Mara Pov. (Killer) Nang gabing iyon ay umuwi ako ng bahay, nag-aalala ako kay papa at hindi ko maiwasang makaramdam ng awa. Hindi ko alam kung bakit, naguguluhan ako at ang daming bagay bagay na pumapasok sa isip ko. Sa ngayon ay hindi ko maintindihan si thor, nagtataka ako kung bakit hindi niya ako binigyang alam sa ginawa niya, kung hindi ko pa mismo nabasa ang sulat ay baka mananatili ako sa bahay ng walang alam. Humahangos akong pumasok sa loob, may isang driver doon na nagtataka sa pagdating ko bago ako batiin. ”Nasaan si papa?” ”Nasa kanyang silid, nagpapahinga..” hindi na ako nag-abalang magsalita pa, nagpatuloy ako sa paglalakad at dumiretso sa kwarto ni papa. Hindi ako kumatok ng buksan ko ang pinto, nadatnan ko siyang nakaupo sa swivel chair nito na may binabasa. Nagulat

