Nich POV Hindi ako makatulog habang iniisip ang sinabi sa akin ni Ninong Zach. Paulit-ulit na bumabalik iyon sa aking isipin. *"I love you!"* Mariin kong pinikit ang aking mga mata at pinilig ang sariling ulo. Bakit nga ba ako hindi makatulog? Hanggang ngayon ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko dahil kay Zach. Inlove na ba ako sa kanya? Huwag naman sana dahil alam kung may hangganan ang pagiging mag-asawa namin. Bumalikwas ako ng bangon sa kama at bumaba para kumuha ng malamig na tubig. Uhaw na uhaw ako. Sobrang nanuyo ang aking lalamunan. Hindi na ako nag-abala pang kumuha ng baso kundi uminom nalang ako sa pitcher. Ramdam ko na may mga matang nakatitig sa akin kaya mabilis akong lumingon. Huling huli ko si Zach na nakaawang ang bibig habang nakatitig sa akin. Ngayon ko lang napagtan

