Hindi halos malunok ni Lenna ang pagkain dahil kaharap niya si Dash at kasalo. Bumalik muli ang hiya sa kanya na pilit ikinukubli para panindigan ang desisyon. Hindi niya gustong manalo si Matilda na mapalayas siya sa mansyon bukod sa wala siyang alam na buhay sa labas ng bayan ng Zambales. Hindi niya alam kung anong buhay ang susuungin niya sa Maynila kung sakali. "Ako na ang magliligpit," wika niya kay Dash nang kuhanin nito ang tray matapos silang kumain.7 "Ituloy mo ang pag-aayos ng gamit mo, huwag kang magtitira kahit ano." Nagtatanong ang mga mata niya na napatitig kay Dash. Aalis pa rin ba siya sa hacienda? "Saan ako pupunta?" "I'll take you somewhere," sagot nitong nakangiti. "I will be back in ten minutes." Hindi niya alam kung gusto niya ang malayo sa hacienda dah

