ISANG MALAKING food bowl ang pinaglagyan ko ng pagkain na inihanda ko para kay Marcus. Kinalkal ko talaga ang kusina para lang makapagtimpla ako ng kape, mainit ang ulam gayundin ang kanin. Mabuti na lang at ‘di ko nagising si Angie at mga kasamahan niya na marahil ay mahimbing ng natutulog. Alas dose ba naman ng madaling araw na, e! Nahiling ko na sana ay hindi ay gising pa si Marcus upang makakain man lang. Itinulak ko ang bahagyang nakaawang na pinto saka pumasok ako sa loob. Nakadapa sa kama si Marcus at nakatakip ang magulong buhok sa mukha. Sadako lang? Hindi ako takot sa mga multo pero ‘tong lalaking ‘to gusto talaga ako mamatay sa heart attack e! Nilapag ako ang dalang tray sa may bedside table at nilapitan ko siya. Maingat kong hinawi ang hibla ng mga buhok niyang tumakip sa m

