Mara Pov. (Still Hard) Naranasan niyo na bang tumira sa bahay kasama ang boyfriend niyo, well masaya yon. Syempre lagi kayong magkasama at nakikita niyo ang isa't isa, pero paano naman kung magkakaroon kayo ng tampuan, halimbawa ako. Kunwari'y nagtatampo ako dito ngunit kagabi pa humupa ang katampuhan ko sa katawan, nakita ko lang siya okay na. Pero nang hindi ito nagpaparamdam ay ang dami kong iniisip na gawin at isumbat sa kanya. Ngunit hangga doon na lang iyon, hindi ko pala kayang gawin dahil sa presensya niya pa lang ay tumitiklop na ako. Maging ngayon kahit maaga akong nagising ay hindi pa ako lumalabas ng kwarto, iniisip ko kung gising na ba ito at nakapagluto na. Usually kasi iyon ang ginagawa niya sa tuwing nandito ito. May nakaluto ng pagkain at nakagawang gatas para sakin,

