Devion's pov Maaga akong nagising at isang tao agad ang bumungad sa aking tabi na ikinangiti ko naman Hinawakan ko ang kanyang muhka, napakakinis, at napakalambot ng balat nya at medyo mataba rin ang pisngi nya sarap pisilin Natawa ako ng mahina ng mas lalo syang napayakap sa akin kaya niyakap ko na rin ito ng mahigpit Masaya na ako dahil kasama ko na muli sya at ang anak namin. Sana lang wala nang humadlang pa muli sa aming dalawa Kumawala na ako sa pag kakayakap sa kanya dahil ako nga pala ang mag luluto ng agahan naming dalawa Pag katapos kong maligo ay bumaba na ako at naabutan ko doon si manang "Good morning manang" bati ko sa kanya "Good morning din hijo" balik na bati nya sa akin "Anong kakainin nyo ng asawa't anak mo?" tanong nya sa akin "Ano bang pwedeng kainin manang?"

