CASSANDRA'S POV:
I was filled with rage toward my mother. I became someone else in every encounter we had. I hated to see her. As much as possible, I want her gone from my life. I didn't understand why my dad still loved her despite the cheating and betrayal my mom did.
"Are you okay, sweetheart?" I hint pity for that question from my dad. Hindi ako lumingon. Nakatanaw lang ako sa malawak na hardin mula sa aking terasa. This is my favorite spot. The scenery makes me forget. Having a beautiful and well-landscaped garden with different flowers makes me feel at ease.
“Ahm, yes dad.” Bahagya akong ngumiti kahit hindi niya ‘yon nakikita. Ramdam ko ang paglapat ng dalawang kamay niya sa balikat ko. “Coach Aldrix is waiting?” Pagbabalita niya sa akin. I felt like I was bipolar, agad akong na-excite.
“You’re kidding right?” Paniguradong tanong ko sa kanya. “Unfortunately, I am very much serious and telling the truth,” natatawang sagot ni Dad. Agad akong tumayo at pumasok sa kwarto para magbihis. “This is gonna be fun dad! Thank you so much! I love you daddy!” Hindi ko mapigilan hindi magmadali. “ You’re welcome and I love you too sweetheart?” Dinig kong sagot niya. Pumasok ako ng aking walk-in closet para magbihis. Narinig ko rin ang pagsara ng pintuan. Lumabas na si Dad.
Agad akong lumabas matapos kong magbihis. I braided my shoulder-length hair. I took my rocket and shuttlecock from the display shelves. I have ten different rockets. Dali-dali akong lumabas ng aking silid at tinungo kung saan naghihintay si Coach Aldrix. Pagbaba ko nakasalubong ko ang Ninong Lionel.
“Cassandra, how are you hija? Ilang buwan lang na hindi ko dinalaw ang daddy parang lalo kang gumanda. Dalagang-dalaga na ang aking inaanak Romulo.” Nagagalak na wika ni Ninong, Lumapad ang ngiti ko at nagmano sa kanya. “Hindi naman po obvious na miss niyo ako ninong, ako rin po!” natatawang sagot ko. Kailangan ikaw na ang dumalaw sa akin mahina na ata ang tuhod ni Ninong!” pagbibiro nito. “Naku ninong kalabaw lang ang tumatanda hindi ho kayo!” birong sagot ko at nagpaalam sa dalawa. However, at the back of my mind, it flashbacks to their conversation over the phone. Andito ba ang ninong sa last will ni Dad? Hindi ba masyadong pang maaga ‘yon?
I was standing not far from the man who I admire the most in the badminton world. Simula ng humawak ako ng raketa at nagkaisip isang pangarap lang ang gusto kong mangyari, ang mapabilang sa maging trainee ng isang Aldrix Romualdez. Pili lang ang hinahawakan at tini-train niya. I cleared my throat.
“Good afternoon coach!” bati ko sa kanya. Binaba niya ang tawag at humarap sa akin. Bigla akong natakot sa kaseryosohan niya. Tumango lang ito, hindi man lang ako binati. Agad niyang kinuha ang raketa niya.
"I don't care if you're wealthy and smart, but if you are my trainee, you must follow my rules." Blangko at seryosong pahayag niya. “Yes coach!” maagap kong sagot. "I heard you have a tournament next week. You will have to train for three hours a day after school. I don't care how you manage your time. I want a winning player, not a loser!" deretsahang sagot niya. I am Cassandra Soesanto, and Aldrix Romualdez will not scare me. "Losing doesn't exist in my system, and I manage my time and study very well; you don't have to worry about that!" Seryosong sagot ko. I had lost my excitement; it had been replaced by eagerness. Tumaas ang kilay ni coach sa sagot ko. He smirks as if he were challenging my abilities. I don't give him the satisfaction of belittling me.
Matapos ang initial orientation niya sa akin, mula sa rules niya, techniques and how to beat my opponent agad akong humanga sa kanya. As our training start, masyado siyang confident na ordinaryong player lang ako, na susuko agad dahil napagalitan ako.
"This is not the player I want!" He said frankly, tumingin ako sa mga mata niya. "This is our first training, don't expect me to be a master right away!" Seryosongng sagot ko. "Because if I am, you are not here in the first place to train, isn't it?" Dagdag ko pa. I know I am good, but he's better. His movement and style were excellent. His technique was precise. Kinuha ko ang tumbler para uminom ng tubig. Bumalik ako sa court at sinuri siya ng tingin. As we started, the four major techniques I learned were over and under. Overhead forehand, underhead backhand, underarm forehand, and underarm backhand.
Sinabayan ko ang bawat galaw at hampas niya ng shuttlecock, but he was weak on the underhead backhand and that was my advantage. He was overconfident just because I was a novice, but not on my watch. I will use that weakest point against him. After almost three hours hingal na hingal na siya. A clapping from my Ninong Lionel made me stopped. “Ninong, you should stay for dinner,” masayang aya ko sa kanya. Kumuha ako ng towel, para mag punas ng tagaktak kong pawis. “Not bad coach, what do you think?” There I saw a genuine smile from him. “Not bad after all,” sagot nito at inayos niya ang kanyang mga gamit. “Romulo a new champion was born! Aldrix what you think sa inaanak ko?” Dinig kong tanong ni Ninong. Parang tumigil ang mundo ko sa kung ano ang maging sagot ni coach. I heard him cleared his throat.
“I like the way she studies her opponent's weakest technique, but more practice, on her underarm backhand.” Seryoso saad ni coach, tumango-tango ako para tandaan ang sinabi niya. “Bueno, let’s have dinner to celebrate this,” masiglang pag-aaya ni Dad. “Thank you,” simpleng saad ko kay coach, tumango naman siya pero seryoso pa rin.
The dinner was okay, because my mother wasn't around. Mas tahimik ang mundo naming lahat. Kanina pagdating namin parang sasabog ang puso ko sa inis. I know I was rude but how could I respect her? Harap-harapan niyang niloloko ang daddy ko. Daddy Romulo was the best dad for me. Despite of my mother did, hindi siya hiniwalayan ni Daddy iyon ang pinagtataka ko.
Daddy is a very fine and handsome man. Even though he could find a woman who would take care of him and love him faithfully, he remained loyal to my mother. Kahit harap-harapan na siyang ininsulto na inutil at walang silbi. I'm not sure how this happened. Hanggang ngayon gusto ko pa rin malaman at makilala ang tunay kong ama. Nahihiya lang ako magtanong kay daddy sa ganitong usapin dahil ayoko siyang saktan. Lalo pa hindi siya nagkulang na ibigay sa akin lahat. But still I am holding for something in the deepest part of my heart. That something is hope. Hope that one day a man will show up and claim to be my biological father.
I am watching the photograph of me and my dad taken on the beach. It has been a very long time since then. Si Yaya Ceding pa ang kumuha ng litratong ito. It brought back a smile to my face to reminisce about that particular moment. This was one of my happiest moments.
I was looking at the ceiling when I heard a beep on my phone. Walang may nakakaalam ng number ko maliban sa school records, hospital records, and few people in my life. I had no friends. Kaya wala akong inaasahang magpapadala ng mensahe. Kinuha ko ang phone ko. An unregistered number.
[Good night to the most beautiful young woman I have ever known: RDT] Napakunot ang noo ko. Pero kung anong kaba ang nararamdaman ko. Mariin akong pumikit. Pero ang gwapong mukha ni Drake ang nakikita ko...
Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog pero sigurado ako madaling araw na ‘yon. Nakatulugan ko na ang nagtext sa akin kagabi. Pero iisa lang naman ang may gano’ng initial ang kilala ko. Sinabunutan ang aking sarili. Naiinis ako dahil may isang taong gumugulo sa isip ko.
Agad akong bumangon kahit antok na antok pa ako. Mabilis din ang kilos ko naligo at nag-ayos ng aking sarili. Pagbaba ko nakahain na ang aking breakfast. May narinig ako bulungan na tila nagtatalo sa kusina pero hindi ko na iyon pinansin. It was Yaya maybe. Baka ma-late pa ako sa school. Pagkatapos kong kumain dinampot ko na ang aking gamit, at lumabas. Nagkakape si Mang Damian.
“Good morning Mang Damian,” simpleng bati ko. “Magandang araw po ma'am Cassie,” ganting sagot nito. Tumayo ito para pagbuksan ako pintuan at pumasok siya sa kusina para ibalik ang tasa ng pinag kapehan niya. Kinuha ko ang aking headset at nagpatugtog. Ipinikit ko ang aking mga mata. Ilang sandali pa yugyog sa balikat ko ang nagpagising sa akin. “Nandito na ho tayo ma'am Cassie.” Tumango ako kay mang Damian. Inayos ko muna ang aking sarili bago tuluyang bumaba. Tatlong libro ang dala ko, medyo may kakapalan at bahagyang mabigat ito.
Bumuntong hininga ako bago ako nagpasyang pumasok. Nang malapit na ako sa gate, agad lumitaw ang lalaking kinaiinisan ko. “Good morning Cassie,” malambing niyang bati. Hindi ko sinagot iyon bagkus sinamaan ko siya ng tingin. This guy made me unable to sleep last night! Lalampasan ko na sana siya ng bigla niyang kinuha ang libro ko. “What the hell?” Inis kong saad.
“Wala ka ba magawang matino? Umagang- umaga nang-aasar ka!?” galit kong tanong sa kanya. “Wala ka bang kamay para hindi maka reply sa akin kagabi? Kahit kaplastikan lang?”ngising tanong niya. “Saan mo nakuha ang number ko!?” pasigaw kong tanong, nakakaagaw na rin kami ng atensyon ng ibang estudyante. “Para-paraan?” sagot nito. Na lalong kong kiniisan. “Let’s go, ihahatid na kita sa room mo baka ma-late ka,” saad nito at nagpatiunang lumakad. Hindi ko lang siya pinatulan. Nang makarating kami sa room, pumasok siya doon at inilagay niya sa armchair ko ang aking libro. “Have a beautiful day Cassie.” Bahagya itong ngumiti at lumabas. Walang hirit na kalokohan. Sadyang hinatid lang ako. Ano ba tingin mo? Tanong ng utak ko.
Nasa kalagitnaan kami ng klaseng ng maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Hindi ko pinansin iyon, pero hindi ito tumitigil. Binuksan ko ang aking backpack para tingnan kung sino ang tumawag sa oras ng klase ko. It was my dad. Dali-dali akong nagpaalam sa teacher ko para sagutin ang tawag. Hindi tatawag ng ganitong oras ‘yon lalo pa alam niya na oras ng klase namin ngayon.
“Da—dad?” alanganing tanong ko. “Hello Ms. Soesanto?” Isang boses ng lalaki ang sumagot sa akin. Binalot ako ng kaba at takot. “Yeah this is her, why are you holding my dad’s phone?” seryosong tanong ko.
“Can you come over to the hospital?” Agad nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ako makasagot. “Hello Ms. Soesanto can you come over to the hospital?” ulit niyang tanong. “Ye—yeah!” bigla akong natauhan. “What happened to my dad?” Tanong ko. “Just come and I'll explain here,” ‘yon lang at namatay na ang tawag. Agad bumuhos ang masaganang luha sa aking mga mata. Parang piniga ang puso ko. I am scared of losing him. Nag-vibrate ulit ang phone ko it was Mang Damian.
“Mang Damian? Sun–sunduin niyo ako kailangan ako ni Dad sa ospital.” Nanginginig ang boses ko. Pinagpawisan ako ng malapot. “Andito ako sa labas ng gate Ma’am Cassie,” sagot nito. Agad akong pumasok sa room para magpaalam sa teacher namin. “Are you okay Ms. Soesanto?” bungad agad ng aming guro. “My apologies, Ma'am, but I have to leave. My father needs me.” ‘yon lang hindi ko na hinintay ang sagot niya. Kinuha ko ang aking bag, at patakbong lumabas. Nanlalabo ang aking mga mata. I was really scared. Nakaramdam ako ng pagkahilo at parang umiikot ang aking paligid. Natanaw ko si Mang Damian nang biglang nagdilim ang paningin ko. “Ma’am Cassie!” At that moment, I was caught in the arms of a strong man. That scent was very familiar…
***