KABANATA SINGKO
—
Joshua's POV
• • • • •
MARAMI kaming pinuntahan na tatlo. Hindi ko alam kung bakit sa kanila ako magaan kapag kasama. Since bata pa nga kami ay sobrang close na naming tatlo. May minsan pa ngang nagpapakita kami sa isa't-isa ng mga b***t namin. Nung 'di pa kami tuli at tuli na. Nakaka-ilang namang isipin iyan. Brrrr.
Kahapon yong gumala kami. Maraming pinuntahan namin na nagpabalik ng aming masasayang pagsasama. Nandun ang sapa ni mang Leonor. Dun kami araw-araw naliligo at nagtatampisaw. Ang palayan ni manong Derio. Dun kami naghahabolan tsaka malapit lang dun ang puno ng mangga. Hitik pa rin sa bunga hanggang ngayon. Basta marami kaming pinuntahan.
Nakaka-miss lang ng kunti ang nangyari noon. Pero hindi yong sa amin ni Caliber. 'Di pa rin ako maka-move on dun, eh. Hayst.
Bago sila umalis ay binigyan ako ni Warren nang isang bracelet na puro beads. Buti na lang puro black kasi kung nagkataon na hindi ay 'di ko tatanggapin. Baduy kaya kapag makukukay ang bracelet. Parang ang girly lang tignan. So, yon na nga. Tsk. Gusto ko naman s'ya. Haha.
Nandito ako sa kwarto ko ngayon habang nagbabasa ng libro. Eh, walang magawa sa baba kasi nandun ang mga bruha. Pati yong dalawang kambal. Ewan ko kung saan yung si Caliber. Paki ko ba? Hayst. Tas ayaw ko namang manood ng telebisyon kasi medyo pangit ang palabas ng mga channels ngayon. Hinihintay ko ngang bibisitahin ako ng dalawang mokong, eh. Or si Apollo.....? I don't know.
Sa gitna ng aking pagbabasa ay biglang bumukas ang pinto ng aking silid; kaya nilingon ko ito ng may bored na emosyon. Bwesit rin 'tong nambubulabog at pumapasok sa kwarto ko, eh, noh. 'Di man lang kumakatok. Tsk.
"Joshua, nandito ka ba?" bulong na boses ni Caliber ang narinig ko nung bumukas ng kunti ang pinto. Bwesit. Speaking of the devil. Hayst.
"What? Anong sadya mo sa'kin?" salita ko sa kanya.
Bigla namang bumukas ng malaki ang pinto at pumasok na ito nang tuloyan. Bihis na bihis na ito at mabango nung nakita ko. Shet. Na-iilang ako sa pabango n'ya at tindig ngayon. Tsk.
"Magbihis ka, may lakad tayo," diretsahan nitong ani. H-huh? Lakad?
"Ano? Lakad? Wala naman akong natatandaang pupuntahan na lakad, ha?" nagugulohan kong ani rito. Tama, anong ibig sabihin nito? Hayst.
"Sasama ka sa'kin papunta sa barkada ko. Tsaka ipapasyal rin kita dito sa probinsya natin. Kaya magbihis ka na," mahabang salaysay nito sa'kin. H-huh? Nahihibang na ba s'ya? Kailan pa ako sasama sa kanya? Tsk.
"Wag na lang. Tsaka ayokong lumabas ngayon, noh. Tsk," pag tanggi ko sa kanya. Asa s'ya, 'di ako sasama sa kanya, noh. Hayst.
"Talaga ba? 'Di ka na ba mapipilit? Kahit ngayon lang, oh. Sama ka sa lakad namin. Masaya namang kasama yong mga barkada ko, eh. It'll be worth it," pagpupumilit pa rin nito sa'kin. Argh. What's the point kung sasama ako sa kanya anyway? Tsk.
"Oo na. Sama lang diba?" pagpayag ko sa huli. Nakaka-ilang namang sumama sa kanya lalo na't di ko makalimutan yong nangyari sa'min noon. Kuminang ang kanyang mata sa narinig.
"Talaga? Yes! Magbihis ka na tas magdala ka ng ka-unting damit at gamit na gusto mong dalhin. Hintayin lang kita sa labas. Dalian mo, ha?" nakangiti nitong ani at lumabas na sa silid ko. Tsk. Ang saya n'ya na sasama ako, ha. Whatever.
Kahit 'di ko gusto ay pumanhik ako sa dresser ko at kumuha ng panlakad na damit. Isang fitted jeans at black and white shirt na may bulsa sa chest part. Agad kong isinuot ang mga ito at nagpabango. Mahirap na, noh, kanina pa ako naligo, eh. Maliligo sana ako kaso baka nagmamadali si Caliber. Tsk.
.
.
.
"Guys, ito nga pala si Joshua. Yong binabanggit ko sa inyong pinsan ko. Joshua, mga barkada ko," pagpapakilala ni Caliber akin dun nga sa mga barkada n'ya.
Maayos silang manamit at porma, mga mayayaman tignan. Lahat sila may hitsura, actually. Ang lamang sa nakikita ko ay yong naka-grey shirt tsaka grey pants sa panbaba. His beauty stands out among sa kanilang apat. Ang gwapo nga n'ya naman. Kung marupok lang ako ay magiging crush ko ito pero 'di ako ganun. Hayst.
"Hi! Sa wakas at nakilala na rin kita. Binabanggit ka kasi nitong si Caliber minsan. Ikaw pala yon," sabi nung isa sa kanila habang lumalapit sa'kin. Naka-leather jacket ito with black plain shirt na panloob and with jeans underneath. "Ako nga pala si Colby, Colbert Contreras. Nice to meet you." nakangiti n'yang lahad sa kamay nung nasa tapat ko na ito.
Tatanggapin ko ba ang kamay n'ya? Tsk. Kaya sa huli ay tinanggap ko na lang. Hayst.
"Josh, Joshua Sydrei Urbiztondo. Nice to meet you rin," tipid na ngiti lang ang ibinigay ko rito. Gwapo nga rin naman ito. Nakaka-attract sa kanya yung makapal na kilay n'ya. Jeez.
"Good. Wag kang ma-iilang sa'kin, ha?" nakangiti n'yang sabi habang patuloy pa rin kami sa pag shake hands.
"And ako naman si Charles, Charles Rico Flores. Nakita na kita noon, eh. Familiar ang mukha mo," sabi nang isa sa kaibigan ni Caliber habang pinalitan ying si Colby. Tinulak n'ya pa ito patabi, ha. Tsk. Ibang klase.
"Really?" tanong ko rito.
"Yup. Ah, na-alala ko na. Ikaw yong future husband ko. Kaya pala," naging ani n'ya sa'kin.
Seriously? Nagbibiro ba 'to or bumabanat? Tumawa naman ang iba sa kanyang barkada, pati si Caliber. Hayst.
"Talaga? Para ka pong bula, kuya," ani ko rito. Kumunot naman ang noo n'ya sa'kin nung sinabi ko yon.
"H-huh? Bakit?" nagugulohan n'yang tanong sa'kin.
"Kasi gusto kitang putokin para mawala ka na sa mundong ito. Tsk," sabi ko nitong prangka. Tinawanan naman nila itong si Charles dahil sa sinabi ko.
"Burn. Haha."
"Banat pa more. Haha."
"Ayan kasi. Haha."
"Nice. Haha."
Yan at iba pa ang tukso nila sa kanya. Blank face lang ako sa harap n'ya. You can't read my poker face, bastard.
"Heh! Tumahimik nga kayo, pagbabatohin ko kayo d'yan, eh. Mga bwesit," sigaw ni Charles sa kanyang kasamahan. Lalo namang tumawa ang mga barkada nito.
"Joke lang po yon, ha? Baka seryosohin n'yo. Peace," pagsalita ko sa kanya habang naka-peace sign, kaya nilingon naman ako nito. Shet. Ang seryoso ng mukha n'ya.
What the.....?
"Sinong nagsabing lolokohin kita? Seryoso ako sa'yo, hoy. Ako ang pakakasalan mo sa tamang panahon," ani nito na sobrang seryoso. Bumabanat pa rin ba ito or seryoso na? Ewan ko nito. Tsk.
"Believe me, I'm not worth it for someone's love. Tsaka nasa nature n'yo nang mga lalaki na iiwan at sasaktan kami. Kaya no, thanks," ani ko rito na seryoso rin. Tsk. 'Di naman talaga ako kabagay-bagay na mahalin, eh.
"Mali ka, mali yang ini-isip mo. You just have to find the right one na kahit anong tukso nito sa kanya ay sa'yo pa rin ang tingin n'ya. Yong kahit maraming magaganda at mga sexy sa paligid ay ikaw at ikaw lang ang gusto nitong makita sa mata nito, wala nang iba.
'Di porket sinaktan ka nang isang lalaki or ano ay ganyan na rin ang ibang lalaki. Iba iba ang perspekto naming mga lalaki. Kaya subokan mong ako ang mahalin mo. Lubos lubos ang ibibigay ko sa'yo," mahabang salaysay nito na nagpatahimik sa paligid. Seryoso s'ya? Tinitignan lang nila kami ng mariin. I don't think nagloloko na s'ya ng kanyang sinasabi. Haha.
"Okay. Maganda ang punto mo. Pero 'di natin alam kung mapapatunayan mo yan or ano. Ang iba kasi sa inyo ay hanggang salita lang, wala sa gawa. Puro kayo pangako pero 'di naman tinutupad. Ang iba sa inyo ginagawa lang kaming palipas oras. Para-usan, konbaga. 'Di n'yo lang man iniisip ang epekto sa'min nito. Kaya 'di pa rin kayo makapaniwalaan. Pare-pareho lang kayo. Kaya no, thanks," ani ko rin ditong seryoso. Sabihin n'yo mang bitter ako, pero I'm just being cautious. Mahirap nang masaktan at umasa sa maling tao, noh. Tsk.
"Hoy! Tama na yan. Ba't ba kayo nagde-debate? Parehas kayong may tamang opinyon, kaya tie kayo parehas. You may kiss the bride. Woohoo!" pamamagitna nung isa sa barkada nila. Nagtitigan pa rin kami nitong Charles sa isa't isa. Tumitig ito sa mata ko hanggang napadako sa mga labi ko. Shet.
"Gago. Kiss the bride ka d'yan," batok nung kasamahan n'ya rito sa nagsabi nun.
"Okay. Before that, arat na tayo?" salita ni Caliber sa kanila at naputol na ang aming titigan nung Charles. Tsk. Paasa rin ito sa ibang tao, eh. Kitang-kita naman.
Tsk. Bakit ba kasi ako sumama sa barkada nitong si Caliber, eh? Sana 'di na lang ako pumayag. Hayst. Pero wala na akong magagawa kasi nandito na nga ako. Tsk.
"Ayos! Arat na. Woah!" excited na sigaw nung Colby. Tsk.
May motor sila at kotse. Si Caliber naman ay kotse ang sinakyan namin papunta rito. May sarili kasing Ford Everest itong si Caliber. Tsk. Asan ba talaga kami pupunta? Ano kasing mga pangalan sa iba sa kanila, eh? Tsk. 'Di man lang natuloy ang pagpakilala dahil sa waley na banat nitong Charles na ito. Tsk.
Agad ko namang nilapitan si Caliber kahit na-iilang. Kanina pa talaga ako na-iilang sa kotse pa na kaming dalawa lang. Bwesit kasi yang past na yan, eh.
"Sakay ka na rito," nakangiti n'yang ani habang binuksan ang passenger seat ng kanyang kotse. Oh, okay. There's no choice that I can choose, anyways.
"Hoy, Josh! Dito ka umangkas sa'kin! Dali!" sigaw ng boses sa'kin. Nilingon ko naman ito at nakita ko si Charles na nasa kanyang motor. Ito na bang chance para maka-iwas ako kay Caliber?
"Pwede ba?" ani ko kay Charles at tinignan si Caliber. "Okay lang ba sa'yo na sa kanya muna ako sasakay? Matagal-tagal na kasi akong 'di nakasakay ng motor, eh." pagpapalusot ko. Totoo namang matagal na akong 'di nakaangkas ng motor. Dito pa yata yon sa probinsiya namin. Hayst.
"Sige, kung yon ang gusto mo," nakangiting payag ni Caliber, pero kita mo ang dismaya sa mukha n'ya. What's with that expression?
"Yes, salamat. Sa kotse mo naman ako sasakay pa-uwi, eh. Hehe," ani ko rito bago pumunta sa kinaruruonan ni Charles. Sa wakas, makakasakay na ulit ako ng motorsikli!
"Angkas na," malaking ngiti na sabi n'ya sa'kin.
Walang pag-aalinlangang umangkas ako sa likoran ng kanyang motor. Umabot sa ilong ko ang panlalaki n'yang amoy. Mabango naman s'ya, medyo 'di nakaka-ilang. Hinawakan ko agad ang balikat n'ya para pang suporta. Baka kasi malakas magpa-andar 'to at tatalsik ako.
"Sa bewang ko ka humawak. Baka tumilapon ka pag-andar ko," ani nito sa'king nakangisi. Anong ini-isip ng gagong ito? Tsk. Sinunod ko na lang s'ya at pinulupot ang braso sa kanyang bewang.
"Ayan na, ha. Wag ka namang magpapaharorot kahit nakapalubot na ako sa bewang mo, ha. Makakatikim ka talaga sa'kin," mariing pagbabanta ko sa kanya. Makikita n'ya talaga. Tsk.
"Edi ipatitikim ko rin ang sarili ko sa'yo. Haha," biro nito sa'king sabay tawa pa, kaya binatukan ko naman. "Aray. Ito naman, oh. Oo na, basta kapit ka lang. Magtiwala ka sa'kin," ani nitong seryoso. Buti naman kung ganoon.
"Sige na, ipa-andar mo na!" excited kong ani sa kanya. Yehey!
Ini-start na n'ya ang makina kaya umandar na ito. Matapos yon ay penedal n'ya ang primero ng clutch, kaya nagsimula na kaming umandar at papunta kung saan 'di ko alam. Tsk. Ano ba yan. Tatanongin ko na lang sa kanya habang nagmamaniho s'ya.
Kasalukuyan kaming bumabyahe kung saan lupalok kaming lugar pupunta. Tsk. Ayaw sabihin nitong mokong, eh. Tang-ina n'ya talaga.
"Ba't ba ayaw mo sabihin sa'kin kung saan tayo papatungo? Mambabae kayo, noh? Sa bar, strip club?" Na-iinis kong usisa rito. Tsk.
"H-huh? Haha. May babae na kaming kasama, noh. Ba't pa ba kami mambabae? Tsaka 'di tayo pupunta sa bar, ito naman. Lalo na sa strip club," natatawa nitong ani.
H-huh? Wala naman akong nakikitang babae na kasama namin kanina, ha? Meron ba?
"Ilang babae ang kasama natin?" tanong ko rito.
"Isa, at angkas-angkas ko s'ya ngayon," seryosong ani nitong mokong. H-huh? Ako bang ibig sabihin nito? Walang pag-aalinlangang binatokan ko s'ya, kahit nagmamaniho pa s'ya. Tsk.
"Gago ka talaga. Tinatanong kita ng maayos tas ginagago mo ako ng sagot. Ihinto mo 'to, bababa ako! Hayst," sermon ko rito. Tumatawa lang ang gago. Hayst.
"Ito naman, 'di na mabiro. Pero honestly, ang ganda mo nung nagbihis babae ka. Parang na love at first sight nga yata ako nun, eh. Kaya napag-isipan kong liligawan kita pag nagkita na tayo," seryoso na namang ani rito. H-huh? Paano n'ya nalaman na nagbihis babae ako? Bwesit na cross dressing, pahamak.
'Di naman yata yon kinalat ng nga bruha, 'di ba? Or nakita n'ya ba kami sa Amusement Park? 'Di ko naman s'ya nakita, ha? Or 'di lang s'ya lumapit sa'min? Tsk.
"Nalilito ka, noh, kung paano ko nalaman? Pinakita kasi sa'min ni Caliber yong litrato n'yong dalawa sa Amusement Park. Kaya namangha lang ako nung masilayan ko yong maladyosa mong mukha," biglang pagsalita nito ulit na akala mo ay nabasa n'ya ang isip ko.
Ah. Shet. Pinakita talaga ni Caliber sa kanila yong litrato namin? Buti 'di s'ya masyadong intimate sa litrato naming iyon. Jeez.
"Ah. Eh, ano naman sa ngayon? Pinilit lang ako nung mga bruha na mag-ayos ng ganun. Tang-ina talaga nila. Eh, 'di nila ako isasama sa gala nila kung 'di ako mag cross dressing, eh. Tsk," mahabang pahayag ko rito. Tumawa naman s'ya. Tsk.
"Talaga ba? First time mo yong magbihis babae ano?" tanong nito sa'kin.
"Nope. Pero nakaka-ilang lang, sobra," sagot ko nito na parang maduduwal. Tumawa naman s'ya sa ginawa ko.
Tapos...... heh! Yong aksidenteng hinalikan ako ni dad. Huhu. Pinapabagabag rin ako sa ala-alang iyon.
"Maganda ka naman, eh. Pero kahit anong ayos mo ay tatanggapin kita. Sino ba naman ako para manghusga? Pero ma-iba tayo, ilan na naging jowa mo? Naka-try ka na ba ng pakiki-relasyon sa kapwa lalaki? Yong totoo, ha," ani rito habang patuloy sa pagmamaneho. Ba't ba interesante sila sa lovelife ko? It's not like may lovelife ako, noh. Haler.
"Maganda mong mukha mo. Pero honestly, I'm NBSB. Single since birth, and I'm proud of it. Mabuti nang single ka kaysa sa umiyak ka ng isang bakya d'yan dahil sa sinaktan at pina-asa ka ng isang lalaki. Or babae. Tsk," sagot ko nito. Juice colored.
"Luh. Talaga? Ba't ba ang negative mo about sa lovelife? 'Di nga kasi lahat ng lalaki sa paligid mo ay magkaparehas. Oo, gago ako, pero 'di ko kayang manakit at manurog ng puso. Hintayin mo, mapapatunayan ko rin yan. Not now, but soon. Very soon," seryosong wika n'ya. Tsk. Ayan na naman s'ya, eh. Mangungumbinsi ng mga bagay na 'di kayang patunayan.
"Tsk. Puro lamang salita wala sa gawa," sabi ko rito tas kinanta ang sunod na kataga. "'Di ako paulit-ulit mangangako, sinta. Dahil hindi ako yong tipong puro lamang salita. Pag sa akin ka umo-o saka ko sa'yo ipapakita ang tunay na ibig sabihin nang mahal kita," kanta ko sa linya ng Huwag Siya ni Donnalyn Bartolome at Shehyee.
Shet. Yan rin yong kanta na ikinanta ko noon nung first time ko mag cross dressing. May naka-duet pa nga ako d'yan, eh. Shet.
"Wow. Ang ganda naman ng boses mo kahit natatakpan ng hangin," puri nito sa akin. Tsk. "Na sa'yo na ang lahat, minamahal kitang tapat. Na sayo na ang lahat, pati ang puso ko," kanta nito sa akin. Tsk. Maganda nga naman ang boses n'ya. Mahusay.
"Tsk. Pasikat," irap ko rito.
Napansin ko na lang na dumadaan na kami sa malaking tulay papunta sa isang isla. Wait, mukhang mag a-island hopping yata kami. Hmmm. Maganda yata 'to. Nakakita nga naman ako ng bike sa trunk ni Caliber pati sa barkada n'ya. Tsk.
"Na-inlove ka naman sa boses ko," pag mamayabang ng mokong. Gago n'ya talaga. Hayst.
"Asa ka, wala, noh. Para ka ngang asong ulol, eh. Tsk," pag inchapwera ko rito.
"Anong asong ulol? Nanglalait kasi may boses na parang anghel at masarap pakinggan. Na sa'yo na talaga ang lahat," pag mamaktol nito. Gago talaga nito, eh, noh.
Ako? May boses na anghel? Kailan pa? Haha.
"Anghel ka d'yan. Binobola mo na naman ako, eh, noh. Mambobola talaga kayong mga lalaki. Tsk. 'Di maaasahan," ani ko rito.
"Luh. 'Di naman ako nambobola, ha? Totoo kayang boses anghel ka. Tas 'di nga kasi lahat ng lalaki mambobola. Sometimes they just spoke what their hearts says towards you," explaine nito sa'kin. Hayst. Ewan ko rito. Tsk.
"Ewan ko sa'yo. May jowa ka na ba sa ngayon?" nabwebwesit kong tanong rito.
"Wala naman. Ba't mo na-itanong? May plano kang jowain ako, noh? Ang swerte ko naman pag nagkataon. Ako yung first jowa mo. Maybe first s*x? Haha," ani nito. What the? Anong pinagsasasabi nito?
"Gago. Baka kasi may niloloko ka sa ngayon dahil sa pinaggagawa mo sa'kin. Tsaka, yuck! I promised myself na marriage first, before s*x. 'Di lang puso ang ibibigay ko sa kasintahan ko kundi virginity ko rin. Tsk," mahabang pahayag ko rito.
"Talaga? Ang swerte ko naman. Kaya kailan kasal natin para maka-honeymoon na tayo?" sabi nito na medyo nagbibiro. Kahit kailan talaga 'to. Tsk.
"Kasal ka d'yan. p**e mo, noh. Pagmumukha mo pa lang ay 'di na ma-aasahan. Gwapo ka kaya maraming magiging kabit mo. Ang hirap mong bantayan sa ibang nag-aaligid d'yan," sabi ko nito habang nilingon ang sign ng WELCOME TO KLAVANDRO ISLAND.
Hmmm. Isang beses lang yata kami nakapunta rito. Tanda ko pa yon. Maganda naman rito lalo na kapag mag stargazing ka. Oum.
"Nasasabi mo yan kasi 'di mo pa nasubokan. Sagutin mo kasi ako. Promise, worth it ang pagsagot mo sa'kin," sabi nito sa'kin na parang nagsusumamo.
"Eh, nanliligaw ka ba? 'Di naman, 'di ba? Tsaka nagustohan mo lang ang bahagi ko kung saan 'di ako yon. 'Di mo gusto 'tong totoong ako," sabi ko sa kanya.
"'Di mo ba napapansin? Kanina pa ako I'm into you. Tsaka I like your humor, not just your looks. Sincere ako sa mga sinasabi since kanina pa. Except sa biro kong kunti lang. Gago ako pero 'di ko gagagohin ang relasyon na'tin. Seryosohin kita. Just please, think about it. Malay mo, na'tin, ako na pala ang makakasama mo habang buhay. 'Di ba?" mahabang salaysay nito. Dapat na ba akong kiligin nito?
"Maybe. 'Di na'tin hawak ang kinabukasan. Darating rin tayo sa panahon na kung saan makikita na'tin kung tayo ba talaga sa isa't isa. But for now, kailangan muna nating malaman ang isa't-isa. Dapat alam natin ang isa't-isa bago tayo papasok sa isang relasyon," sabi ko rito. Hayst.
S'ya na ba talaga ang para sa'kin? Or si Apollo iyon? Or may dadating pa ba? Or dumating na s'ya sa buhay ko?
Huminto ang mga nasa unahan naming barkada n'ya kaya huminto rin ang motor namin ni Charles malapit sa kanila. Oh, nandito na pala kami. Great.
Itutuloy..........