SINAWAY KO si Marcus nang hawakan niya ang kamay ko. Kulang na lang kasi buhatin na naman niya ako para lang ‘di raw ako mapagod. Kasalukuyan kaming naglalakad sa paligid ng bahay. Tinupad niya ang pangako niyang ito-tour niya ako sa isla. Gusto ko rin maging pamilyar sa buong lugar ng Isla Paraiso. Tunay na napakaganda ng isla. Matatayog ang iba’t ibang klase ng puno at puno ng mga halaman na siyang nagbibigay sa akin ng kaginhawaan. Sunu-sunod ko siyang inirapan. Halos ayaw niya kasi akong bitiwan simula kanina pa. Kahit nang matapos kaming kumain ng almusal ay ‘di niya tinigilan na papakin ang labi ko. Kung ‘di ko iiwas ang sarili ko marahil ay gawin niya na akong isang paslit na nangangailangan ng alaga niya. “Gusto lang naman kitang alalayan,” sagot niya. “Alalayan lang talaga?” Pi

