Maagang gumising si Dash sa kabila ng puyat sa nagdaang gabi. Lenna was exhausted and drunk to even prepare milk for Alejandro. Sa magdamag ay siya ang nag-alaga sa anak. Tumuloy siya sa banyo para maligo pero paglabas niya'y tulog pa rin ang mag-ina niya. Pinagmasdan niya si Lenna na mahimbing pa ring natutulog. Tinawag niya si Tonet at nagpahatid ng kape sa balkonahe habang hinihintay na magising si Lenna. Kailangan nilang pag-usapan ang tungkol sa relasyon nila. Kung maaari ay hihingin niya na ang kamay nito. He smiled at the thought. Kung makakasal sila ni Lenna ay mawawala na ang pangamba niya na maghihiwalay pa sila. Kailangan niyang masiguro na mabubuo na ang pamilya niya. Nakita niyang bumangon na si Lenna at nagtungo sa banyo kaya pumasok siyang muli sa silid. Hinintay

