* * Nica's POV * * Pagkalabas ko ng kusina, pinuntahan ko si Mina na nagdidilig ng mga halaman sa labas. Plano ko sanang magpasama sa kanya sa itaas kung tapos na siya sa ginagawa niya. "Mina," tawag ko sa kaibigan ko. "Oh, Nica, may kailangan ka ba?" tanong niya sa akin. "Matagal ka pa ba matatapos diyan?" tanong ko. "Oo, Nica, kakaumpisa ko lang kasi eh. Tinulungan ko pa si Rosita doon sa sala. Ewan ko ba kasi kay Blush On Megs na ‘yun kung bakit hindi siya pumasok. Alam naman niya na sa lahat ng trabaho niya kasama siya ni Rosita. Nag-iisa tuloy si Rosita sa mga trabaho kaya tinulungan ko muna. Pero teka, may kailangan ka ba?" "Ah, wala naman. Sige, kukunin ko lang yung lalabhan natin sa kwarto ni Mrs. Atienza, huh? Para matulungan din kita diyan," sabi ko habang nakangiti. Hindi

