NAIINIS PA rin ako pero kailangan kong gawin na pagsilbihan si Marcus bilang asawa ko. Totoong temporary lang naman ang pagiging mag-asawa namin ngunit sa mga mata ng mga tao ay may obligasyon ako sa kanya. Kumatok ako sa pinto ngunit walang tugon mula sa loob. Ipinahawak ko muna kay Angie ang tray saka ko pinihit ang doorknob. Pag bukas ko ay sumalubong ang madilim na paligid. Kinapa ko ang switch malapit sa pinto saka kumalat ang liwanag. Marahil ay nasa study nga si Marcus. Kinuha ko mula kay Angie ang tray at nagpaiwan na ako. “Sigurado po ba kayo, Madam?” tanong niya. Tila naninigurado. “Ako na ang bahala. Salamat ha?” “Wala pong anuman, Madam.” Tumango ako saka siya umalis. Marahan kong tinulak ang pinto upang sumara iyon. Tahimik akong humakbang hanggang sa marating ko ang stu

