Stop begging to be loved. If someone truly loves you, you don’t have to plead for it, they will give it to you, completely. Luca’s Point of View NAGMAMADALI kaming dalawa ni Hel na mahanap ang iba para ipaalam sa kanila ang tungkol kay Spade at ang mga sinabi nito sa amin. Hindi ko alam kung dapat ba naming pagkatiwalaan ang mga sinabi niya but we can’t do anything right now but to take the risk. Hindi pa rin maialis sa isipan ko ang tungkol sa Bodhisattva Eye. Paano siya mabubuhay nito? Sino— “I’ll protect you,” Bumagal ang aking pagtakbo dahil sa malabong alaalang sumagi sa isip ko. Pakiramdam ko nga ay may hindi ako magawang maalala, na may malaking parte sa mga alaala ko ang nawawala. Gusto kong isipin kung ano iyon pero may parte sa akin na pinipigilan akong makaalala. Kumikir

