ang mag-aassist sa section niyo.." napapakamot ako sa ulo, ngayon na ba iyon? Bwist! Bakit ba nakalimutan ko. "I send you a goodluck charm today.." ginulo nito ang buhok ko, napapahawak ako doon habang tinitingnan ito papalayo sa' ming pwesto.
OMG! Umagang-umaga pinapatay mo ang puso ko sa kilig, Magtira ka naman para sa araw-araw.
"Waaahhhhh, Aki! Iyong bra ko muntik ng malaglag!!" napapikit na lang ako dahil sa kalandian ng kaibigan 'kong ito.
"Nakakainis ka, alam mo ba?"
"Uyyy, Si Aki. Kung maka-simple akala mo'y hindi kinilig eh.." inirapan ko ito, kung wala lang kami sa unibersidad ay nakuha ko na rin sigurong tumili.
"May actual ako ngayon, huwag mo akong badtripin.." napanguso siya, naiiling akong nagpatuloy sa paglalakad hangga sa marating namin ang silid.
Lunes ngayon, Ang pagkaka-alam ko ay naka-assign ang group1 sa pag-aactual ngayon. At kasama ako sa group 1 na iyon, hindi ko lang alam kung sinong magiging example model ngayong lunes.
"Hernandez, Intos, Javier.." Nakaupo na kami kasalukuyan ng tawagin kami ng professor, Kinakabahan ako ng hindi ko alam "Bawat isa sa inyo ay may naka-assign na patient, You need to make a nursing care plan.." Hindi ko alam na aabot ako sa second year bilang nursing student, Sinusukuan ko na ito noon pa man! Si papa lang talaga ang pumipilit.
Siniko ako ni beka, nakataas ang kilay "Sino kaya ang pasyente mo?" nag-kibit balikat ako, ang pagkaka-alam ko ay mga kapwa studyante rin namin ang ma-aasign ngayong araw.
"Kahit sino na lang.." sagot ko, nais ko ng matapos ang araw na ito. "Fever lang naman ang topic, basic!" nginisian niya ako, bahala na kung bumagsak! Ngunit nakapag-basa naman ako kahit papaano.
"Hernandez.."
"S-sir.." napatayo ako ng tawagin ni sir ang pangalan ko, natawa pa si beka dahil doon. "Lumilipad na naman ang isip mo, akimara.." kinagat ko ang pang-ibabang labi, ayoko talaga sa kursong ito! Gusto 'kong mag-aral at maging parte ng media! Nakakainis.
"Sorry sir.." ani ko, hindi ko maiwasang bumuntong hininga.
Tumayo si sir, may hawak na namang index card. Siguradong patay ako ngayong araw.
"We have two types of intervention right?" sa akin ito nakatingin, wala sa sarili akong tumango "Will you give the two types of it.."
"Dependent and Independent.."
"Give me the meaning of two.."
Napamaang ako. "S-sir?"
"Do you want to summarize the whole topic of the mounth.."
"No sir.." mabilis na sagot ko, ano 'bang problema nila sa' kin.
"Then give me the meaning of independent and dependent.."
"Ahh.." kasalukuyan ko ng hinuhukay sa isip ang mga nabasa, Hindi ko maiwasang tumingin sa labas dahil sa pag-iisip dala ng kaba, Ngunit muntik pa akong mapaupo ng makita kung sino ang mga nanunuod doon.
Tsk, Bakit ba kailangan laging nakatambay ang mga senior sa harapan?
"Hernandez!"
"SIR!" Napatuwid ako ng tayo, Lintik na thor! Bakit kailangan makinig pa siya.
"Nasa ikalawang baitang ka na ng pagiging studyanteng nurse, iyon lang hindi mo pa alam?!"
"A-alam ko po.." lumapit ito sa' kin. "Indenpendent means you dont need the doctors order, That's the opposite of dependent, Dependent is you need the doctor orders.." tumango ito, may kaonting sinulat sa card bago tumungo sa lamesa.
"Tandaan niyo, Ang kinuha niyong kurso ay hindi basta basta lang, Hindi mga hayop o insekto ang mga aasikasuhin niyo, kayo ang pag-asa ng mga taong may karamdaman sa darating na henerasyon.."
Huh, ang daming sinasabi! Akala mo naman ay pababayaan mo ang pasyente kung sakali.
"Group 1, The data about patient is must be needed, Dont forget.."
"Yes sir!"
"Okay, you may go..." tumayo kaming nasa unang grupo, tamad na tamad ako hangga sa makalabas ng silid. Salamat naman at wala na ang mga senior rito! Ang kwarto namin ay malapit lang sa cafeteria, hindi talaga imposibleng mapadaan sila dito.
"Ang tatlong pasyente ay nabibilang sa mga senior.." ani ng babaeng kagrupo ko, kasalukuyan na kaming patungo sa locker upang kuhanin ang uniporme. "Sana ay hindi mamali ang record na masulat ko mamaya! Naku lang, baka mauna pa akong mahimatay sa pasyente ko.." napairap ako, paano ba naman kasi. Lahat ng senior na ahead sa' min ay halos gwapo, wala 'kang maitatapon.
Manlulumo talaga ako pag nakapag-tapos na sila.
"Iyong may record lang sa clinic ang i-aassist natin, bawal humarot, Naroon si elizalde.." ani ko, tinutukoy iyong senior na doctor. At syempre!Required na ang gwapo sa isang 'yon.
"Ayos lang, Kahit sermonan pa ako nito, pakakasalan ko pa rin si doc. Elizalde!!"
"Yiieehh, Ang gwapo ni Gavin Elizalde!"
Napapailing akong umirap, mas gwapo si prosecutor! Anong lamang niya sa salazar na ubod ang tamis ng labi! Napangisi ako, Hangga sa marating ang locker ay nakangiti ako sa sariling naisip, Hindi ko talaga makalimutan ang labi niyang mapang-akit. Kahit ilang recitation at actual pa yata ang gawin namin ay walang katumbas iyon sa isip ko.
Binuksan ko ang locker, Syempre naroon ang uniporme ko na dinala noong isang araw. Alam ko ng may actual ngayon, nawala lang talaga sa isip ko dahil kay thor. Bakit laging thor na lang?
Isinara ko iyon, nakatingin ako sa unipormeng nakasilid sa paperbag. Sino kaya ang pasyente ko ngayong araw?
"Goodluck on your actual.." nag-angat ako ng tingin sa nagsalita, nakangiti itong nakatingin sa' kin. Akala ko'y pumasok na sila kanina?
"S-salamat..."
"Darating ang araw na magiging mahusay na nurse ka, kung may panahon ka ay pag-aralan mo ang pagiging doctor.." napanguso ako, hindi ko nakikita ang sarili sa ganoong posisyon. Nais ko lamang ang simpleng buhay, Kasama ang pangarap na trabaho.
"May mga bagay na hindi mo nakikita sa hinaharap, malay mo. Hindi ako nabibilang sa medical work.."
Umangat ang kilay niya. "Ikaw ang gagawa sa hinaharap mo, ang mangyayari kasalukuyan ay nasa mga kamay mo, wala sa kapalaran o pangyayari.."
"Para ka ng manghuhula kung magsalita.." may halong pagtawa na ang bawat kataga ko.
"Positibo lang ako sa dapat mangyari, ang isang kagaya mo ay dapat minomotivate minsan. Nais 'kong maging succesfull ka.." pinaglapat ko ang labi, seryoso kung tumitig.
"Wala akong ideya kung bakit mo iyan sinasabi, pero salamat, I keep it in my mind.."
"Alright.." ngumiti ito sa' kin bago maglakad patalikod, hangga sa mawala ito ay naroon pa rin ang mata ko sa dinaanan niya. Ginugulo mo ang isip ko, hindi ko alam kung hangga't saan aabot ang pag-uusap nating ito.
****
Nasa maalwalas na silid kami, Merong anim na patient bed dito na pinagparte sa tatlo bawat gilid. Nakaupo ako habang may isinusulat ukol sa plano, Nang matapos ay tumayo ako. Balak ko munang tumungo sa washroom habang wala ang aasikasuhing pasyente.
Nasa bungad pa lang ako ng pinto, akma lalabas ng mahinto bigla. Nahagip ng mata ko ang napadaang si tristan banda dito, Anong ginagawa niya sa departamentong ito?
Lumabas ako, sinundan ang lakad niya hangga sa tumigil ito upang magtipa sa cellphone. Hindi ko maiwasang hagurin ng tingin ang kabuuan niya, naka-jacket ito ng may hood, simpleng pantalon lamang ang suot niya ngunit kung titingnan mo ay halos bumagay na ito sa kanya. Humakbang ako, tuluyang lumapit at tumingkayad sa likuran nito. Sinisilip kung ano ang itinitipa niya sa cellphone. Nang makitang nakapatay naman iyon ay nangunot ang noo ko, Akala ko ba'y nagtitipa siya kanina lang?
"Breaking into a crime in order to steal someone privacy.." bigla ay nagsalita siya, wala sa oras na napaatras ako at nag-panggap na parang walang nangyari. "Doing something crime that can be punished by law.." napanguso ako ng humarap siya, grabe ang future attorney kung bumanat! Laging may batas na sinisingit.
"A-ano 'bang sinasabi mo?"
"Hindi ko alam na chismosa ka pala.." napapakurap ako sa kanya, Ako daw chismosa? "You recklessing my privacy.."
"Ha? W-wala naman akong nabasa, Hehehehe.." binulsa nito ang cellphone habang nakatingin sa' kin, napaka-sungit! "B-bakit pala narito ka? Hindi ba't napakalayo ng department niyo para mapadpad ka sa nursing?"
Tinaasan niya ako ng kilay "Pinaparating mo ba na ikaw ang sinadya ko?"
"Hahahaha, W-wala naman akong sinasabing ganon, Nag----- sandali san ka pupunta?!" aba't ang bastos, hindi man lang pinatapos ang sasabihin ko at lumayas na, hindi ko maiwasang ngumiwi habang tinatanaw ang likuran nitong papalayo sa' kin, ang sarap niya talagang kausap.
Nakanguso ako ng magpatuloy sa pupuntahan, hindi ko naman sinasadyang maki-usyoso sa ginagawa niya. Hindi ko rin alam kung bakit bigla ay nagkaroon ako ng interest sa tinitipa nito kanina lang, Pero infairness! Gwapo pa rin si cristobal, Ang ipinag-bago lang ay mas naging suplado ito.
Nang makapag-linis ng kamay ay muli akong bumalik sa clinic, gaya kanina ay naroon pa rin ang dalawa. Ngunit may kasama na silang mga pasyente na kinukuhan nila ng background data.
"Hernandez, Your patient is already here.." nagsalita si elizalde, hindi ko maiwasang mahiya ng magtama ang mga mata namin. Josko, Isa 'pang gwapo.
"Y-yes, Doc.." nagtungo ako sa pwesto ko, hinawi ko roon ang kurtina upang makapasok. Hindi pa man ako tuluyang nakaka-get over sa gwapong elizalde ay meron na namang supladong gwapo dito.
"Your late.." ofcourse he still beast at all, napa-irap ako sa kasungitan niya bago magpatuloy sa paghakbang.
"Hindi mo sinabi na ikaw pala ang patient 3.." ani ko, kasalukuyan ng sinusulat ang pangalan niya.
"Wala ako sa lugar para sabihin iyon.."
Napanguso ako "Pero tinanong kita kanina.."
Nilingon ako nito "Are you going to check me or you still want to make up a conversation?"
"Ang sungit.." bulong ko, humiga ito kasabay ng pagpikit. Kaya pala naka-jacket lang siya at simpleng ayos.
Inumpisahan ko sa vital signs, Ayos naman iyon at normal, ngunit sa nakikita ko ay mukhang maputla ngayon si tristan, Mainit din ang balat niya kaya kumuha ako ng thermometer.
"Kukunin ko ang body temperature mo.." ani ko, iminulat nito ang mata at naupo bago sumandal. "H-hindi ka ba pumasok talaga?" medyo ilang ako ng magtanong, nakatingin ito sa' kin habang inaayos ko ang thermometer sa kaliwa bahagi.
"Pumasok.." tipid pa sa tipid kung sumagot ito, kumbaga. Isang tanong isang sagot.
"Buti ikaw ang narito?" nailagay ko na ang thermometer, hinihintay na lang ang resulta.
"Nagtungo ako sa clinic at Ni-assign ako ni gavin sayo.."
"A-ahhh.." hindi ko na nasundan ang sasabihin, tumunog ang thermometer habang nanatiling titig ito sa' kin. Kung sigurong nasa panahon ako ng pagka-hanga rito ay hindi ko magagawa ng maayos ang sarili ngayon. Mabuti na lang talaga at nagbago lahat, napaka-bilis at hindi ko alam na magiging ganito ang resulta ng paghanga ko sa kanya.
"37.7.." ani ko, ini-angat ang paningin sa kanya. "Do you have throat pain?" umiling ito, "Body pain? Are you vommiting this morning? Abdominal pain, Diarrhea?"
"Headache.." sa dami ng tinanong ko ay iyon lang ang isinagot niya, kung ganon ay simpleng sinat lang ang nararanasan niya ngayon. "Are you done?"
"H-hindi pa, Papainumin kita ng gamot, kung hindi pa bumaba ang lagnat mo magpahinga ka muna.."
"May kailangan pa akong puntahan.."
"P-pero hindi pa ako tapo--"
"Just finish now, Isulat muna ang kailangan mo.." napapanguso ako, hindi naman iyon..Kailangan ko pa siyang tingnan sa lahat, ngunit mukhang ayos naman siya. Siguro ay tatapusin ko na lang ito sa bahay, bahala na ang manghula.
"Kay Sir Wilson ka magrereport mamaya?" nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat nang magtanong ito, tumango ako. Ang tinutukoy niya ay ang professor namin. "Okay, bilisan mo at ng makaakyat na tayo..'
"Tayo?"
"May ibibigay ako rito, Ako rin naman ang naka-assign sayo, hindi ka na mahihirapang sumagot..." grabe siya kung makahirap, hindi naman ako nahihirapan, mabagal lang akong sumagot.
Sabay kami ng lumabas sa kurtina, Nilingon kami ng lahat. Nagtataka syempre.
"Are you done, hernandez?" si elizalde, tumango ako at ibinigay ang papel. Resulta ng ginawa ko. "37.7?" nag-angat ito kay tristan.
"I want to rest in my ownhome.." may sagot na siya agad, paano ko gagawin ang ibang test sa kanya kung wala ito, huhulaan ko na lang ba iyon?
"Sigurado ka ba sa mga nasaad dito, hernandez?"
"Yes, Doc Elizalde.."
"Hm, pero kailangan mo pa siyang tingnan bukas.."
"Oo, gagawin ko.." nilingon ko si tristan, mapungay ang mata niya at halatang nais na ngang mamahinga. "Siguro ay kailangan na naming umalis, pagod ang pasyente ko..." muntik ko 'pang makalimutan na hindi ako ang masusunod rito, kung walang pahintulot niya ay hindi rin kami makakaalis, Ngunit dahil nakuha niya naman ang nais 'kong sabihin ay pinayagan niya na kami.
"Kailangan 'mong uminom makalipas ng apat na oras.." ani ko, nakasunod sa likuran niya dahil sa hindi ko mapantayan ang lakad nito. "Gumamit ka rin ng thermometer para tingnan ang taas ng lagnat mo, Maghilamos ka na lang muna sa ngayon.." wala itong imik, hinahayaan lang ako magsalita ng magsalita.
"Tristan, nakikinig ka ba.."
"Kahit hindi mo sabihin ay alam ko na.." nangiwi ako, concern lang naman!
"Pinapaalalahan lang kita, hindi maaaring may lagnat ka pa bukas, mayayari ako.." lumiko ito patungo sa gusali namin, at dahil breaktime na ay nasa labas na ang lahat ng studyante.
"Titingnan ko ang lagay mo buk---" ouch sh*t!!" nahinto ako sa pagsasalita, bigla ay huminto siya dahil sa tatlong studyanteng humarang dito.
"Goodmorning, tristan.." hindi ko na tiningnan ang babae, napangiwi ako ng makita ang bakas ng lipstick sa jacket niya. White pa naman iyon! Kitang-kita ang red na marka ng labi ko! D*mn What do I do now?
"What?!" syempre masungit ito, Ano pa ba ang bago.
"Hindi kasi ako nakapag-bigay ng regalo sa'yo noong birthday mo, may binake ako para sa belated gift.." hindi ko sila pinansin, binuksan ko ang bag at kinuha doon ang panyo, dapat mabura iyong lipstick!
"I dont need a gift from you.." ayy ang bad talaga, naiiling akong kagat ang labi. Nang sinubukang punasan ang lipstick ay mas lalong nangalat iyon sa damit niya.
Naku, Mayayari na naman ako sa suplado!
"Simpleng cookies lang ang mga ito, tanggapin muna.." ini-abot niya iyon, sinilip ko ang regalo at nakitang may katamtamang laki iyon sa paningin ko "Kahit hindi mo kainin, tanggapin mo lang.." umarko ang nguso ko ng abutin iyon ni tristan, sinuri niya iyon ng maigi! Sana ay ibigay niya sa' kin kung ayaw niya.
"I didn't eat too much sweet.." itinapon niya iyon sa gilid, napamaang ako maging ang tatlong babae sa harapan niya, grabe! Hindi man lang marunong mag appreciate ng effort.
"T-tristan..." gumagaralgal na sa tinig ang babae, Hindi iyon binigyan pansin ni tristan. Nilagpasan niya ito at dumiretso sa balak na pupuntahan.
Naiiling na lang ako habang tinatanaw ang babaeng umiiyak papatakbo paalis, Sayang busted ka.
____