Third Person P.O.V. Unang araw ng Pasok ni Sabrina bilang first year college student. Iisa lang ang skwelahan nila ni Tristan kaya siya na mismo ang humahatid sa bata tuwing umaga dahil half day lang naman si Tristan. Sinusundo ito ni Yaya Loling tuwing uwian Mamahalin ang skwelahan kung saan siya pina enroll ni Enzo. Ayaw niya sana doon dahil pang mayaman ngunit wala siyang nagawa dahil ang Single Dad ang nag desisyon. Kinakabahan si Sabrina dahil first time niyang makapasok sa isang mamahaling skwelahan. Natitiyak niyang mayayaman ang kanyang magiging kaklase. Lahat ng mga kaklase niya ay nakatingin sa kanya ng makapasok na sa classroom. "Good Morning", nakangiti niyang bati sa mga ito ngunit tinaasan siya ng kilay ng mga babae niyang kaklase. "May nakaupo na dyan", mataray na sabi

