Mabilis na lumipas ang mga araw at nagmulat na lamang ako na kaya ko nang bumangon. Masakit man ang katawan ko at parang malalagutan ako ng hininga, nagawa kong makahakbang pababa ng kama, at naglakad palapit sa isang malaking salamin. Hindi ko na alam kung ilang araw na ang lumipas. Wala iyong mga babaeng minsan kong nakamulatan noong nakaraan. Paglapit sa salamin ay agad na tumulo ang luha ko. Malaki na ang ipinayat ko. Bukod doon ay maraming peklat ang makikita sa buong katawan ko. “Masaya akong maayos na ang pakiramdam mo,” Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang hindi ko napansin ang pagpanhik ni Devon sa kwarto at tumayo sa likuran ko. “Pasensiya na kung natagalan,” sabi ko at akmang aayusin ang suot kong damit nang pigilan ako nito. “Ayos lamang. Ang tunay raw na pagbabago

