NABAGABAG ANG loob ko. Parang gusto ko siyang yakapin. Hindi pa ako nakakita ng lalaking umiiyak because I thought it not their nature. Babae lang ang palaging umiiyak sa tuwing nasasaktan, may naaalalang mapanakit na karanasan at laging emosyonal. “Marcus,” I held his head. Nang magtama ang mga mata namin ay mas lalong ‘di ko kinaya siyang tingnan. Matiim niya akong tinitigan, tila binabasa ang laman ng aking isipan. He’s like a baby. May lalaki bang katulad niya umiyak? Ang gwapo, e! “Anong problema?” “Zoie, I need you,” tumaas-baba ang adam’s apple niya. Naguluhan ako sa sinabi niya. “What do you mean, you need me?” Bumundol na naman ang kaba sa aking dibdib. Kung minsan talaga, hindi ko maintindihan ang nais niya ipabatid kahit na simple naman ang English words na sinabi niya. Kai

