Para akong binuhusan ng malamig na tubig at lumukob ang nakaka-kilabot na takot sa buong katawan ko.
Para akong nakakita ng isang halimaw na 'ni sa panaginip hindi ko naisip masilayan sa tanang ng buhay ko.
Napa-yakap ako sa sarili nang gawaran ako nito ng napaka talim na titig bago pumasok sa isang pinto dito sa loob ng master's bedroom.
Mom Dad save me please...
Nanginginig ang buong katawan ko sa takot panibagong may hawak sa akin.
Nagtungo ako ng mall at tinakasan ang mga bodyguards ko para gumala.
Pauwi na ako sa mansyon nang nasa parking lot na ako ng mall may tumakip ng panyo sa bibig ko kaagad akong nanghina at nawalan nang malay.
Nagising ako sa isang basement na naka-gapos at may busal sa bibig.
May mga kasama akong kababaihan dito na pawang mga naka gapos at may busal sa bibig.
Pina-tawagan sa akin ng pinaka boss nila sila Daddy at hiningan nang 100billion para sa kalayaan ko.
Pero ilang saglit lang nagka-gulo ang lahat at isa isang pinabagsak ang mga kalalakihang nakapalibot sa amin.
Akala ko ligtas na ako pero ano ito? Bakit mas malala at nakaka takot ang akala ko'y sumagip sa akin sa kapa hamakan.
Muling umagos ang luha ko at napasuksok sa pinaka sulok nitong silid.
Mom Dad please find me let me get out of here. I'm so scared now.
Napayuko ako at niyakap ang tuhod.
Stand up and clean my room!
Napapitlag ako sa baritonong singhal nitong napaka pangit na nilalang kong kaharap. Kung gaano ka pangit ang mukha nito ganu'n din ang ugali at prehensya nito.
Sa uri palang nang pagtitig nito tumatagos na sa buto ko ang takot at kilabot.
Nangangatog ang mga tuhod ko at pilit tumayo ng maayos.
What are you waiting for?
Ah s-sir b-baka pwedeng k-kumain muna... H-hindi pa po kasi ako kumakain mula kagabi.
Utal kong hiling. Mariin akong napapikit nang sumabay ang pagtunog ng tyan ko.
Bring us breakfast here.
Napamulat ako sa baritono at lalim niyang boses. Nakakatakot ang boses nitong buong buo. Hindi na ako magtatakang mafia boss nga ito sa tindig palang at boses ay hindi maipag kakaila ang kakisigan nito lalo na kung naka talikod. H'wag nalang humarap dahil imbes na makalaglag p*nty ang dating uurong bigla lahat ng l*bog mo sa katawan pag nasilayan na ang mukha nito.
Binaba na nito ang cordless phone at muling bumalik sa lamesa nitong puno ng mga folders. Salubong ang malalagong kilay nito habang nagtitipa sa kanyang laptop.
Mahaba ang itim at makapal nitong buhok na naka-pusod.Malago din ang kilay at balbas sarado. Matangos ang sunog at kulubot nitong ilong pero 'di maipag kakailang napaka ganda ng hugis ng mga mata nitong kulay berde at manipis ang mamula mulang labi. Puting puti at pantay din ang mga ngipin nito na parang alaga sa dentista.
Napapa-isip lang ako kung bakit 'di nalang siya magpa retoke ng mukha isabay narin niya ang ugali niyang kasing pangit niya.
Aren't you afraid of me?
Napapitlag ako sa lakas ng boses nito.
P-po?
Tsk. Don't stare at me like that, hindi kita papatulan.
Napanganga ako sa sinaad niya.
Ano ako? the nerve ano bang akala niya pinag papantasyahan ko siya ew! Over my dead sexy body no way! Dinaig pa namin ang kwento ni Beauty and the Beast pag nagkataon hindi ko kaya.
What are you waiting for? Eat your breakfast and start your job i told you you're not here to become my princess! You're just my f*cking slave!
Mariin akong napapikit sa boses nitong halos umalingawngaw na sa buong silid.
Ngayon ko lang napansin ang dalang pagkain ng mga maids sa center table nitong mini living room niya dito sa kwarto.
Kaagad na akong naupo at napangiti ng masamyo ang mabangong amoy nito.
Magana akong kumakain sa hita ng pritong manok ng mapalingon sa gawi niya at ganu'n na lamang ang gulat ko dahil sa taimtim niyang pagtitig sa akin.
Nahihiya kong ibinaba sa plato ko ang buto ng manok at alanganing ngumiti.
Naka poker face lang ito at 'di mabasaan ng emosyon sa mata.
Ahm sorry po kagabi pa kasi ako walang kain.
Tsk.
Aniya at muling bumaling sa kaharap na laptop. Alanganin akong nagpatuloy sa pagkain at dinahan dahan na ang kilos. Baka isipin pa niyang patay gutom ako.
Matapos kong kumain naglinis na ako sa buong silid kahit na napaka linis at ayos naman nang lahat.
Nadako ang paningin ko sa isang larawan ng dalawang lalake na may edad na at isang napaka gwapong binata. Halos mangkasin laki lang ang bulto nito sa lalaking kasama ko at magkasing tangkad.
Napapitlag ako nang bigla nalang may humablot sa braso ko at ang nanlilisik na mga mata nito ang sumalubong sa akin.
Nangatog ang mga tuhod ko pero matapang kong sinalubong ang taimtim nitong pagtitig.
What do you think you're doing huh!
Napapikit ako sa bulyaw nito at tumilamsik pa ang laway nito sa mukha ko.
Hmm in fairness mabango ang hininga ng beast na 'to.
Get out!
Hindi ako natinag sa bulyaw nito bagkus napa halukipkip ako at tinaasan ito ng isang kilay.
Gulat ang lumarawan sa mga mata nito pero kalauna'y bumalik din sa madilim at nanlilisik nitong anyo.
Aren't you afraid of me?
Buo ang boses nito pero hindi na pabulyaw mag salita. Ngumiti ako at inilingan ito.
Why would i?
Ngumisi ito at ihinampas ang dalawang palad sa gilid ko kaya napasandal ako sa pader at na-corner sa bisig nito.
What if i'll teach you some lesson young lady let's see how brave enough you are infront of me.
Namilog ang mga mata ko nang unti unting yumukod ito hanggang mag pantay na ang mukha namin at nagkaka bungguan na ang tongki ng aming ilong.
Napalunok ako at nakaramdam bigla nang pagka uhaw habang nakatitig sa naka aanyaya niyang labi.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at ako na mismo ang naglapat nang labi ko sa kanyang labi. Mariin akong napapikit at yumapos sa kanyang batok.
Natigilan ito at 'di agad naka kilos kaya't masuyo kong iginalaw ang labi ko at pinalalim pa ang paghalik sa kanyang labi.
Para itong natulos sa harap ko at bakas ang gulat sa kanyang mga mata.
Ngumiti ako at idinampi ang hintuturo ko sa kanyang labi.
H'wag mo akong hinahamon hindi ako natatakot sayo. Isang bagay lang ang kinaka-takutan ko ang tuluyang mawala sa'kin ang mga magulang ko.
Yumuko ako at inalis ang braso nitong nakaharang sa gilid ko at kiming nagpatuloy sa pagpunas ng mga libro dito sa kanyang mga bookshelves.