"Sigurado ka ba sa pinapasok mong 'yan, Lenna?" tanong ni Cecil sa kanya nang ipagtapat niya ang totoo dito pagkatapos niyang manggaling sa opisina ng Papa niya kasama si Dash. "Nandito na 'ko, hindi na 'ko na aatrasan 'yan." "Yung totoo, ung mana pa ba ang habol mo o si Sir Dash na?" "Anong sinasabi mo? Ako ang anak ni Papa, dapat lang na may karapatan ako dito sa mansyon." "Isang buwan lang 'yang paghahanap mo sa titulo ng mamanahin mo ha. Kapag walang nangyari sa mga balak mo, ipangako mo sa 'kin na maghahanap ka ng ibang trabaho at itutuloy mo ang buhay mo sa labas ng hacienda. Hanggang katulong lang ang iaalok na trabaho sa 'yo ni Ma'am Matilda, maniwala ka sa 'kin." "Oo, pangako," wika naman niya nang walang katiyakan. Mabuti at pinaaga ni Dash ang pagtatrabaho niya bil

