Third Person P.O.V. Kinabukasan, masakit ang ulo ni Sabrina nang magising. "Saan ka ba galing kagabi,anak? Alas tres ka na ng umaga umuwi," may pag-aalalang tanong ng Nanay ni Sabrina. Bumangon si Sabrina mula sa higaan habang kinukusot-kusot ang mga mata. Napahawak din siya sa kanyang ulo dahil sa sakit na dulot ng alak na kanyang ininom kagabi. "Pasensya na po, Nay. Nagkayayaan lang po kami nila Kikimora at Starla kagabi," sagot niya sa Ina. "Saan naman kayo pumunta? Baka nag-bi-benta ka na rin ng laman tulad ng ginagawa nila Tililing? Masama yan, anak. Disi-otso ka pa lamang," nag-aalalang sabi ng kanyang Nanay. "Hindi ko po gagawin ang bagay na 'yan, Inay. Huwag po kayong mag-alala," pagbibigay-assurance ni Sabrina sa Ina. "Mabuti naman, anak. Mahirap pa tayo sa daga, pero huwa

