Third Person P.O.V. "Sir Tristan, may nagpapabigay po ng mga pagkain sa inyo," sabi ng babae sa information desk. Lumapit ang bodyguard ng binatilyo at kinuha ang paper bag mula dito. "Throw it away," malamig na utos ni Tristan sa bodyguard. "Hala, sayang naman po!" bulalas ng babae nang ipatapon ni Tristan ang paper bag. Napatakip siya ng bibig nang tingnan siya ng matalim ni Tristan. "I don't eat food from people I don't know. Sa susunod, huwag na huwag kang tatanggap," sabi ni Tristan, kahit hindi niya alam na ang laman ng paper bag ay pagkain na galing sa Mommy Sabrina niya. Nalaman ni Sabrina mula sa babae na hindi tinanggap ni Tristan ang pagkaing pinabibigay niya, kaya gumawa ulit siya ng puto at suman dahil siya na mismo ang pupunta sa mansyon ni Daddy Enzo para ibigay ito. Ti

