"Mano po, Ma, Pa," sabi ni Nica habang nagmamano sa kanyang mga magulang pagkadating nila sa kubo. "Hi po sa inyong lahat, magandang tanghali," bati naman ni Mina habang nakangiti, sabay mano rin sa kanyang ama. "Mano po, Tay." "Oh, by the way, son, this is Roel, ang agriculturist ng Hacienda Atienza. Roel, this is my son, Dennis Atienza, and his friend, Billy," pagpapakilala ni Mr. Atienza. "Kinagagalak ko po kayong makilala, Sir Dennis at Sir Billy," sabi ni Roel, nakangiti habang nakikipagkamay kina Dennis at Billy. "Thanks, Roel," sagot ni Billy na may ngiti, habang si Dennis naman ay seryosong nakatingin lang kay Roel. "Oh, maupo na kayong lahat para makakain na tayo," masayang sabi ni Mrs. Atienza, kaya nagsipag-upo na ang lahat sa harap ng mahabang lamesa na puno ng pagkain. S

