Sabrina's P.O.V. Masayang kausap ng mga kaibigan ko at Tropa ni Magna si Sir Lorenzo habang kumakain na sa pabilog na lamesa. Panay ang tili ng mga ito sa kilig dahil gwapong-gwapo sila sa Amo ko. Malawak akong ngumiti habang pinagmamasdan sila. Hindi naman pala masungit si Sir Lorenzo. Mabait naman siya at marunong makisama kahit ang mga kaharap niya ay dating nakatira sa squatter at puro dukha. Maging kay Nanay ay nagmano siya at nakikipag kulitan din siya sa aking mga kapatid. Panay ang pa picture ni Samantha na paniguradong ipagyayabang niya sa mga kaklase sa skwela. Ganoon din ang kapatid kong bunso na may pa thumbs up sa pakikipag selfie kay Sir, Lorenzo. Napakiyom ako ng mga labi ng makita si Agila na kakalabas lang mula sa Comfort room. Bigla akong na guilty. Kinausap ko si Agil

