Mr. Lorenzo Kingsley Araw ng linggo, pumunta kami ng Condo para madalaw ang Inay at dalawang kapatid ni Sabrina. Sinama namin si Tristan dahil walang may magbabantay sa bata. Binigay namin ang Lechon na ikinalungkot ng magkapatid na Matmat at Samsam dahil wala daw balat. Yon ang gusto ni Sabrina kaya wala silang nagawa. Pinaksiw na lang ni Tita Teresita para naman daw mas lalong magkalasa tapos yong iba pa ay ibibigay sa mga barkda ni Sabrina at Tropa nila Magna. Natutuwa ako dahil maayos na ang kanilang tirahan. Magaling na din si Tita Teresita mula sa kanyang sakit. "Ano ba ang nakita mo sa anak ko at nagustohan mo? Baka naman saktan mo lang siya, Iho", pahayag ni Tita ng maiwan kaming dalawa sa kusina. "Hindi ko po siya sasaktan. Nagustohan ko ang lahat patungkol sa kanya", sagot k

