Mara Pov. (Selosong amo) Pagpatak pa lang ng alas siete ay nasa bungad na kami ng express company, nakangiti ako kay lucas habang naiiling. Ang dami niyang sinasabi habang nasa biyahe kami, kaya't hindi ko mapigilang matawa sa topic naming exes. Nagkaroon siya ng dalawang girlfriend noon ngunit umaabot lamang sila ng mahigit limang buwan. Sinubukan niyang maging diretso ang kasiraan niya upang hindi mapahiya sa kanyang ama. Nais niyang matulungan siya ng mga naging nobya ngunit sa oras na aminin nito ang problema niya ay tila nawawalan ng gana ang mga nagdaan niyang girlfriend. ”Baka ikaw pwedi ka?” tinawanan ko lamang ang biro niya, patungo na kami sa front desk upang sumulat sa logbook bago pumasok. ”Pass muna ako..” pumirma ako habang hinihintay niya akong matapos, ngumisi lamang

