"Good morning." Nagising si Lenna sa isang halik na ikinagulat niya at agad napabangon. Alas sais pa lang ng umaga at masarap pa ang tulog niya sa kama matapos niyang tapusin ang pagbabasa sa librong kinuha niya sa library kahapon. "Paano ka nakapasok sa silid ko?" Isinuklay niya ang daliri sa buhok para ayusin ito. Itinaas ni Dash ang kamay hawak ang isang susi. Isang irap ang pinakawalan niya. "Ikaw ang pinakamagandang bagong gising na nakita ko sa tanang buhay ko," nakangiti nitong wika. "Masyado pang maaga para sa pambobola mo. Puwede bang matulog muna? Alas otso pa ang pasok ko, Dash." "Didn't I tell you that you're on duty twenty-four-seven?" tudyo nito. "You are suppose to make me coffee in the morning." "Di sana'y di mo na ako pinatulog," naiinis niyang wika. Muli siyang

