People aren’t afraid to fall in love; they are afraid to just fall with no one to catch and it will hurt them so damn bad. Luca’s Point of View “TOO BAD, hindi natin makakasamang magdinner iyong mga babae.” Sabi ni Alvis nang makaupo na siya sa pwesto namin. Kaming tatlo palang ang magkakasama. Ako, si Theo at si Alvis. Hindi ko na kasi alam kung nasaan sila Raven. Parang ang tagal na nang huli ko silang makita. “Luca, may itatanong ako sayo,” sabi ni Theo. Napatingin ako sa kanya at naghintay para dugtungan niya iyong sinabi niya pero hindi agad siya nagsalita. “Ano?” Tumingin siya sa akin ng diretso. “Hindi mo na ba…gusto si Hel? Ang ibig kong sabihin ay alam ko na gusto mo siya base na rin sa mga kinikilos mo noon pero kasi ngayon parang nag iba na ang lahat para sayo. Iba na iy

