Mr. Lorenzo Kingsley Isang tawag ang natanggap ko mula sa Ospital. Nanginig ang katawan ko at namula ang mukha sa galit ng sabihing kailangang maoperahan agad si Sabrina dahil sa tama ng bala sa binti at sa kanyang tiyan. Halos paliparin ko ang kotse makarating lang agad sa Ospital. "Where is She? Kumusta ang lagay niya! Tell me!", sigaw ko sa mga Nurse na nandoon. "Kasalukuyan po siyang nasa operating room. Kumalma muna kayo, Sir", sabi ng isang Nurse. "Paano ako kakalma? Oh God, please, save her" , pigil ang pag-iyak kong sabi habang nakahawak sa aking ulo. Naupo ako sa waiting area habang nakayuko at nanginginig ang katawan dahil sa sobrang takot na baka may mangyaring masama sa kanya. Tinanong ko ang Nurse kung ilang oras aabotin ang operasyon. Mga tatlo hanggang apat na oras d

