MATIYAGANG IPINALIWANAG ni Angie ang bawat bahagi ng napakalaking bahay kung nasaan ako ngayon. Nanatiling kasama namin ang tatlo pa na sina Manang Fe, Aling Selya at Aling Marta na nakaalalay lamang sa bawat kilos ko. Sa dalawang palapag ng bahay ay mayroong dalawang silid sa itaas at dalawang guest room sa ibaba. Mayroon ding isang malaing maid’s quarter kung saan sama-sama silang apat. Malinis ang buong paligid na halatang alagang-alaga ng mga ito. Lahat ng bahagi ng bahay ay pawang malalaki na kahit magtatakbo ay pwedeng gawin. Tinungo namin ang labas at ilang mga lalaki ang sabay-sabay na tumungo sa akin. Pagkatapos ay mabilis na tumalikod ang mga ito. Doon ko lang napagtanto ang suot kong damit-pambahay. “Sila po ang mga bantay dito sa bahay, Madam,” ani ni Angie. Bale sampu po si

