PAGKATAPOS NG matagumpay na pag-iisa namin ay binuhat ako ni Marcus. Dinala niya ako sa aming silid at tinungo ang banyo. Maingat niya akong ibinaba saka binuksan ang dutsa. Isla ngang maituturing ang lugar kung nasaan kami ngayon subalit halos kompleto na sa gamit na katulad na mayroon sa siyudad. Talagang pinaghandaan ni Marcus. Tinulungan niya akong basain ng mabuti ang mahaba kong buhok. Ganoon din ang ginawa ko sa kanya. Marahan kong hinawi ang buhok niya saka kinusot. Mahina lang naman ang pagbagsak ng tubig sa katawan namin kaya malaya naming napagmamasdan ang isa’t isa. Hindi pa rin ako gaanong sanay na nakikita ko siya na walang saplot samantalang siya naman ay tila mas gusto pa na napagmamasdan ang kabuuan ko. Marcus is different among men. Hindi ko naramdaman sa kanya na may

