KABANATA 6

1059 Words
WALA NA si Marcus nang magising ako kinabukasan. Nag-aagaw pa lang ang ng liwanag ang bukang-liwayway ay bumangon na ako ngunit ni anino ng lalaki ay hindi ko na nagisnan. Hindi man lang nagpaalam. Pinatay ko ang gasera at tinungo ang lutuan. Magsasaing na ako at noodles para sa almusal ko. Hinugasan ko muna ang kaldero saka nilagyan ng bigas. Sa tantiya ko ay dalawang araw na lang at maauubos na ang bigas kaya kailangan kong gumawa ng paraan. Nagpa-apoy na ako ng kahoy saka sinalang ang nahugasan ko ng bigas sa kaldero. Iniwan ko iyon at dumiretso sa mesa upang magkape. Medyo antok pa ako dahil hindi ako sanay matulog na may kasamang ibang tao sa kubo pero parang bula na lang naglaho ngayong umaga. Totoo nga kayang kasama ko siya kagabi? Baka ilusyon ko lang ‘yon? Ipinilig ko ang ulo ng ilang beses. Paanong magiging isang panaginip ang hindi ko nakatulugan kagabi? Kumatok siya, nilabas ko siya at pinapasok ko siya sa loob ng kubo. Kinausap pa nga niya ako e! Nagbuga ako ng hangin. Imposible kasi talaga na isang panaginip o guni-guni ko lang ‘yon. Bahala na nga! Ayaw ko ng isipin pa. Nilingin ko ang pinto na nakasarado pa rin. Ganoon na ba ako kagalit sa lalaking iyon dahil minumulto ako ng kayabangan niya? Natigil ako sa pagmumuni nang bigla na lang may kumaluskos. Pinakinggan kong mabuti kung nasaan ang pinanggalingan niyon. Sinikap ko na hindi makagawa ng ingay habang sinusundan ang kaluskos. Sa bawat paghakbang ko ay palapit ako ng palapit. Bahagya pa akong yumuko at mahinang itinukod ang mga kamay sa lupa na siyang nagsisilbing sahig sa kubo. Marahan akong gumapang hanggang sa maitapat ko ang taenga sa maliit na pintong kahoy ng banyo. Nasa loob ang kumakaluskos! Unti-unti na akong kumilos upang tumayo nang walang pasintabing bumukas ang pinto! Naiwan sa ere ang kamay ko kasabay ng pagbungad sa akin ng isang bulto na tumutulo pa sa tubig. Si Marcus! Wala siyang suot na pang-itaas samantalang nakatapis naman sa pang-ibabang katawan niya ang…tuwalya ko! Nagmistulang mini-skirt iyon sa kanya dahil sa laki ng kanyang katawan. “Ano’ng ginagawa mo riyan?” tanong ng lalaki. Sa tono niya ay parang siya ang may-ari ng buong lugar. “May gusto ka bang hawakan?” dagdag pa ni Marcus habang salit-salitang tinitingnan ang kamay ko at ang nakaumbok sa harapan niya. Nanlaki ang mga mata ko, sunud-sunod akong napalunok at sa pagkabigla ko ay mabilis akong umatras kaya napatihaya ako sa lupa. “Wa-wala! A-ano ang pinagsasabi mo?” Dahan-dahan akong umatras pa upang makalayo kay Marcus. “Huwag kang lalapit sa akin! Tata-maan ka ng kidlat kapag lumapit ka!” In an instant ay tumigil siya sa paghakbang. Nakatuon ang mga mata niya sa akin hanggang sa makarating ako mesa at doon ay unti-unting tumayo. Nakangisi na ang loko! “Ikaw, ikaw lang pala ang narinig kong kumakaluskos sa loob ng banyo! Ginawa mo pa akong detective!” bulyaw ko. “Ano ba ang ginawa mo at ganyan ang itsura mo?” Napa-sign of the cross ako ng wala sa oras. Pinag-krus niya ang dalawang kamay sa dibdib at nakangisi pa ring humakbang. Bawat pagtapak ng paa niya sa lupa ay tila may malalaking tipak na bato na dumadagundong sa taenga ko. Sa lakas niyon ay halos ikabingi ko na. Napahawak ako ng mahigpit sa kahit na mesa na tila iyon na lang ang tanging makakatulong sa akin. Napapikit ako ng mga mata. “Ano’ng problema mo? Bakit ka nakapikit?” Nagmulat ako na nakatunghay siya sa akin. Parang kakapusin yata ako ng hangin sa baga ko dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin! Mapanuri ang bawat titig niya na tila kaya niya akong lunukin ng buo sa pamamagitan niyon. Pakiramdam ko nanliit ako sa laki ng katawan niya… na nakahubad pa! “Pwede ba layuan mo ako!” Itutulak ko sana siya ngunit maagap niyang nahawakan ang mga braso ko. “Bitiwan mo ako kung hindi – “ “Ano? Sisigaw ka? Hihingi ka ng tulong?” Pumalatak siya. “Kanino? Ni wala ka ngang kapitbahay dito, e.” Ngumisi na naman ito na parang demonyo. “Walang makakatulong sa iyo sa oras na may gawin sa iyo ang sino mang tao na papasukin mo sa kubong ito.” “Huwag ka ng lalapit sa akin!” Tinuhod ko siya para tamaan sa maselang bahagi ngunit nakailag at ang tinamaan ay ang kaliwang hita. “Do you think I didn’t know what you’re up to? Lalaki ako at walang lalaki ang hindi nakukuha ang gusto sa ganitong lugar at pagkakataon.” Pagkatapos sabihin ay bigla niya na lang akong binitiwan. “Iyan ang sinasabi ko sa iyo kagabi. You’re a defenseless woman in a man like me.” Tumalikod na siya. “Talagang ang lakas ng tama mo, no? Hoy, Marcus! Ang kapal mo talaga para ipamukha sa akin na defenseless ako! Ikaw nga ‘tong parang nakakaawang sisiw kagabi e! Kung hindi lang sana ako naawa sa iyo ay hindi kita patutuluyin sa kubo ko!” Dinampot ko ang kutsarang pinangtimpla sa kape. “Tinakot mo pa ako. Akala ko kung ano ang kumakaluskos, ikaw lang pala! Ginamit mo na nga ang banyo pati tuwalya ko pa!” “Hiniram ko lang naman dahil naligo ako. Don’t worry, papalitan ko na lang.” Nagtaka ako sa ipinagbago ng tono ng boses niya. Akala mo talaga kinawawa e. “Iyan. Diyan ka magaling. Porke’t mayaman ka, may pera ka kaya balewala sa iyo kahit na kunin at gamitin mo ang mga bagay na hindi sa iyo. Lahat sa iyo madali. Para kang oras-oras nagpapalit ng panty.” Nakapamaywang siyang humarap sa akin. “Excuse me? Hindi ako nagsusuot ng panty.” “Talaga? Gaano ka ka-sure? Paano kung itinatago mo lang ang katotohanan na – “ Napasinghap ako nang muli na naman siyang humakbang. “Na ano, Zoie?” “A-ano pa nga ba?” Peke akong tumwa. “Sayang naman ang itsura mo kaya lang bingi kaa rin pala.” “Tell me. Ano ang katotohanan na sinasabi mo?” Mariin na ang pagkakasabi niya. Nakahinga ako ng maluwag nang huminto na ito sa paghakbang. “Ang katotohanan na sa laki ng katawan mo ay…isa kang bakla!” “What?”tanong niya na magkasalubong ang dalawang kilay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD