Chapter 9: The Confession

3945 Words
Eunnie's POV Halos hindi ako maka get over sa nangyari kanina. Hanggang ngayon sa byahe ay hindi kami nag pansinan ni Hideo tapos sa back seat narin ako umupo kasi parang lalamunin ako ng kahihiyan pag sa tabi nya ako umupo. Super ramdam ko yung adrenaline kanina, since first kiss ko yun at hindi ko alam kung magagalit ako o hindi kasi knowing hindi sya totoong tao at matagal ko ng hinahangad na makita sya in person pero iba parin pala talaga pag andun na, yung nasa harap mo na. Ibang-iba sa expectation ko kasi wala naman syang pasabe kung ano kami kasi ang alam ko lang talaga ay mag kaibigan kami pero bakit sya ganto. Napaka lakas ng aircon pero feel ko talaga yung pawis na tumutulo mula sa noo ko, gusto ko na nga lang sana ibangga tung sasakyan tapos magka amnesia kami pareho para hindi na namin yun maalala e. I really thought I'll die of a respiratory arrest which would be a very lame death. Hanggang ngayon nag a-auto flashback yung utak ko kahit anong gawin kong pag limot. Nagpapanggap na nga lang akong natutulog dahil ayokong makita man lang sya na tumingin sa rear-view mirror. Utang na loob! Ganun pala feeling pag nahalikan ka but may meaning ba yun? I mean, kissing is what our body subconsciously decides and it cannot guarantee that the person has feelings for you. Until now, my heart rate speeds up everytime kusa yung bumabalik sa isip ko without my consent. Minsan din pala, tinatraydor ka ng sariling utak mo, yun bang ayaw mong isipin ang isang bagay pero talagang pinaglalaruan ka ng utak mo. *** Nagising ako dahil sa hangin na nararamdaman ko sa mukha ko. I slowly opened my eyes and saw something in front of me pero malabo pa ito since kakagising ko lang. I rubbed my eyes to have a clearer vision and my eyes widened when I realize it's a person staring at me smiling and trying to act cute. "I hope you had an amazing dream" aniya, napasigaw naman agad ako at pati sya ay nagulat. Anak ng! "MARISAAAA!" Sigaw ko sa kanya at muntikan na itong masipa "Over maka react ah? Parang nakakita lang ng multo." sagot nya sakin. Tiningnan ko ang paligid at nakitang nakarating na pala kami dito. Malapit narin dumilim, kaya napaisip ako gaano katagal ang tulog ko. "Ba't ka pala andito sa loob?" tanong ko sa kanya at inayos ang sarili ko. "Sabi kasi ni Hideo kunin ko daw sayo yung pinamili nyo. Ewan ko nga bakit ako pa yung inutusan, pwede nya namang dalhin yun. At ayun nga, nakita kitang nakatulog at napansin ko ang cute mo pala matulog no? Kahit tulo laway ka ang cute parin. Yan talaga ang isang Eunnie Yang!" sagot nya na sobrang proud pa. "Walang hiya ka talaga. Kaya di kayo nagkakasundo ni Ion e." sabi ko at hahampasin na sana sya pero agad sya naka labas sa kotse at tumakbo papunta sa direksyon nila Hideo. Napahinto naman ako agad nang nagtugma ang aming mga mata. Agad akong nag iwas ng tingin at saka ko lang din na realize na nakakabit pala sakin yung scarf na binigay samin kanina. Kailan to andito sakin? Wala akong maalalang sinuut ko to kanina e. Habang pinipilit kong isipin kung bakit andito to sakin ay nagsalita si Marisa. "Ang cute ng scarf na isinuut ni Hideo sa'yo, pero dahil sya rin nag bigay nitong sakin, hindi ko narin to lalabhan hehe." sabi nya tapos tumili. So isinuut ito ni Hideo sakin? Pero kelan? "Kunwareng natutulog para kabitan ng scarf e. Galawang Eunnie Yang talaga, sus!" dagdag nya sabay sundot sa tagiliran ko. "Pambihirang babae talaga." bulong ko at napairap. Lumapit ako sa kanila pero hindi dun sa malapit ky Hideo dahil hindi ko talaga ma c-carry na tumabi sa kanya after sa nangyari kanina. Mukhang wala rin naman silang alam kasi hindi nila yun nababanggit at sure naman ako pag may nasasagap na balita si Marisa ay hindi nya yan itatahimik lang, paniguradong kakalat yan, yan ang papel nya e! Kasalukuyan silang nag hahanda para sa pag BBQ namin. Yung uling na binili namin ay nakalatag na tapos ang karne ay nakahanda narin. "Ahm, Eunnie, pwede bang kayo gumawa sa bonfire? madali lang din naman yun e, alam kong kaya mo yun." sabi ni Ion sakin kaya napatango naman ako. Tama, mas maganda yung iba yung ginagawa namin ni Hideo mula sa isa't isa para hindi ko masyadong maramdaman ang awkward atmosphere. Agad naman kami nag bitbit ni Marissa sa mga kahoy na gagamitin namin tapos binitbit ko narin yung lighter na gagamitin din namin. "Bilisan natin kasi malapit ng gumabi." Tama nga rin naman si Ion kaya nagmadali na kami kasi para mas ma enjoy namin yung time mamaya. "Teka, pansin ko lang, parang may kakaiba ngayon e." sabi ni Marisa at napaisip. "May nangyari ba kanina na hindi namin alam?" tanong nya kaya nanlaki ang mga mata ko. "A...anong i-big m-mong s-sabihin?" tanong ko pabalik. "Parang himala yata ngayon at naghiwalay yung intistines nyo? Parang magkarogtong na buhay nyo dalawa e!" Marisa answered then crossed her arms. "oo nga no? Bro, may nangyari ba?" tanong naman ni Ion ky Hideo. Tumingin naman si Hideo sa kanya na parang na h-hot seat. Hindi pwedeng mahuli kami dito no, ayoko ng issue! "Alin dun?" sagot ni Hideo kaya halos lumabas eyeball ko nung narinig yun. Napa nga-nga naman si Marisa at halatang curious na. "Ibig ko sabihin, maraming nangyari dun kanina, kaya san ba dun yung gusto nyong malaman?" "Para kasing hindi kayo nagpapansinan ngayon e." sagot ni Marisa. "Anong hindi nag papansinan?" Tanong ni Hideo sa kanila tapos ngumisi. Lumapit sya sakin at inakbayan ako. "Eto ba yung di nagpapansinan?" tanong nya tapos tumingin sakin. Jusko po! Ayoko talaga ng ganyang tingin e tas may nangyari pang hindi dapat mangyari kanina. Ngumiti naman ako ng pilit para hindi sila magduda. Maya-maya ay tumango naman sila kaya mukhang na convice namin sila pero ewan ko lang ky Marisa. Iba tong babaeng to e, lakas ng radar nito, nalalamangan pa K9 pag nakaamoy ng kakaiba. "Osya, sigi na, bilisan na natin yung pag luluto upang makakain narin si Eunnie, alam ko napagod sya sa pamimili kanina." sabi nya tapos bumalik na dun sa pwesto nila at nagsimula ng mag grill. Hindi ko maiwasang hindi magtaka. Bakit napaka dali sa kanya magpretend na parang walang nangyari? Hindi man lang ba yun awkward sa kanya ang nangyari kanina? Siguro nga wala lang yun sa kanya. Gaya ng sabi ko, a kiss cannot guarantee that a person has feelings for you. Nanlisik naman ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Talagang napapahamon ako dito ah, tapos ginawa nya yun sakin kaya dapat hindi sya mag play safe dito. Naisip kong asarin sya, kaya lumapit ako sa kanya ng may nakakalokong ngisi. Kung parang wala lang yun sa kanya pwes, di ako papahuli. "Hideo, may dumi sa labi mo, punasan ko lang ah?" sabi ko at pinunasan buong labi nya gamit ang panyo nya na kinuha ko sa bulsa nya. "Punasan natin maigi" dagdag ko at ngumisi ng nakakaloko tapos idinikit pa yung katawan ko sa kanya. Bahala sila sa iisipin nila, hindi rin naman ito totoong tao kaya bahala na talaga. Napansin ko rin naman na hindi komportable si Hideo at umaatras ito ng kaunti tapos hindi mapakali. "Teka, wag ka lumayo, pinupunasan nga e. Gawin mo tong dumi na to as remembrance, okay?" sabi ko sabay wink at inilagay sa kamay nya ang panyo. Napag desisyonan ko na hindi nalang gawing big deal yun, kasi... what for? Jackpot na yata ako nun e! Teka, bat ang manyak ko tingnan? Pwe! As much as possible ay nagpapa ka busy talaga ako kasi ayokong maalala yung nangyari kanina. Binilisan namin yung ginawa namin para makakain narin kami kasi malapit ng dumilim. "Ang ganda mag star gazing dito." sabi ni Marisa kaya napatingala kaming lahat. "May bituin ba lalabas mamaya?" Ion. "Oo tapos isa dun ay isang spaceship pala ng mga angkan mo. Andito para kukunin ka." Pang aasar ni Mairsa sa kanya. "Ikaw na yung lulutuin ko dito, namumuro ka na." sagot naman ni Ion. "Ahh. Pumapatol ka na!" lumapit naman si Marisa sa kanya saka hinampas hampas ito. Hayst! Sa sitwasyon nila ngayon, parang imposible talagang mangyari yung sinabi ni Hideo kanina na magkakatuluyan sila. Ilang sandali ay natapos rin ang ginawa namin, mula sa pag grill hanggang sa paggawa ng pang bonfire namin. Masaya kaming naka upo sa tent habang nag kakatuwaan. "Salamat nga pala sa scarf ah?" sabi ni Ion ky Hideo habang inaakbayan ito. "Walang anuman, pera mo yan e." sagot naman ni Hideo kaya napawi ang ngiti mula sa labi ni Ion. "Ay loko ka, asan nga pala yung wallet ko? ngayon ko lang naalala na nadala mo nga pala ang wallet ko kanina. Pambihira!" "Buti nga sayo!" pang aasar ulit ni Marisa sa kanya. "Sarap mong itapon sa ilog e, ba't ba nabuhay pa ang babaeng tulad mo." "Hiyang hiya naman ako sa'yo. Siguro sising-sisi mama mo't ikaw yung lumabas!" "Atleast binilhan ng sasakyan." "Cheh! Edi ikaw na mayaman." "Di ba kayo nag sasawang mag bangayan?" tanong ni Hideo sa kanila. "Ay, talo yung magsasawa." Marisa. Sumapit narin ang dilim at nakakatuwa lang isipin na nangyari ang araw nato kung saan nag overnight kami tapos kasama ko pa si Hideo ngayon. "Guys, picture tayo." pag aaya ko tapos lumapit lahat sila at nag pose. "First time to nangyari, kaya eenjoy natin to. Wag na natin isipin yung mga bagay na makakasira ng moment, kaya kayo, kimkimin nyo muna galit nyo sa isa't isa kasi uuwi narin naman tayo bukas." Kumakain lang kami ng marshmallow nang biglang tumayo si Hideo tsaka naghubad ng damit. Bigla akong napa ubo habang si Marisa naman ay napa nga-nga kaya nahulog yung nginunguya nya. Ano na naman bang palabas to Hideo? He's carelessly showing his devastatingly-attractive 6 pack abs in front of us. Malamang, sino bang hindi mawiwindang dito! Bigla naman akong napa pay-pay dahil nakaramdam ako na sobrang init sa paligid. Talaga bang gustong patayin ni Tito Luis si Hideo? Insecure kaya si Tito dahil napaka perpekto ng pagkagawa nya kay Hideo? Seryoso, his body is just so well-developed. I shook my head when I got back to my senses and realize na pinagpapantasyahan ko na naman sya. Naglakad sya papunta sa ilog at binasa yung mga paa saka umupo dun. "Sh1t, girl! Grabeng pasabog yun ah?" komento ni Marisa dahil hindi parin ito makapaniwala. "Anong klaseng nilalang ba yun? Halos mabilaokan akong tumitig sa abs nya e!" sabi nya at nag pout habang nakatingin parin ky Hideo. Inalog ko naman ulo nya ng matauhan sya. Ang lande, sabing akin lang si Hideo e. "Grabeng pasabog ka dyan, gusto mo makita yung sakin?" biglang singit ni Ion kaya ang mukha naman ni Marisa ay diring-diri. "Tigil tigilan mo ko, Zacharion ha? Mababalibag na talaga kita!" Natawa naman ako kasi saka lang nya tinatawag sa totoong pangalan si Ion basta gusto nyang inisin ito lalo. Jr. kasi si Ion na kinaiinisan naman nya kasi pang matanda daw yung pangalan. "Inisin mo pa ko Marisa. Iba ako magalit, nanghahalik ako!" "Hoy! Dahan dahan ka sa mga sinasabi mo ah, nakakadiri ka. Siguro kung si Hideo yun, iinisin ko talaga, pero ikaw yan e. Better wag na!" Then she waved her hands in front of him then shook her head. I pointed the flashlight in Hideo's direction and now I'm seeing him in the water, making his body wet. "Uy, Bro, baka mapano ka dyan ah?" Ion. "Di kayo sasabay?" tanong nya kaya nagtinginan kami tatlo. "Ikaw ba, Eunnie?" tanong ni Ion sakin. Naalala ko naman yung awkward moment na nangyari samin. "Di na. Dito lang ako, nilalamig narin kasi ako e." sagot ko naman "Ikaw rin!" Agad naman tumayo si Marisa at sabay silang pumunta sa direction ni Hideo. Still, andun naka tutuk yung flashlight since may bonfire naman kaya maliwanag dito sa pwesto ko at totoo naman talaga na malamig kaya hindi na ako maliligo. Pinagmasdan ko lang sila maglakad papuntang ilong nang biglang sumigaw si Hideo kaya napatayo naman ako kaagad. "Bro, okay ka lang?" Agad naman kaming napatakbo duun. Kahit ako ay kinakabahan sa nangyayari e. "Paki hawak ng ilaw" utos ni Ion kaya agad ko yung kinuha. Hindi parin tumitigil sa kakasigaw si Hideo kaya kinakabahan kami baka may anong kumagat sa kanya. Hindi narin sya nakaka pag balance ng maayos at parang nalulunod kahit mababaw pa lang yung parte ng ilog kung nasan sya ngayon. Agad naman sumaklolo si Ion sa kanya sa pamamagitan ng paghila sa kanya pabalik sa lupa. "Oh my goodness! What's happening na ba?" pag aalalang tanong ni Marisa habang hinihintay maka ahon ang dalawa. Nakarating narin sila at agad naman ipinahiga si Hideo sa lupa. Sumisigaw parin sya na nakahawak sa ulo nya kaya tiningnan namin ang parte sa katawan nya kung may kumagat ba sa kanya or what. Wala naman kaming mahanap basta parang sumisigaw sya dahil may iniindang sakit. Maya-maya ay nahimatay si Hideo kaya nanenerbyos narin kami dalawa ni Marisa. "May sakit ba sya? Or what?" tanong ulit ni Marisa habang pinapalibotan namin sya. Hindi ko rin maiwasan na maiyak kasi naalala ko na naman yung sinabi nung lalake na mapapahamak si Hideo pag magkasama kami. "Hideo, gumising ka nga! Ano ba, hindi to nakakatawa." I said while letting a heavy flow of tears escape from my eyes. "Bro naman e! Kelaki ng katawan mo at maganda ang pagka hulma tapos ito kami ngayon mamomroblema kung anong nangyari sayo. Mababaw lang naman yun kanina!" sabi ni Ion at napakamot sa ulo. Ilang sandali ay nagising sa Hideo at inilibot ang paningin sa paligid. "Salamat naman at nagising ka na." sabi ko habang ihiniga ko sya sa lap ko. Agad naman syang tumayo na parang nakakita ng multo. "Nasan ako?" tanong nya kaya nagkatinginan kami tatlo. "B-bro, nag ka amnesia ka ba?" tanong ni Ion sa kanya at napatingin naman si Hideo sa kanya na kunot yung noo. Imbis na sagotin ni Hideo ay tumayo ito tapos paatras na tumakbo, na para bang natatakot samin. "Bro, wag naman ganyan. Hindi ganyan ang successful na prankster. Paturo ka sa expert, ako." sabay turo sa sarili pero umiling iling lang si Hideo at parang takot na takot. "Hindi ko parin na iintindihan!" tanging sabi ni Hideo at nagmadaling umalis. "Anong trip ni Hideo uy?" natatawang sabi ni Ion kaya nahampas ko sya. May kakaiba talaga ngayon e. "Ano ba, hindi yun prank!" sigaw ko at sinundan si Hideo na may dalang flashlight. "Dalhin nyo yung phones nyo para madami ilaw natin." Sumunod din naman yung dalawa. Nag aalala na ako kasi madilim ngayon tapos andami pang mga kahoy sa paligid, baka mapano sya. "Ano ba yung nangyari sa kanya? Naligo lang naman sya sa ilog tapos, nakalimotan tayo? Agad-agad?" tanong na naman ni Marisa. "Maghiwalay nga tayo sa tatlong direksyon!" utos ko naman. "Dun ka sa kanan, Ion, ikaw naman Marisa, dun sa kaliwa tapos ako didiritso ako." "D-di ba pwedeng sabay nalang kami dalawa ni Ion, hindi ko talaga kaya mag-isa, sorry, Eunnie, kakapanood ko lang kasi ng wrong turn e! Hindi ko talaga sya carry mag isa this time." pag rereklamo naman ni Marisa. Pssh, ngayon pa ba sya matatakot na hindi namin malaman laman kung saan si Hideo. Hindi ko na sila pinansin basta nagpatuloy lang ako sa pag takbo. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko pag may masamang nangyari kay Hideo. Iniligtas ko nga sya sa comics pero dito naman sya mapapahamak. "Hideo, nasan ka na ba!!" Sigaw ko at lumingon lingon sa paligid. "Lumabas ka na please! Magpakita ka na." I'm begging him now because I really cannot afford losing such a precious gem. Patuloy lang na tumutulo ang aking mga luha dahil sa kaba at sa pag iisip kung asan na sya ngayon tapos parang may kakaiba sa kanya kaya sobra-sobra yung kaba sa dibdib ko. Lakad lang ako ng lakad nang biglang umulan ng napakalakas tapos nakaramdam na ako ng takot nung biglang kumulog ng napaka lakas. Napatakip naman ako sa tenga ko dahil napakalakas ng kulog na yun! Mas lalo akong naiyak ngayon dahil bigla kong naalala nung bata pa ako. Nawala kasi ako once, tapos nasa tabing-dagat ako nun noong nawala ako tapos napaka lakas ng kulog at malalaki ang alon. Gabi yun at iyak ako ng iyak dahil hindi ko mahanap si mama kaya naging masakit na alaala yun at twing naaalala ko yun ay nanghihina ako sobra. "Tulong...Hideo, kung naririnig mo man to, tulungan mo ako.." mahinang sabi ko dahil sa nanghihina na ako. 3rd Person's POV Unti-unting nabitawan ni Eunnie ang flashlight na dala-dala nya at napatay naman ang liwanag nito dahil sa sobrang nabasa ito. Patumba na sya sa lupa nang biglang may dumating at nasalo sya agad. Nanginginig si Eunnie sa lamig at dahil narin na trauma sya sa nangyari noon sakanyang kabataan. "Mama..a-as-san k-kana.." nangingig na sambit ni Eunnie habang umiiyak at hindi alam kung anong nangyayari sa paligid nya. "B-balik k-kana m-mama.." dahil sa sinabi nya ay mas lalo pa syang niyakap ng mahigpit . "Dapat pala hindi ako lumayo sayo..." sabi ni Hideo habang yakap-yakap sya. Simula noong si Eunnie nalang ang naghanap ay nakita naman sya agad ni Hideo at narinig lahat ng sinabi ni Eunnie na nagpa realize ky Hideo na hindi ssya dapat lumayo. At dahil nag alala si Hideo sa kanya, sinundan nya ito hanggang sa umulan at nung narinig nyang binanggit ni Eunnie na humihingi sya ng tulong ay agad nya naalala yung tumulong sa kanyang makatakas sa kulungan noon. Ito ang nag tulak sa kanya na sundan si Eunnie upang hindi sya mapano dahil simula noong tinulungan sya nito ay naging malaking bahagi na ng buhay nya si Eunnie. "Tahan na, andito nako.." sa sobrang takot ni Eunnie ay napayakap sya dito kahit na hindi nya alam kung sino ang kasama nya ngayon sa pagkat nasa nakaraan ang kanyang isip. "Dito ka lang..wag mo ko iiwan, mama..." sabi nya at mas umiyak pa. Hinimas himas naman ni Hideo ang ulo nya at pinaramdam sa kanya na hindi sya nito iiwan. "Alam mo bang gusto kitang pasalamatan sa tuwing nakakaalala ako sa nakaraan ko? Gusto ko magpasalamat dahil niligtas mo ako mula sa sitwasyon kung saan pinagbibintangan ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Dahil sa'yo, naramdaman kong meron pa palang nagpapahalaga sakin." sabi nya ng nakangiti at may luhang tumulo sa mata nya. "Kaya salamat..." Ilang sandali ay sabay silang nakatulog habang nasa ilalim sila ng kahoy ng mangga. Hindi naman nila namalayan na tumila na pala ang ulan at isang oras din silang nakatulog duun. Nagising naman si Eunnie dahil sa kagat ng lamok. Unti unti nyang iminulat ang kanyang mata at naramdaman na may nakayakap sa kanya. Inisip nya ng maigi kung sino yung kasama nya ngayon kasi napakadilim na ng kapaligiran. Eunnie's POV Nagising ako dahil napakasakit naman kasi ng kagat ng lamok. Napansin kong napakamdilim ng paligid tapos hindi lang yun, may nakayakap sakin ngayon. Pilit kong inaalala kung anong nangyari kanina, at pano ako napadpad dito. Sobrang kinakabahan ako ngayon kasi hindi ko maaninag yung mukha ng kasama ko ngayon kasi napakadilim ng paligid. Hinaplos ko yung katawan nya upang malaman kung sino ito. Na realize ko na naka topless ito tapos yung nahawakan ko ay mukhang abs ng isang lalake. Nanlaki ang mga mata ko kasi naghahanap lang naman ako ky Hideo tapos after nung umulan ng malakas wala na akong maalala kung ano na yung nangyari. "Gising ka na?" tanong nya sakin. Napaka pamilyar ng boses na ito kaya hindi ako pwedeng magkamali. "H-Hideo?" tanong ko kaagad sa kanya. "Ako nga." sagot nya naman at niyakap ako ulit. "Ba't ka ba gumalaw? Himbing na ng tulog ko e. Payakap ulit ah?" then he hugged me tighter. "N-nakarami ka na ngayong araw ah." sabi ko naman agad. "Iba yung kanina, iba naman tong ngayon. Mas maganda ngayon kasi nakikilala ko ang sarili ko." kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Napapapikit din ako kasi namamaga pa yung mga mata ko. "Anong ibig mong sabihin? Ba't ka pala umalis kanina na parang hindi mo kami nakikilala?" sabi ko habang tumitingin sa kanya. "Nabigla lang ako. Ito pa yung pagkakataon na nakita ko kayo habang nakakaalala ako sa nakaraan." "Anong ibig mong sabihin?" "Bumabalik lang yung alaala ko sa nakaraan tuwing gabi kaya mas ramdam ko yung sarili ko pag sumasapit ang gabi. Pag sapit naman ng umaga ay nakakalimutan ko yun pati narin ang nangyayari tuwing gabi." pagpapaliwanag nya. kung alam nya lang kung gaano ako kagulat ngayon matapos marinig yung sinabi nya. "Kaya wag kang mag alala, naaalala ko lahat, pati yung tinulungan mo ako makatakas noon. Kahit hindi ko naiintindihan ang nangyayari ay nagpapasalamat parin ako sayo. "Hideo..." Tanging nasagot ko. He cupped my cheek and I could feel the warmth of his breath. "Gusto mo bang malaman kung bakit kita nahalikan kanina?" Pinaalala nanaman nya. "Ilang beses ka nang muntikan matumba, simula pa nung una nating pagkikita, ilang beses narin kitang nasalo. Hindi mo alam kung ano yung nararamdaman ko sa tuwing naglalapit ang ating mukha. Sa tuwing nakikita ko ng malapitan ang mga mata mo, maamo mong muka, palaging tumitibok ng napaka lakas ang puso ko. Pilit kong maka iwas pero palagi parin akong bumabalik sayo. Lagi akong natataranta pag palapit ka, ayoko lang ipahalata, pero natutuwa ako pagnakikita kong proud ka sakin. Tapos kanina, hindi ko na napigilan sarili ko. Ikaw kasi e, sinasadya mo yata madulas o matumba palagi para masalo't ako naman yung walang kamalay malay na unti-unti ng nahuhulog." Hindi ko alam kung ano yung magiging reaksyon ko kasi hindi pala unrequited love tung sitwasyon ko. "Kaya sorry." dagdag nya pa. "Sorry? Para saan?" "Sorry at hinalikan kita bigla-bigla. Wag ka mag alala, hindi na yun mauulit pa." sagot nya. Kumunot naman ang noo ko. Walang hiya sya, pagkatapos nyang nakawin first kiss ko ganun lang sasabihin nya? Sorry? Sinuntok ko sya bigla sa tyan kaya napa ubo naman sya. "Sorry? Mag sosorry ka na parang walang nangyari? Sorry? Na parang wala lang sayo yun?" sigaw ko sa kanya. Para kaming baliw kasi hindi namin nakikita ang isa't isa. "Anong wala lang sakin yun?" pasigaw nya rin sakin "Oo, wala lang sayo kasi may guts kang sabihin y-" hindi ko natapos sinabi ko kasi agad syang sumapaw "Mahal nga kasi kita!" sigaw nya kaya natigilan ako. Hindi dahil sa sigaw nya kundi dahil sa sinabi nyang mahal nya ako. "Sasabihin ko na to ngayon kasi hindi ko na to masasabi bukas dahil hindi ko na to maaalala." dagdag pa nya. "m...mahal k..ka d..yan!" sagot ko tapos lumayo ng kaunti pero hinila nya ako pabalik at napasandal ako agad sa dibdib nya. "Eun..." He cupped my face gently in his hands again then he leaned in to drop a soft yet passionate kiss. Now that this happened again, it is me and him who want each other's lips for a passionate one. The kiss that we shared earlier ignited the feeling we felt for each other; this kiss is something different as he explores my lips leisurely. The feeling becomes intense as I touch his body while he slowly helping me to lie down. This feeling makes me aware that the person I'm now with is worth keeping around; how I wish this would never end. This feels like my life, my emotion and my dreams entwined in one snap!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD