Third Person P.O.V. Dalawang larawan ng babae ang nakita ni Sabrina sa may lumang kwarto na nagsisilbing bodega ng Mansyon. Nakapasok siya doon dahil naglalaro sila ni Tristan at ng ibang kasambahay ng Hide and Seek. Nagtataka niyang nilabas ang dalawang frame para itanong kay Yaya Loling kung sino-sino ang mga babaeng iyon. "Jusko bitiwan mo yan, Sabrina, baka makita ka ni Sir Lorenzo", nag-aalalang sabi ni Yaya Loling sabay kuha ng dalawang frame sa dalagita. Binalik ng matanda ang dalawang litrato sa loob ng bodega. "Pacensya na po, Yaya Loling,pero gusto ko pong malaman kung sino-sino ang nasa Photo Frame", nagtatakang tanong ni Sabrina. Hinila siya ng matanda papasok sa isang Silid. "Lately ko lang nalaman na dalawa pala ang naging asawa ni Sir Lorenzo", bulong ng matanda. "Dal

